Chapter 3

428 43 17
                                    

(Mew)

"M?" nagtatakang tanong ng lalaking sinabihan akong magnanakaw habang naka amba parin ang walis sa akin.

Kumunot ang noo ko at inalala kung bakit pamilyar siya sa akin.

"M!!!!!" Aniya at sumampa sa kama.

"Mmmmmmmmm!!! Hindi mo ba ako nakikilala" maamong tanong niya sakin at tumalontalon sa kama.


"M ako to yung tinulungan mo Five years ang makaraan"

Shit...kaya pala pamilyar siya. Tangina andito lang pala sa bahay ko ang matagal ko ng hinahanap.

Lumapit ako sa kanya at sinuri ang kanyang mukha.


"Ikaw nga, antagal na kitang hinahanap. Kung alam ko lang na ikaw ang katulong na sinasabi ni Manang...umuwi sana ako dito unang araw palang ng pagdating mo"

Niyakap ko siya ng mahigpit, at pinaupo sa hita ko.

Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.
Napaka pamilyar at napakasarap sa pakiramdam.

Hinagod ko ang buhok niyang madulas

"M, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Alam mo ba na matagal na rin kitang hinahanap. Simula nung nailigtas mo ako sa kamay ng mga sindikato na'yun, naranasan ko mamuhay ng normal. Nagkaroon ako ng lakas mabuhay. Dati gusto ko na lang mamatay dahil lagi na lang akong nahihirapan. Araw araw kong tinatanong ang sarili ko kung bakit pa siya lumalaban, bakit ayaw niya pang sumuko."

"Yung araw na nilagtas mo ako,akala ko katapusan ko na. Napakasakit ng katawan ko. Takot na takot ako" paliwanag niya sakin.


"Shhhhhhh, okay na. Ngayon na nadito ka na sakin hinding hindi mo na mararamdaman muli ang mahirapan."

Mas niyakap ko pa siyang mahigpit.

Naramdaman ko naman ang pag-alog ng balikat niya senyales na umiiyak siya.

"Salamat, pls wag ka na umalis."

Tumango lang ako at dinama ang init niya.

Sa ilang taon ko nang nabubuhay sa
mundo, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Napaka kalmado...napaka sarap.


Ilang minuto ang lumipas at malalim na ang paghinga niya. Hindi ko parin alam ang tunay niyang pangalan.

(Call him babe or baby, you dumb Mew)

Hmmm yeah yeahh...baby! Pero hindi ba siya maaalangan? I mean kakakita palang namin.

Pwede namang tawaging baby ang kaibigan diba?

Haysss hayaan na nga. Napa iling na lang ako sa naiisip.

Dahan dahan akong tumayo at nag-iingat na huwag siyang magising.

Ipinalibot ko ang paningin ko sa paligid ng kwarto at nakita na puro kalat lang sa loob kaya dumiretso ako sa isa pang kwarto.

Dahan dahan ko siyang inilapag sa kama para makasiguradong hindi siya magigising.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang
mukha.

Napaka ganda, hindi siya deserve ng mundo.

Hinagod ko ang mga buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha.

At tumayo para magpahangin sa labas.

Tatalikod na sana ako nang may kamay na humawak sakin.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now