Chapter 14

419 26 4
                                    

(Third person)

(The day before the incident happened)

"Psst...pst"

"Pst"

"Mew, Mew where are you?"

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH akala ko ba matapang ka. Hmmm akala ko ba kaya mo na, bakit parang isa kang batang musmos na nagtatago sa isang gilid"

Rinig na rinig ang malakas na boses ng isang lalaki sa loob ng Pabrika.

Nakasiksik si Mew sa isang gilid at hindi mawari kung ano ang gagawin. Sa ilang buwan niyang hindi nakita ang ama ay hindi niya inaakalang babalik muli ang takot na dala ng nakaraan sa kanya.

Isiniksik niya pa ang sarili sa gilid ng kabinet upang maitago ang sarili.

Kanina bago siya pumunta at pumasok sa loob ng Pabrika ay hindi naman ganito at tila normal naman ang progress ng kanyang katawan. Ngunit nang makita ang kasuklamsuklam na mukha ng ama ay bigla na lang nanginig sa takot at nanlambot ang kanyang tuhod. Lahat ng paghihirap na sinapit niya dito ay biglaan na lang nagsibalik dahilan para sumakit ang kanyang ulo kaya dali dali siyang tumakbo at nagtago.

Hindi siya ganito dati, kayang kaya niya kalabanin ang kanyang ama. Ngunit namg isang beses na makipagkita siya dito sa halos matagal na hindi pagkikita ay nagsimula na niyang maramdaman ang kung ano ano.

Minsan kapag nakikita niya ito ay mabilis siyang aalis upang makaiwas sa ama, magugulat na lang siya na punong puno ng dugo amg katawan at may mga bangkay na nasa kanyang harapan. Minsan naman ay nasa dalampasigan at punong puno ng putik.

Hindi niya maalala ang mga pangyayari, kaya't kahit puno ng pagtataka ay mas pinili niyang ipagsasawalang bahala na lang.

Sadyang marami siyang katanungan ngunit hindi niya alam kung paano ito masasagot.

Gulong gulo at parang laging nawawala sa wisyo, hindi alam at para bang nababalisa na lang ng walang dahilan.

Ang mga alaala na pilit ibinabaon sa limot ay pilit na binabagabag ang kanyang pagkatao.

"MEW ANAK, TARA NA SA DADDY. ALAM MO NAMANG MAHAL KA NG DADDY DIBA"

ang mga linyang binitawan ng ama ang siyang naging badya para bumalik ang alala ng malagim na sinapit

-------------------------------

"Daddy can you give me money na po. Pls ginawa ko na po yung pinapagawa niyo. My teacher said that we need to buy art materials po kase we have a task to do tommorow" Sabi ng bata habang nakayuko.

"Owww really? I'm so proud of you son. Come here, may ibibigay si daddy."

Kahit may pangangamba sa bata ay lumapit parin ito sa ama.

Umupo ito sa katapat na upuan at nakayuko parin na animo'y natatakot.

"Are you scared of me?" Malambing na sabi ng ama.

"No po, why would i po" pagsagot ng bata.

"So why are you shaking??"

"No I'm no-o-ttt sh-ankin-ng po Daddy"

"LIARRR!" Malakas na sigaw ng ama at malakas na hinampas ang lamesa.

Napabalikwas amg bata sa gulat at naihi sa takot.

Tumulo ang ihi nito sa tapat ng sapatos ng ama kaya lalo itong nanginig sa takot.

"Talagang bobo ka talaga, napaka tanga mong putangina kang bata ka"

Sa sobrang galit ay kitang kita ng bata ang panlilisik ng mata ng kanyang ama.

Gusto niyang umiyak at tumakbo ngunit hindi niya magawa dahil walang luha ang tumutulo sa kanyang mata, ang kanyang tuhod ay para bang babagsak na sa sobrang takot.

Hinila siya ng ama niya sa buhok kaya napasigaw ito sa sakit

"Daddy, daddy, daddy pls sorry po. Daddy sorry sorry i didn't mean to do that. Daddy don't hurt me"

Nanginginig ang bata sa bata pero pilit niyang tinatatagan ang loob para magmakaawa sa ama.

"Alam mo naman anak kung bakit ko ginagawa sa'yo 'to diba? MEWWW DIBA ALAM MO NAMAN!!!"

"YE-es po yes po Daddy. Sorry sorry" tarantang sabi ng kawawang bata.

Halata ang pagod at takot dito.

Basa ang shorts, at tumatagaktak ang pawis.

"Oh alam mo naman pala, bakit pinapatigil mo ako??? Hindi ba't ginagawa ko ito dahil mahal kita. Ayaw mo bang ipakita ni Daddy ang pagmamahal niya sayo?"

"No, Daddy...i didn't mean to offend you."

"Really??" Maamong tanong nito sa bata.

"Yes yes"

"Would you let me to show my love for you son?"

"Of cour-r-se"

"Okay"

Iniwanan ng ama ang bata at pumunta ito sa kung saan.

Nilalakasan ni Mew ang loob at pinipilit na huwag tumulo ang luha. Nanginginig ang kamay, nangangatog ang tuhog. Sa murang edad ay nararanasan na ang hirap at karahasan ng mundo.

Nakayuko lang ito at hinihintay ang gagawing kabaliwan ng ama.

Ilang minuto ang lumipas ay nasaharap na ito ni Mew.

May hawak itong plastic, lubid, at sako.

Hindi lumilingon sa gawi niya ang bata dahil baka mapahikbi ito at mas lalong maging madahas at karumaldumal ang mararanasan niya sa kamay ng ama.

Dahan dahang tumayo si Mew at sinusundan ang bawat pag galaw ng ama.

Pilit inilalayo ang tingin sa mga gamit na magbibigay ng panibagong hirap sa kanya.

Iginaya siya ng ama patalikod para maiayos ng maayos ang lubid.

Sobrang higpit ng pagkakatali nito, kitang kita agad ang pangingitim ng kamay ng bata.

Gusto mang umaray, sumigaw at lumuha ay hindi niya maaring gawin.

"Good Boy, My son" bigkas ng ama bago niya balutin ng supot ang ulo ng bata.

Nahihirapan nang huminga si Mew, hindi niya alam ang gagawin.

Ito na naman ang pakiramdam na pinakaayaw niya sa lahat.

Kinakapos sa paghinga ang kawawang bata. Naliligo sa pawis at sa ihi.

Mayamaya pa'y naramdaman na niya ang pagbuhat sa kanya nga ama at pagsili nito sa kanya sa saki.

"I love you son, Daddy lovea you so much that's why he's doing this to you"

Nandidilim ang paningin ng bata at sobrang nahihirapan na sa paghinga.

"ALAM MO NAMANG MAHAL KA NG DADDY DIBA"

Yun ang huling narinig niya bago mawalan ng malay.

-----

Dahil sa alaalang nagbalik sa kanyang sistema ay hindi na siya nag atubiling sumakay sa kotse.

Iniwan niya ang baliw na ama. Kinalimutan ang pakay na dapat gagawin at pilit na nilabanan ang takot.

"AHHAHAHAHAHAH still scared huh."

Malakas na sigaw nito sa kanya kaya mas lalo niyang binilisan ang paglalakad patungo sa kanyang sasakyan.

Nag uumpisa na namang mandilim at manlabo ang paligid.

Nakapasok na siya sa kotse nang tuluyang mandilim ang paligid.

Yun ang huling alala niya bago matagpuan ang sariling nakatayo at tulala sa harap ng kanilang kwarto.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now