(GULF)
Kasalukuyan akong nakatayo sa harapan ng isang malaking mansyon. Mukang mamahalin ang mga materyales na ipinanggawa dito sapagkat halos kuminang na ang buong paligid nito sa kintab."Damn, ito na kaya yung bahay na tinutukoy ni Manong Guard?"
Lumapit ako sa gawi kung nasaan ang dorbell at ito ay akin nang pinindot.
Unang beses ko pa lang makakita ng ganto kagarang bahay. Kung tatansyahin siguro ang taas ng gate na nasa harapan ko ay aabot siguro ng dalawangpung talampakan.
"Ano ang sayo iho?" Ay yawa...jusko nagulat naman ako! Bakit naman kase bigla bigla sumusulpot.
"Hello po, ako po si Kanawut. Yung nag apply po para maging katulong. Nakalagay po kase sa description ay lalaki po ang hinahanap niyong maging tagabantay ng bahay"
Nakaka intimidate naman ang Aura nito ni Manang, kung tignan naman ako ay para bang may dumi ako sa muka.
"Oh siya ikaw na pala yan, nung isang araw pa kita hinihintay. Aalis kase ako at uuwi sa aming probinsya, buti naman at dumating ka na"
Ano bang sasabihin ko? Fuck wala naman akong maisip na isasagot sa kanya.
"Hahahahaha ganun po ba?" Kinakabahan talaga ako!
"Ituturo ko muna ang pasikot sikot sa bahay na to, bukas makalawa kapag gamay mo na ang gagawin ay uuwi na muna ako sa aming lugar. Wag kang mag alala at hindi naman madami ang gagawin mo. May mga katulong na pumupunta dito upang maglinis ng bahay ngunit umuuwi din kaagad. Ang gagawin mo lang ay ipagluluto mo ng pagkain ang senyorito at ichecheck mo ang mga alaga niyang hayop sa likuran ng bahay."
Tumango tango na lang ako at tinandaan ang lahat ng sinabi ni Manang.
" Tuwing alas syete ng gabi umuuwi ang senyorito kaya dapat tapos ka na magluto bago pa siya dumating. Marunong ka naman siguro magluto hano?'
"Op-poo"
"Ano ka ba, bakit ba kung kumilos ka ay para bang kakainin kita. Kalma iho"
Shit, halata bang kabado ako.
"Pasensya na po"
"Naku okay lang!"
Ngumiti si Manang at naglakad na, sumumod naman ako kung saan siya pupunta.
"Ito ang sala, dito madalas tumambay ang senyorito. Gusto ng senyorito na tahimik lang ang paligid kaya kapag nandito siya nakatambay ay uupo ka lang sa isang upuan dun malapit sa kusina para kapag may iniutos siya sayo ay magagawa mo agad" turo ni manang sakin.
"Ito naman ang TV, alam mo naman siguro kung pano yan paandarin?"
"Ah- eh manang wala ho kase kaming ganyan sa bahay"
Kakamot kamot sa ulong sambit ko.
"Oh siya, ituturo ko sayo kung paano"
"Ito ang wire na isasaksak mo dito, kapag nasaksak mo na jan. Kunin mo tong remote at pindutin mo itong kulay pula na button. Ganyan lang kadali"
"Salamat po"
"Naku walang anuman"
"Halika sa pangalawang palapag at ituturo ko kung saan ang kwarto mo"
Umakyat si Manang sa hagdanan kaya dali dali ko naman siyang sinundan. Salita siya ng salita at ipinapaliwanag kung para saan ang mga kwarto na nadadaanan namin, kaya tinandaan ko talaga ng husto ang mga sinasabi niya.
"Ito ang kwarto ng senyorito, walang pwedeng pumasok jan kaya wag na wag mong subukan at baka mawalan ka agad ng trabaho."
Bakit kaya bawal pumasok? Asksksksk hayaan na nga