Prologue

47 6 2
                                    

Puno ng tawanan ang buong studio dahil sa biglaang pagkahulog ni Rjay sa ibabaw ni Cej dahilan kung bakit saglit na naglapat ang kanilang mga labi. Napailing ako ng biglang batukan ni Rjay si Cej. Samantalang si Cej naman ay tumayo nalang at nag-asal na parang isang bakla saka pa inilapit kay Rjay ang mukha, umiwas naman ang isa. Andito kasi kami sa dance studio ngayon. Nagprapractice kami para sa comeback namin this month.

"You guys are crazy!" Dinig kong sabi ni Lovely. Si Lovely nga pala ang leader ng kinabibilangan kong grupo ngayon, ang ' The Last Generation'. Ang grupo ay nabubuo ng limang miyembro. Two boys and three girls. Lovely Winchester. A.K.A. GOLD! Siya ang malabookworm sa amin. She manages everything. Siya ang center, lead vocal at lead dancer sa amin. And also the serious type. Nabuo ang grupo noong highschool kami. Katuwaan lang talaga kung bakit nabuo ang grupo, alam niyo na... mga childish thoughts ng isang teenager. Pero di namin inaasahan na ang grupong nabuo ng dahil lang sa isang katuwaan ay isa na ngayon sa pinakasikat ng grupo sa buong mundo.

"Bagay kayo. Why don't you guys date each other!" pagsasali ko sa usapan nila. Sabay akong nilingon ng dalawa at sinamaan ng tingin. Binelatan ko nalang sila as my reply. I am Sydney Chryslar Montengano. A.K.A. SCARLETT. Ako ang pinakabata sa grupo. Sabi nila, well according sa mga fans namin... Ako daw ang pinakasimple at cheerful sa grupo or maybe dahil na nga rin sa kadahilanang ako ang pinakabata. Ako din ang main dancer at main rapper ng grupo.

"Ba't 'di nalang kaya kayong dalawa ni Rjay" sabi ni Cej. I grimaced at that thought. Christian Jeremy Montefalco. CEJ for short. A.K.A. GRAY. Siya ang bad boy type sa grupo namin. He is also the main dancer and main rapper of the group just like me.

"Oo nga Syd. Ba't hindi nalang ako!" pabirong sabi ni Rjay. Rjay Salvatore. A.K.A. RED. Siya ang playboy ng grupo. All women or maybe not all but most of them are most likely to fall in his devilish charms. He is also the main lead vocal and the main visual of the group.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo. Layo!" Itinulak ko ito palayo sa akin dahil nakaakbay ito sa akin kanina.

"Ah nga pala, antagal mo ng hindi nababanggit yung Terrence my loves mo ah.." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng narinig ko ang pangalan iyon. Tipid akong ngumiti. Charity Morgan. A.K.A. VIOLET. Siya ang pinaka pure ang pag-iisip sa amin, in short the innocent type. Siya ang female lead vocal sa grupo at siya na rin ang sub rapper.

"Well, I changed my mind. Bawal ba?" Kinakabahang tanong ko kay Charity. Sinabayan ko nalang ng tawa para hindi mapansin ang pagkabahala ko.

"Hindi naman, I guess it is just normal for us to have a puppy love." sagot nito. Napahinga ako ng maluwag ng tapusin niya doon ang usapan. Napangisi ako ng may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Oh, you mean just like how you experience your oh so called puppy love with Christian?" Itinaas baba ko pa ang kilay ko sa kanya. I chuckled when she roll her eyes at me.

"Crazy" ring kong bulong niya.

"Who's crazy now?" Napaigtad ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko. It's no other than Alfie. Alfie Mark Chavez. A.K.A. MANAGER. I mean, literal na manager talaga namin siya. Well, he has a strong personality. He is older to us by two years and a friend of Rjay and Cej. Pero naging kaibigan narin namin siya as time goes by.

"You startled me" sabi ko rito.

"Sorry" bulong niya.

"Assemble!" Kumunot ang noo ko sa narinig. Pero sumunod narin lang ako. Pumunta kami sa gitna ng studio at umupo sa sahig as we form a circle. Napansin kong may pinagkakaguluhan sila Rjay at Charity. Tumabi ako sa kanila para makiusisa.

"Anong ginagawa niyo?" pabulong kong tanong sa dalawa.

"Shhh." Hindi ko man alam ang dahilan pero agad ko rin namang itinikom ang bibig. Tinignan ko si Charity ng mga matang nagsasabing 'What is it?'. Ngumisi lang ito at dahan-dahan ay may iniangat siya sa bulsa. Napahinga nalang ako ng malalim ng nakita kung ano ito. It's Lovely's phone.

"Mamaya magagalit na naman iyan pag napansin niyang itinago niyo na naman ang phone niya" babala ko rito.

"Just don't tell her, then problem solved" Naningkit ang mga mata ko kay Rjay pero nagkibit balikat lang ito at itinuon na ang pansin kay Alfie na kanina pa pala nasa gitna namin.

"Let's just wait for Lovely. She's outside making some important calls" tumango nalang kaming lahat at ako naman ay napalingon nalang sa kawalan.

"Sorry I'm late" natigil nalang ako ng dumating na si Lovely. Lumapit siya at tumabi sa akin.

"Let's start" Iminuwestra niya si Alfie na magsimula na kaya naman nagsimula narin ito.

"Good news! In three months, we will be going to South Korea!" panimula ni Alfie.

"Anong good news doon?" tanong ko rito. Going to Korea only means another additional workload.

"Oh, well.... We will be holding a group collaboration with the BTS Gro-!" Excited nitong pagbabalita.

"Wait" Pagpuputol ko rito. Tinignan naman ako nito.

"You mean, the BTS?!?! As in the famous BTS?!!" I said emphasizing each letter...

"No way!" Hindi makapaniwalang utal ko.

"It's true" segunda naman ni Lovely. Nang kumpirmahin niya ito ay hindi ko na napigilan pa ang sarili at napatalon ako sa sobrang kasiyahan. Dinig ko naman ang mga tawa ng mga kasama ko. 

"What is it? So you prefer the BTS now than Terrence?!" pabiro ang pagkakasabi ni Charity pero ng bigkasin niya ang pangalang iyon ay nawala ang excitement ko. Bagkus ay napalitan na naman ito ng pagkabahala.

"Oh, napaisip ka ata?" tanong ni Rjay na may kasamang tawa.

"Come here and just sit down." Nagpatianod nalang ako ng hilain ako ni Lovely paupo sa kanyang tabi at tahimik lang ako hanggang sa natapos silang mag usap-usap sa kung anong dapat gawin na preparation sa mga susunod na buwan.

"You okay?"Napalingon ako kay Lovely saglit pero itinuloy ko rin ang pag-aayos ng mga gamit.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" pinipilit ang sariling ngumiting tugon ko sa kanya.

"You sure?" Paninigurado pa nito.

"Yup, a hundred percent sure!" tumangotango nalang ito saka naglakad palayo sa akin. Tinapos ko na ang pag-aayos ko ng gamit at sumunod na sa parking lot.

Pagkarating na pagkarating ko sa parking lot ay tumambad sa akin sina Rjay at Cej na naglalaro sa phone at sina Lovely at Charity na seryosong nag-uusap at 'di nakatakas sa akin ang pasulyap na tingin ni Charity saka siya tumago sa kung ano man ang sinasabi ni Lovely. Kalaunan ay dumating narin si Alfie kaya naman ay sumakay na kami sa van pauwi sa tinitirhan namin. All of us stays in a three storey mansion, we decided to stay together as our family is always out of town samantalang iyung iba naman is sa ibang bansa talaga nakatira. Just like me, my family live in San Francisco.

"Korea ang pinuntahan mo last time, right?" tanong ni Cej mula sa kinauupuan niya. Tumango nalang ako ng isang beses. Napansin siguro niyang wala ako sa mood kaya hindi na niya itinuloy ang sasabihin pa sana niya. 

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. I didn't know na in just six months time ay babalikan ko ang lugar na bumuo ng buhay ko pero winasak rin kalaunan. Not knowing what to do for the upcoming months, I close my eyes and just let the sleep engulfs me.

Date Published: February 8, 2021

(A/N: Tell me about your thoughts in this story. You guys are free to comment everything and anything. And  don't forget to vote and follow me on wattpad. Your vote inspires me to update faster. By the way, check out my story; 'Simple Life' and 'Someone To Fix Me' by clicking my profile. See you in the next chapter. Ciao)

"If you are looking for a super duper perfect story, then I am sorry because this is not for you. But you can give it a try. There's no harm in trying. Ps. No hate just love! *smiles warmly*" - SecureRules

Invisible TearsWhere stories live. Discover now