Chapter 2

431 40 10
                                    

(Mew)

Ilang araw na akong hindi umuuwi sa bahay, tinawagan ako ni Mang at sinabi na nakauwi na raw siya sa kanila.

Hmm ang katulong na lalaki na lang ang naiwan sa bahay.

Nilagok ko ang natitirang wine sa aking baso.

Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa ng marinig kong nag-vibrate ito.

(Run is calling*)

Mew: Hello, Run. Anong balita? Nahanap mo na?
Ilang taon na tayong naghahanap pero wala parin tayong makita kahit anino niya.

Run: Nahalughog ko na ang buong syudad pero wala naman akong nakita. Nagtanong tanong rin ako dito kung may kilala ba silang Matangkad na medjo maputi ang balat, maganda ang mata, matangos ang ilong at maganda ang hugis ng labi  pero wala daw talaga. Tinanong ako kung anong pangalan ng hinahanap ko, wala akong masabi since hindi mo rin naman sinasabi sakin dahil hindi mo rin naman alam yung tunay niyang pangalan. Pero wag ka mag alala, pagbubutihan ko pa ang paghahanap.

Mew: sige sige, balitaan mo na lang ako pagnahanap mo na.

Pinatay ko na ang tawag at nagsalin muli ng wine sa baso.

Asan ka na ba! Ilang taon na kitang hinahanap bakit parang tinataguan mo ako.

-------------------------------------------------

(Third person's Pov)

Napaangat si Mew ng tingin nang may tumamang  walis sa binti niya.

"Hoi uwi na, magsasarado na kami. Kanina ka pa nandyan, nakakasagabal ka dito" iritadong sabi ng janitor.

"Huh? Anong sabi mo?" Maamong sabi ni Mew na bakas sa muka ang pagkainis.

"BOBO, SABI KO UMALIS KA NA. TANGA KA BA, NAKIKITA MO NA NAMAN NA MAGLILINIS NA KAMI TAPOS DITO KA PA TATAMBAY. ALAM MO NAMANG HINDI 24 HOURS OPEN ITONG BAR NA TO" malakas na bulyaw ng janitor kay Mew.

Naka yuko lang si Mew at naka ngisi.

"Hmmm so gusto niya ng kamatayan?" Mahinang bulong ni Mew at may dinukot sa bulsa.

"Bobo LAYASS NA DIT-" hindi na pinatapos ni Mew ang janitor sa pagsasalita at sinupalpal niya na ito ng pera sa bunganga.

Nanlalaki ang mata ng janitor at bakas ang takot sa mukang nakatingin kay Mew.

"Tangina mo, hindi mo ba ako nakikilala? Gago ako lang naman ang may ari ng lugar nato. Ako lang naman ang putanginang pinapapalayas mo sa sarili kong pag aari. Ako lang naman ang sinigawsigawan mo." Nanlilisik ang matang sumbat ni Mew.

Lumapit siya sa janitor at hinawakan ito sa leeg.

"Sa susunod, aalamin mo muna kung sino ang sinisigawan mo"

"Sir, pasensya na po diko po alam na kayo ang may ari." Nahihirapang humingang sabi ng janitor.

"Kanina lang ay parang tigre ka, ngayon naman ay parang kawawang kuting."

"Ako man ang may ari o hindi, hindi mo ako kailangan sigawan. Alam mo bang nagtimpi pa ako at baka hindi mo lang ako nakikilala. Hinarap kita at baka masuksok sa utak mong walang laman na ako ang may ari ng bar na ito. Pero anong ginawa mo? Sinigaw sigawan mo pa ako.".

Inangat ni Mew ang Janitor gamit ang isa niyang kamay at inihagis ito sa lamesa.

Hindi pa nakakabawi sa sakit ang janitor ay inakay niya ulit ito at hinagis muli sa pwesto kung saan nakalagay ang mga alak.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now