MEW
Pagkagarahe ko ng kotse ko ay nagmamadali akong umakyat sa taas. Nanlalagkit na ako at amoy malisangsang narin dahil sa dugong nakapalibot sa katawan ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay saka ko lang narealize na nasa loob pala si Gulf.
Nagulat ako kaya mabilis akong pumasok sa banyo. Nilinisan ko ang sarili ko at siniguradong walang mababakas na amoy ng dugo.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako at pinunasan ang mga dugo sa sahig.
Tulog parin si Gulf kaya hindi ko na siya inabalang gisingin.
Nang matapos akong magpunas ay saka ko itinapon ang mga damit at basahan na may dugo.
Nanghugas ako ng kamay at umakyat na sa kwarto.
Pinagmamasdan ko si Gulf at sinuri ang kanyang mukha. Sadyang napaka ganda. He's like an angel in disguise. His lips looks so soft, his cheeks looks so fluffy... He's unreal.
Inayos ko ang kumot niya at dahan dahang himiga sa tabi niya.
It gives me so much comfort whenever am with him. It feels like home.
Pinaunan ko si Gulf sa braso ko at saka nagpatangay sa antok.
Hindi pa ako nakakatulog ng mahimbing nang marinig kong nagvibrate ang cellphone ko.
Alas dos na ng madaling araw, sino ba 'tong iturbo na'to.
Mew: Hello!
:TCH...NAPAKA INIT NG ULO.
Mew: sino ka? Bakit ka naptawag at anong kailangan mo?
: Teka naman, isa isa lang ang tanong. Nagmamadali?
Mew: Sabihin mo kung anong sadya mo bago pa mandilim ang paningin ko.
: Talaga nga namang napakamainitin ng ulo mo MR. JONGCHEVEEVAT
Mew: Sino ka bang tangina ka? At bakit alam-
: Ang pangalan mo? Bakit alam ko ang pangalan mo? Yun ba ang tanong mo?
Hmm... hulaan mo.Mew: tangina mo kung wala kang sasabihin na matino, Go and fuck yourself Motherfucker!"
Binaba ko na ang tawag dahil nababadtrip na talaga ako.
Ipinasa ko kay Run ang number ng tumawag para matrace niya kung sino yun.
Wala pang isang minuto ay nagreply na kaagad siya.
Run: Boss give me a minute.
Naupo muna ako sa swivel chair ko habang hinihintay ang text ni Run.
Mayamaya pa'y tumawag na si Run.
Run: Boss, hindi ko na matrace. Mukhang patapon na sim na ang ginamit nung tumawag sa'yo. Halatang pinagplabuhab talaga.
Mew: Sige ipagpa-bukas mo na lang yan. Salamat
Binaba ko na ang tawag at saka humiga ulit sa tabi ni Gulf.
-----------------------------------------------------------------
(Gulf)
It's already 1 in the afternoon, kumakalam na ang sikmura ko at nanlalagkit na rin ako.
Tatayo na sana ako para makapagluto at makakain nang mapukaw ang atensyon ko ng papel na nasa ibabaw ng side table.
Hi, baby...umalis na ako. Hindi na kita ginising kase mukhang mahimbing ang tulog mo. Kumain ka na sa baba, ipinagluto na kita. Uminom ka rin ng gamot mo para tuluyan nang gumaan ang pakiramdam mo. I love you, baka bukas pa ako makakauwi dahil madami akong ginagawa. Pls magdahan dahan ha.