Samantha pov
Sino ang magaakala na ang valedictorian nung highschool ay ito ang binagsakan. Hindi siya nakapagtapos nang college dahil namatay ang tatay niya. Iniwan din siya ng kinilala niyang nanay. Anak siya sa iba ng tatay niya. Iniwan din sa kanya ang bunsong kapatid niya. May sakit ito sa puso. Maintainance lang ng gamot hirap na siya.
Buti na lang mabait ang bestfriend niyang si Anne. Pareho na kasi silang ulila. Maliit na tindahan ang pinagkukunan nito ng panggastos habang siya ay kahera sa restaurant/ bar. Restaurant ito sa umaga at bar naman sa gabi. Sa restaurant siya naka toka. From 8 to 8 ang duty niya pero kung walang karelyebo eh diretso siya hanggang sa susunod na araw tulad ngayon. May tulugan naman sila doon. Iniisip niya lang na extra income din yun.
"Magpalit ka na nang damit Sam" utos sa kanya ng manager
"Ay sige po " sagot niya sabay tayo. May dress code kasi dito. First class bar kasi ito. Kung sa umaga ay formal ang damit nila, sa gabi pang party.
Sinuot niya ang kaisasang party outfit niya. Kulay pula ito. Hanggang leeg ang kwelyo. Close neck ika nga. Sleeveless at may hati sa gitna ang likuran nito. Tinernohan niya ito ng skinny jeans. Tapos sandals na may 3 inches heels. Humarap siya sa salamin. Pwede na ito. Nakahapit sa katawan niya pero hindi naman bastusin. Nag umpisa na siya mag ayos ng mukha. Foundation muna tapos inayos niya lang ang kilay niya. Eyeliner at red lipstick. Binatak niya lang ang mahaba niyang buhok at nag high pony tail. Nag suot lang siya nang perlas na hikaw. Nang humarap siya sa salamin ay nagandahan siya sa sarili niya. Feeling nga niya mas maganda pa siya kay Georgina Wilson. Sino mag aakala na isang kahid isang tuka siya. Natawa na lang siya sa naisip niya.
Nang lumabas siya ay nakarinig na naman siya ng mga sipol mula sa katrabaho niya. Sanay na siya dito. Madalas magpalipad hangin ang mga ito sa kanya. Di na lang niya pinapansin dahil wala siyang panahon dito.
"Naku, kung ako ang may ari nitong bar na ito hindi kita ilalagay sa umagang shift. Mas kikita ako kung ikaw ang kahera ko sa gabi. Sinasayang mo yang ganda mo" sabi ni Max. Ang kaibigan niyang bartender dito. Madalas ay mapagkamalan na nobyo niya ito dahil sa closeness nila. Hindi lang alam ng lahat na Maxie ang tawag niya dito dahil sa pusong babae ito.
"Ikaw naman. Alam mo naman di ko kaya yung sinasabi mong trabaho. Magastos. Manamit ka lang malaki na ang gastos mo. Tsaka wala akong social skills." sagot naman niya.
"Ewan ko sa iyo. Anti social mo naman kasi."
Nagtrabaho na sila. Lumalalim na ang gabi nang mapansin niyang may nakatitig sa kanya. Hindi niya maaninag dahil madilim ang pwesto nun. Nasa VIP area ang lalaki.
Lingid sa kanya, ay kanina pa nakangisi ang lalaking nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
billionaire's quest
Randoma quest for the perfect mate parental guidance for the vulgar words