Chapter 13

323 31 4
                                    

(third person pov)

Nagising si Gulf dahil sa sinag ng araw ma tumatama sa balat niya. Tinignan niya ang katabi at napangiti nang makita na mahimbing na natutulog si Mew.

Dinig ang paghilik at ang lalim ng paghinga, bumangon sa ng marahan para hindi ito magising

Dahan dahan niyang isinara ang kurtina upang hindi pumasok ang araw sa mismong pinaggihigaan nila.

Bumaba siya at dumiretso sa kusina upang makapaghanda ng agahan.

Masaya siyang nagluto at parang walang  nangyari kagabi.

Gusto niya mang alamin kung ano bang tunay na nangyayari kay Mew at kung bakit ito nagkakaginito ay wala rin naman siyang magawa dahil hindi naman siya ganun katalino para maintindihan ang mga bagay bagay. Pero hindi ibigsabihin na ioagsasawalang bahala niya ngayon, ang ibig sabihin na ay kakalimutan niya na ito.

Ang mga tanong na nasa isip niya simula nung makita niya ang duguang damit ni Mew, ang pagbabago nito ng emosyon at ang pagiging balisa nito ay sadyang nakatatak na sa isipan niya.

Nagring ang cellphone niya, dinukot niya iti at nakitang tumatawag si Mild.

Gulf: Hello, Mild napatawag ka?

Mild: aba'y baklang ulikba, talaga bang wala kang balak na tawagan ako? Baka gusto mong puntahan kita dyan at iuwi na kita dito. Pss nagkaroon lang ng Among ubot ng gwapo hindi na ako naalala

Gulf: Mild bunganga mo.

Mild: Lmao amp, kunyare pang mahinhin agad namang tuwad kapag nakita ang gwapong Amo. Huwag ako Kanawut Malanding Burikat. Sapakin kita dyan eh.

Gulf: Mild-dd  ano bang sinasabi mo, gutom ka ba? Para kang timang.

Mild: pangit mo ka-bonding Kanawut Haliparot. Huwag kang maging ignorante sa reyalidad. Oo, nasanay ka na hindi bulgar at walang masyadong nalalaman sa labas ng probinsyang pinanggalingan mo. Pero sana ngayon na nandyan ka na, at malayo ka sakin. Sana huwag mong hayaan at pabayaan ang sarili mo. Huwag kang papalinlang at lalong huwag kang papa-api.

Mahabang sabi ni Mild sa kabilang linya...ilang minuto natahimik si Gulf. Parang nanuuot sa kanya ang mga sinasabi ni Mild.

Wala talagang magagawang maganda ang pagiging ignorante niya, wala talagang magandang dulot kung mananatili na lang siya sa kung anong kinasanayan niya.

He needs to improve himself.

Walang patutunguan ang buhay niya kung mananatili siyang bulag sa katotohanan.

Gulf: Yes Mild, alam ko naman. I'm still trying to improve myself. Medyo mahirap mag-adjust... lalo na at hindi naman ganito ang kinasanayan ko.

Mild: Mahirap, pero masasanay ka din. Basta kapag may problema ka, tunawag ka lang sakin. Kung gusto mo pupunta ako dyan ora-mismo.

Gulf: HAHAHAHHAAH ang dramatic mi ngayon.

Mild: tsse, pakyu ka...Kung kailan malapit na ako sa mabibigat na line ko, saka ka naman eepal. Kainis ang angas pa naman ng naisip ko.

Gulf: PURO KA TALAGA KALOKOHAN.

Mild: HAHAHAHAHA tite

Gulf: MilDDDDDD

Nanlalaki ang matang napaawang ang bibig ni Gulf sa kabulgaran ng kaibigan.

Bakit hindi pa nga ba siya nasasanay.

Minsan kapag magkasama sila, halos ayaw niya tumingin sa paligid dahil pinagtitinginan sila sa ingay ni Mild.

Napabalikwas siya nang may brasong pumalupot sa bewang niya.

Mr.PsychopathWhere stories live. Discover now