Chapter 1

29 5 0
                                    

Six Months Ago.......

Matamis akong napangiti ng matuklasan ko kung gaano kaworried ang mga kaibigan ko para sa akin. Tama nga naman ang sabi nila, ang mga tunay na kaibigan ay ang siyang makakasama mo panghabangbuhay. And I have been with them for almost ten years.

"Make sure na mag-iingat ka doon ha?" napangiti nalang ako kay Charity. She has been telling me that mula pa kaninang nasa mansion kami. Nakarating na kami sa airport, pasakay na nga rin ako pero iyon parin ang bukang bibig niya. Hayyy...

"Don't you worry Cha. Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko eh, saka kasama ko naman si Butler Seo" sabi ko rito saka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.

"Huwag mo kaming kakalimutan ah" Napasinghap ako sa narinig mula kay Cej. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya at ng mapansin kong binibiro lang ako nito ay nilapitan ko siya at binatukan.

"Aray!" sinamaan ako nito ng tingin.

"Stop it, Cej" pang-aawat naman ni Rjay. Nilapitan ko narin ito at binigyan ng isang yakap.

"Take care of them for me, huh? Huwag ka na munang maghanap ng mga chicks. Okay?" napatawa ng mahina si Rjay sa ibinulong ko rito.

"Paano naman ang love life ko?" pabiro nitong sagot.

"As if naman kung may siniseryoso ka" naniningkit ang mga matang sabi ko rito. Itinaas naman nito ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"But really? Take care of yourself?" tinanguhan ko nalang ito. Sunod ko namang nilapitan si Lovely na kanina pa tahimik sa gilid. Nginitian ko siya ng matamis saka dahan-dahang lumapit sa kanya. Nang mapansin kong hindi niya ako itatakwil, agad-agad ko siyang patagilid na niyakap.

"Don't be mad na?" pagsusuyo ko rito. Tinignan lang ako nito gamit ang mga malalamig niyang mga mata. I pout. Huminga ito ng malalim saka niya sinagot ang yakap ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Babalik rin ako. As soon as possible. Tatapusin ko lang yung mga pinapagawa nila daddy. Tatapusin ko siya agad. Promise!" dagdag ko pa rito.

"Ang sabihin mo, pagkatapos mong makita si Terrence mo." napalingon ako kay Charity na lumapit narin sa amin ni Lovely at sumama siya sa yakapan namin. Alanganin akong napangiti.

"Saka... Iyon na rin" I grinned. Narinig ko naman ang tawa nung dalawang lalaki sa gilid namin na nakikinig na pala sa usapan namin.

"Hayyy. Sydney you're really something" Inangat ko ang ulo ko at 'di makapaniwalang nilingon si Lovely.

"Hindi ka na galit?" masayang tanong ko.

"I didn't say that I am angry in the first place though. Right?" Nakangiti nitong sagot. She smirked.

"You fooled me?!?" pag-aakusa ko rito.

"No, I did not" nakahinga ako ng maluwag ng makitang tuluyan na itong nakangiti. Truth is, Lovely is against the idea of me going alone in Korea. Mapanganib daw masyado, ayon sa kanya. Lalo na at isa akong kilalang tao. Pero dahil narin sila daddy ang humingi ng favor sa akin, wala siyang magawa kung hindi ang pumayag. Isa pa makikita ko na rin sa wakas si Terrence my loves..... Terrence Javier Hummington. He is a worldwide soloists idol. He can act, sing, dance and can play multiple instruments. At higit sa lahat he is so good-looking. Siya ang inspirasyon ko sa buhay, particularly to my showbiz career. Napag-alaman ko kasing may isang fan meeting na magaganap sa Korea and as the group leader... Yes, I am one of the leader of his fan base. At dahil nga sa busy ako lagi, I didn't get the chance to attend such meetings. This will be my first time actually, if ever man na matutuloy. Well, sana nga.

"Young Miss, the plane is about to leave" Napalingon kaming lahat kay Butler Seo. Tumango ako rito. Humarap ako sa mga kaibigan ko at ngumiti.

"Group hug?" suhestiyon ni Cej.

"Group hug!" sigaw naming lahat saka nila ako pinaggitnaan at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Narinig ko naman ang mga hiyawan ng mga tao. Napasulyap ako as paligid at napansin kong napalilibutan na pala kami ng mga fans. Flashes of camera can be seen everywhere. Mabuti nalang at may barrier sa pagitan namin at ng mga fans. Sa pagkakaalala ko, hindi pa sila ganoon karami kanina. Napailing nalang ako at sa huling pagkakataon ay bigyan ko sila ng yakap isa-isa, pati narin si Alfie na kinakausap ang mga bodyguards.

"Take care of yourself, huh? The guards will assist you until you enter the plane" tumango ako.

"Take care of them for me. Okay?" Sigaw ko rito, dahil narin sa ingay ng mga fans ay tumango nalang ito.

"Take care!" Sigaw ni Lovely. I eagerly nod my head at her. Kinuha na ni Butler Seo ang mga gamit ko. Para sa huling pagkakataon ay kumaway ako sa mga kaibigan ko. Ganoon na din sa mga fans dahilan ng mas pinalakas pa nilang mga sigaw. Pinakitaan ko sila  ng isang matamis na ngiti saka ako tuluyang pumasok sa lounge area.

Seoul International Airport

"Young Miss, the limousine is here" excited akong tumayo mula sa kinauupuan ko ng dumating na ang sundo namin.

"Ecstatic are we?" tanong ni Butler Seo.

"SUPER!" I replied.

"I wonder what is the real cause of those beautiful smile of yours, Young Miss" malaking ngiti nalang ang naisagot ko kay Butler Seo.

"You will soon found out, Butler Seo" Hindi ko naman maitatanggi na puno nga ng excitement ang boses ko.

"What will be my schedule for today?" tanong ko ng tuluyan na kaming nakasakay sa limousine.

"You have hundreds of files that is needed your attention, Young Miss. Then you have to attend a charity this coming Mon-" Pinutol ko ang sasabihin pa sana niya at inunahan na ito.

"Just my schedule for today Butler Seo." dahan-dahan itong yumukod saka niya ulit binuksan ang ipad na nasa kamay niya.

"For today, you just have to simply visit the company and sign some important files."

"Let's go to the company then" Nagulat si Butler Seo sa binitiwan kong salita. 

"Are you sure, Young Miss?" tumango ako rito.

"Don't you want to take a rest in the penthouse first?" suhestiyon nito.

"No need. I have my own personal things to attend later on" sabi ko naman rito.

"May I know what is it, Young Miss?"

"I am going to attend a fan meeting and meet my very own Terrence my loves!" malaki ang ngiting sagot ko rito.

To be continued...

Date Published: February 8, 2021

(A/N: Tell me about your thoughts in this story. You guys are free to comment everything and anything. And  don't forget to vote and follow me on wattpad. Your vote inspires me to update faster. By the way, check out my story; 'Simple Life' and 'Someone To Fix Me' by clicking my profile. See you in the next chapter. Ciao)

"If you are looking for a super duper perfect story, then I am sorry because this is not for you. But you can give it a try. There's no harm in trying. Ps. No hate just love! *smiles warmly*" - SecureRules

Invisible TearsWhere stories live. Discover now