(Gulf)
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba.
Tinignan ko ang orasan sa gilid ko, nagtaka naman ako ng makita na alas dos pa lang ng madaling araw. Sino naman ba ang maglalakas loob na magingay.
Sigurado akong hindi si Mew dahil meron naman siyang susi na dala.
Nagmadali akong bumaba dahil palakas ng palakas ang ingay.
"FUCKKK, OPEN THE GATE. TANGINA KANINA PA AKO DITO BAKIT WALANG NAGBUBUKAS."
Wait... that's Mew's voice, hindi ako magkakamali kase alam na alam ko ang boses niya.
Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa gate para buksan iyon.
Kahit nagtataka kung bakit hindi na lang pumasok si Mew at kailangan pang mag ingay ay ipinagsawalang kibo ko na lang ito.
Napaatras ako ng itulak na malakas ni Mew ang Pinto ng gate, kung hindi ako alerto sa pag-ilag ay paniguradong tinamaan na ako.
"Mew, what's wrong. Bakit hindi ka na lang pumasok agad, diba may susi ka?"
"Who are you?" Baritinong tanong niya. Mababakas sa mukha niya ang pingahalong galit at pagtataka. Nakakunot ang noo at salubong ang kilay.
"I SAID, WHAT ARE YOU DOING HERE!!, BAKIT KA NANDITO? SINO KA. MAGNANAKAW KA BA? AT BAKIT KILALA MO AKO???"
Napaatras ako sa bulyaw ni Mew, hindi ko alam pero parang iba amg taong nasa harap ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa kwelyo.
"Bingi ka ba??? O sadyang tanga lang kaya hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko?"
"Mew, ako 'to si Gulf" nanginginig sa takot na bigkas ko.
Hindi niya pa rin ako binibitawan. Nakahawak lang siya sa kwelyo ko. Nahihirapan na akong himinga dahil sa higpit ng hawak niya.
"Anong GULF? Hindi kita kilala. Wala akong kilalang Gulf."
"Mew, nagbibiro ka lang ba? Ano bang nangyayari sa'yo bakit ka nagkakaganyan."
Nagsisimula nang magsituluan ang luha ko. Natatakot talaga ako sa expression na pinapakita ni Mew. Para g anytime kaya niya akong saktan.
"Anong nagbibiro? Bobo ka ba? Magtatanong ba ako kung kilala kita?"
Patulak niya akong binitawan kaya napasaldak amg pwetan ko sa sahig.
"Mew, ano bang nangyayari? Pls sabihin mo naman sakin?"
"Sino ka naman para digtahan ako, hindi nga kita kilala. Hindi ko nga alam kung saang lupalop ka galing"
"Mew, ako nga 'to si Gulf. Ano bang nangyayari sa'yo. Umalis ka lang tapos pagbalik mo hindi mo na ako naaalala"
"Tangina sabing hindi nga kita kilala. Pwede bang umalis ka na dito sa pamamahay ko bago pa mandilim ang paningin ko at may magawa akong hindi maganda sa'yo"
Galit niyang hinatak ang damit ko at marahas akong pinatayo, pakaladkad niya akong dinala sa labas ng Gate at itunulak ng malakas.
Napasigaw naman ako sa sakit.
Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi ko alam kung si Mew ba ang masa harap ko.
Bakit siya ganito? Bakit hindi niya ako maalala at bakit hindi niya ako nagagawang saktan.
Hindi alintana ang sakit ng katawan dahil sa malakas na impact ng paghagis niya sakin kanina.
Marahan kong pinunasan ang luha ko na nagbabadya na namang tumulo.
Narinig ko ang malakas na pagsara ng gate.
Wala akong alam na mapupuntahan.
Yung mga gamit ko nasa loob pa ng bahay, wala rin akong dalang pera.
May galit ba sa'kin ang mundo, bakit naman kung kailan masaya na ako saka naman mangyayari ulit ang mga ganito.
Bawal ba talaga akong maging masaya ng matagal.
Pinatikim lang ba talaga ako ng konting kaligayahan tapos pahihirapan na naman ako.
Hindi pa ba sapat yung mga paghihirap na naranasan ko dati?? Kulang pa ba?
Kung minamalas ka nga naman...
Bakit naman sumabay pa ang pag ulan.
Lumapit ako sa ilalim ng puno para hindi mabasa, naupo ako.
Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na mag isa ako.
Talaga palang parte na ng buhay ko ang kalungkutan.
Niyakap ko ang tuhod ko.
Lalo pang lumakas ang ulan kaya wala ring silbi ang pagsilong ko sa puno.
Nakayuko at nakadukdok ako sa aking tuhod ng hindi na muling umagos ang tubig ulan sa akin.
Rinig ko pa rin naman ang tunog ng pagpatak ng ulan at ang makas na kulog.
Sa pagtataka ay inangat ko ang paningin ko.
Nagulat ako ng makita kong nasa harap ko si Mew. Malambot ang ekspresyon, malayong malayo sa pinakita niya kanina.
"Baby, bakit nasa labas ka at nagpapa-ulan? Anong oras na oh, bakit kung kailan madaling araw na saka naman naisipan mong magstay dito."
Nananaginip lang ba ako kanina? Bakit parang ibang Mew ulit ang masa harap ko.
Bakit malayong malayo sa agrisibong Mew kanina.
Mababakas mo talaga sa boses niya ang pag aaalala.
"Mew, what are you saying??? Bakit ako ang tinatanong mo? Di ba ikaw ang nagpalayas sakin kanina. Sinagaw sigawan mo pa nga ako kase sabi mo hindi mo ako kilala. Hinitak mo pa nga ako sa kwelyo at kinaladkad palabas. Tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakit ako nandito. Mew ano bang nangyayari sayo?"
"Whattttt??????? Ginawa ko yun?" Parang gulat na gulat na sabi niya.
"Baby, hinahanap kita kanina sa taas pero hindi kita makita kaya bumaba ako at nilibot ang paligid. Hindi ko talaga maalala lahat. Ang alam ko lang hinahanap kita."
"Mew, hindi naman ako tanga para hindi maalala lahat ng nangyari kanina"
"Pero wala talaga akong maalala"
Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari sa kanya, kanina lang ay parang handa na siyang pumatay at ngayon naman ay parang wala siyang kaalam alam sa mga nangayayari.
"Tara na pls, pumasok na tayo at baka magkasakit ka"
Litong lito na ako, hindi ko alam. Wala akong alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
Inakay ako ni Mew patayo, sa una ay nag aalangan pa ako pero sumama rin ako.
Basang basa ako at nilalamig na rin.
Nakahawak ant kamay niya sa bewang ko.
Nang makapasok na sa gate ay binitawan niya ako saglit para isara at bumalik ulit.
Pinaupo niya ako sa sofa kahit basang basa na ako.
"Baby, wait aayusin ko lang ang pampaligo mo" aniya at umalis
Bakit ganito? Bakit umaakto siya na parang walang nangyari? Bakit parang hindi niya maalala ang mga ginawa niya kanina
"Baby, okay na. Pumasok ka na at magbihis." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo bago umakyat sa taas.
May mali... May mali talagang nangyayari dito-
-----------------------------------------------------------------
A/N: Mew ano ba nangyayari sa'yo????
Asksksksk thanks po sa mga nagbabasa kahit napakabagal ng upadate ☺️
Hope y'all have a good day 🌞🌻