Chapter 1

832 38 7
                                    

"Kanawut iho aalis na ako, pasensya na at napa aga. Naituro ko naman na sa iyo ang mga dapat mong gawin." Bilin sakin ni Manang.

Kahapon pagkagising ko ay tinuro na ni Manang sakin lahat ng gagawin.
Hindi naman dumating ang senyorito kaya hanggang mag alas otso ng gabi ako tinuturuan ni Manang. Sa isang araw pa daw sana siya uuwi kaso kailangan na siya ngayon ng mga anak niya at may kailangan asikasuhin sa lupa nila sa probinsya.

"Sige ho manang, hihintayin ko na lang ho na dumating ang senyorito mamayang hapon. Hatid ko na po kayo"

Hinatid ko si manang sa labas nang gate at ipinasok ko na ang mga gamit niya sa loob ng kotse, sabi ni manang ito raw ang ipinagagamit sa mga katulong dito. Binilin ng Senyorito na magpahatid siya kay Manong Berting pauwing probinsya para hindi na siya mahirapan.

"Manang mag ingat ho kayo" pagkaway ko at pagpapaalam kay Manang.

"Ikaw rin iho, oh siya aalis na ako"

Kumaway si manang at itinaas na ang bintana.

Pagkaalis ng kotse ay pumasok na ako sa loob.

Naalala ko na di pa nakaayos ang mga gamit ko kaya bumalik ako sa kwarto ko upang mag ayos ng mga damit.

Napaka laki ng inuukupa kong kwarto, kung tutuusin ay halos isang bahay na to.

Sino kaya ang senyorito na sinasabi ni Manang?

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan ang aking kaibigan.

Gulf: Hello Mild.

Mild: ohh napatawag ka, kamusta jan.

Gulf: okay naman, naninibago lang kase ibang iba itong bahay na 'to sa nakagisnan ko, tho wala naman akong kinagisnang bahay pero naninibago talaga ako.

Mild: naku masasanay ka rin, basta kapag may problema huwag ka na magdalawang isip na tawagan ako. Ay wala ka nga palang isip HAHAHAHAHA.

Gulf: pakyu! Yari ka sakin kapag nagkita tayo.

Mild: ha?

Gulf: yari ka sakin kapag nagkita tayo! Bingi

Mild: hatdog

Gulf: potangina ka!

Mild: HAHAHAHAHAHHA CHILL, AMPANGIT MO. MUKA KANG PAA NA TINUBUAN NG KATAWAN.

Gulf: mas panget ka, muka kang tuhod na may bukol na may sugat na may nana!

Mild: tse mas panget ka wag ka papatalo

Gulf: oo na mas panget ka, sige na ibababa ko na 'to at may gagawin pa ako.

Gago talagang Mild na yun, AHAHAHAHAHAHHA
namiss ko tuloy batukan siya.

Dati nung kasagsagan na nakatakas na kami sa kamay ng sindikato, lagi na kaming magkasama ni Mild. Bumyahe kami papuntang probinsya at duon na nanirahan para walang humabol samin

Nakilala ko siya nung isang beses na may humahabol sakin. Muntikan na akong maabutan nun, buti na lang kinabig ako ni Mild paupo sa damuhan para makapagtago.

Akala ko katapusan ko na, akala ko mamamatay na ako.

Utang ko ang buhay ko kay Mild, kaya laking pasasalamat ko talaga na nakilala ko siya.

Pero...

Asan na kaya si M, ilang taon narin na wala akong balita sa kanya. Hindi ko man lang nalaman ang tunay niyang pangalan.

Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya!

Labing limang taong gulang ako nung ipagbili ako ng nanay ko sa mga sindikato.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now