(Gulf)
Nakatulog si Mew pagkauwi na pagkauwi namin sa bahay, siguro ay dala na rin ng pagod kaya mabilis siyang tinangay ng antok.
Hanggang ngayon wala parin akong nahihinuhang dahilan kung bakit nagiging ganito siya
Hindi ko alam ang gagagawin dahil wala naman akong kasama dito sa bahay.
Speaking of kasama...Nasaan na kaya si Manang, akala ko ba ay babalik agad siya. Pero bakit ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.
Humiga ako sa tabi ni Mew at isiniksik ang sarili dito.
Wala naman akong ginawa pero pagod na pagod ako.
Hindi pa ako nakakahiga ng matagal nang maramdaman ko na parang bumabaliktad ang sikmura ko.
Dali dali akong tumakbo sa Cr at doon dumuwal.
Nang matapos ay nanghihina akong tumayo.
Ano kaya ang nakain ko? Hindi naman madali masira ang aking tiyan.
Dahil sa nahihilo na rin ako ay tumabi akong muli kay Mew.
it
Ganito na lang ata ang ikot ng buhay ko, walang kasiguraduhan sa bawat pagbukas ng mata kung nasa tamang wisyo ba si Mew...o kung ibang ugali na naman ang ipapakita niya.
Gusto ko tawagan si Mild para makahingi ng tulong dahil siya ang maalam pero cannot be reached naman.
Napabuntong hininga na lang ako at isiniksik amg sarili sa tabi ni Mew.
"Babe, what's happening to you? Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyin mo.Pero paano kita matutulungan kung kahit ako hindi alam kung ano ba ang mga 'to"
"Sana paggising ko okay na ang lahat. Sana okay ka na"
Kahit hindi pa oras ng pagtulog ay tinangay na rin ako ng antok dahil sa pagod.
----------------------------------------------------------
(Third person)
Habang mahimbing na natutulog ang magkasintahan ay lingid sa kanilang kaalaman na may mga taong nakamasid na sa labas mismo ng mansyon.
"Gago talagang Mew, sinusubukan ata ang haba ng pasensya ko."
"Boss mukhang hindi na bahag ang bunton ng anak mo"
"Huwag mo ngang mabanggit banggit na anak ko ang tanga at duwag na yan!"
Imbis na kumibo ay tumahimik na lang ang lalaki at hindi na nagsalita pa dahil baka siya ang malintikan kung magkataon na mandilim ang paningin ng amo.
"Asan na ba si Art?" tanong ng lalaking may hawak na sigarilyo at nakasandal sa kotse habang nagmamasid sa labas bahay.
"Sir hindi daw muna siya pupunta at magpupumulit dahil nagpapagaling pa siya. Masyadong malala ang naging mga gasgas niya nung kaladkarin siya ni Mew palabas ng mansyon."
"Aba't sinusubukan talaga ako, makikita niya ang hinahanap niya." Sambit nito at inihagis ang upos ng sigarilyo sabay tapak dito.
"Tara na, baka hinahanap na ako ni Catalina"
Tumango ang lalaki at sinunod ang utos ng amo.
Sumulyap muli ang mga ito sa malaking bahay na may mataas na gate bago lumarga.
"Catalina La esposa, kamusta ang iyong pamimili sa espanya?"
"Sobrang saya Hon, medyo nakaramdam ako ng ginhawa at kagalakan. Atleast hindi ako pagod at parang alila. Parang ayaw ko na nga bumalik sa impyernong mansyon at magpangap na isang butihing matanda."
"Kita mo ang gaspang ng aking mga palad! Tch...kung hindi kita mahal ay hindi ko gagawin ang mga kabaliwang ito." sambit ng ginang na siyang ikanahagikgik ng matandang lalaki.
"Ngunit mas angat ang pagmamahal mo sa'kin kaya't hindi mo kaya ang tanggihan itong aking hiling. Hindi ba?"
"Malamang mahal kita, kaya nagtitiis ako para tantanan mo na ako sa pangungulit mo!"
"Yun naman pala mahal ko, halika at gagawadan kita ng isang mahigpit na yakap" sambit nito at niyakap ang asawa.
"Alejandro, nasaan ang aking anak?"
"Ang anak mo ay nagpapagaling, hindi ko mabatid kung anong pumasok sa isip niyan at sumugod kay Mew ng walang kasama, kita mo ang inabot niya. Puro sugat at galos."
"Walang hiyang Mew! Imbyerna!!!" Pagbitaw nito sa yakap ng asawa at sumigaw na animo'y galit na galit.
"Ganyan na ba kasiraulobang anak mo para ganyanin ang anak ko!"
"Magbabayad siya sa ginawa niya"
"Nasaan si Art?"
"Nasa taas ata nagpapahinga"
Hindi na kumibo amg ginang at umakyat na lang sa taas upang tignan ang kalagayan ng anak.
Kumatok muna ito sa pinto bago pumasok, pagkabukas ay bumungad sa kanya ang anak na nakahiga sa kama at nakatingin lamang sa kisame habang walang imik.
Dahan dahan siya lumapit at umupo sa gilid ng kama.
"Son, how are you?" aniya na siyang pumukaw sa atensyon ng anak.
"Mom?!" pagkabaling nito sa ina ay mabilis itong umiyak at yumakap.
"Mommm, si Mew...si Mew...si Mew mom si Mew!" parang batang nagsumbong at umiiyak na sambit nito.
"Why son, anong ginawa sa'yo ng hayop na yun?"
"Mom, kinaladkad niya ako kahit nagmamakaawa na akong tumigil. Wala naman akong ginagawang masama, kinakausap ko lang yung katulong sa bahay nila and then bigla na lang itong sumigaw na sinasaktan ko daw siya kaya naman nagalit sa'kin si Mew at kinaladkad ako. Mom nagmamakaawa na ako pero hindi parin siyabtumigil. Look...andami kong pasa and dahil ito dun sa atrimitidang katulong."
"That bitch called me slut pero hinayaan ko lang, then nung hindi ko siya pinansin is bigla na lang siyang sumisigaw."
"Mom help me, ilayo natin si Mew sa hitad na katulong na yun. Mom pls."
"So si Gulf lang pala ang may sala? Sa buong akala ko ay mabait ang batang iyon! Walang hiya at isang mapagpanggap pala!"
Habang bakas ang galit sa mukha ng ginang ay patago namang nakangiti ang anak nito. Humihikbi na akala mo ay aping api.
Hinahagod lamang ng ginang ang likod ng anak at tinatahan ito.
-----------------------------------------------------------
(Gulf)
Mag-gagabi na nang magising ako, bigla na lang ako nagutom kaya tumayo na ako para makapaghanda na rin ng hapunan.
Tulog na tulog si Mew kaya hindi ko na siya inabalang gisingin.
Naghanda ako ng pagkain, habang naghihintay ay naglinis na rin ako para malinis tignan ang bahay.
Simula nung umalis si manang ako na lahat ang gumagawa ng gawaing bahay. Dati ay magaan naman ang trabaho at hindi sobrang hirap ngunit simula nung hindi ko ka mawari ang nangyayari kay Mew ay medyo nahihirapan na ako.
Hindi ko kase matansya kung ano ba ang dapat gawin. Hindi ko rin alam kung sino ang pagtatanungan.
Laking pasasalamat ko at marami na akong natutuhang bagay bagay simula nung dumating ako dito.
Nang matapos akong magpunas ay niligpit ko na ang mga basahang ginamit at bumalik muli sa niluluto
Tumungin ako sa orasan. Mag-aala syete na pala.
Mukang matagal tagal pa bago gumising si Mew kaya umupo muna ako sa sofa at nilibang ang sarili.
Hindi maganda ang pakiramdaman ko kanina pa. Hayss bakit ba sabay sabay dumadating ang mga problema. Hindi ba pwedeng isa isa lang para makapag adjust naman ako at hindi ganito na parang nangangapa ako sa dilim.