Chapter 5

358 31 8
                                    

(Mew)

Dala dala ko lahat ng pinamili namin habang nasa tabi ko lang si Gulf na pipikit pikit at hindi nagsasalita.

Halatang napagod siya kakalaro kanina, napaka hyper at akala mo walang bukas kung magtatalon. Ngayon tuloy parang lantang gulay.

"Baby are you okay?"

Tumango lang siya bilang tanong sa sagot ko.

Pagod na pagod talaga.

Binilisan na namin ang paglakad para makarating agad sa kotse.

Nang nasa parking lot na kami ay inilagay ko na ang mga gamit na pinamili sa likod ng kotse.

Nakita ko naman na naghihintay si Gulf sa gilid.

"Baby bakit hindi ka pa pumapasok?"

"Eh hinihintay pa kita, 'diba sabi mo dito ako uupo"

Gusto ko tumawa kase napaka inoxente ng tingin niya, pumupungay pa yung mata.

"Okay baby"

Umupo na ako sa driver seat at iginaya na rin siya paupo sa hita ko.

"Okay ka na jan baby?" Tanong ko sa kanya kung komportable na ba siya sa inuupuan.

Tumango naman siya at isiniksik ang sarili sakin.

Pinaandar ko na ang kotse at lumarga na.

Wala pa kami sa kalahati ng pagbyahe ay narinig ko na ang paghilik niya.

Napahagikhik naman ako sa kakyutan niya.

Hinimas ko ang buhok niyang malambot gamit ang isa kong kamay.

"Baby, ano bang ginagawa mo sakin."

Nagtataka na talaga ako sa sarili ko, dati hindi ko magawang ngumiti o tumawa. Lagi lang akong galit...

"BABE"

"Yes? Baby, anong gusto mo? Nahihirapan ka ba?"

Umiling naman siya at umayos ng pagkakakandong.

"Nangangawit ka na ba?" aniya at matamang nakatingin sa'kin.

"No, sige na matulog ka na ulit...malayo layo pa tayo papunta sa bahay natin."

Umayos ulit siya sa dating pwesto niya.

Ilang minuto ang lumipas at nasa tapat na kami ng bahay.

Napagdesisyunan ko na bukas na lang kunin ang mga gamit.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan at maingat na lumabas.

Karga ko si Gulf na nasa leeg ko ang mukha.

Sinarado ko na ang kotse at pumasok sa loob ng bahay.

Pinatay ko ang ilaw sa labas at umakyat na sa kwarto ko.

Iginaya ko siya pahiga sa kama ko at kinumutan.

"Sleep well baby, may pupuntahan lang ako." hinalikan ko siya sa noo at lumabas sa kwarto.

___________________________________________

(Gulf)

Nagising ako ng may brasong nakapalupot sa katawan ko.

Napangiti naman ako ng makita ko kung sino.

Hindi naman ako sobrang tanga para hindi malaman kung ano ba 'tong nararamdaman ko.

Sabi sakin noon ni Mild, kaya daw siguro pursigido akong hanapin si M kase may gusto ako sa kanya.

Lagi ko yun tinatanggi at lagi kong palusot na ang gusto ko lang naman ay magpasalamat.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now