9

24.7K 378 2
                                    

Ano ba itong nararamdaman niya. Hindi tuloy siya makapagconcentrate. Bakit kasi kailangan siyang halikan ng lalaking yun. Ilang araw na rin ang nagdaan, pero parang ang feeling niya eh kanina lang yun. Paano siya makakatupad sa kasunduan nila ni lolo kung wala pa man eh apektado na siya. Is it because it was her first? At sa hindi pa niya boyfriend. This is not just about her. It's about her sister's needs. Ang lahat ay para kay Ericka. Sa bagong simula nila. Kung sa kaunting sakripisyo niya eh ang kapalit ng magandang bukas para kay Ericka, handa niyang pigilan ang sariling magkagusto kay Daniel. Hindi naman siya mahihirapan kay Daniel dahil ayaw man niyang aminin. Mabait na tao ito. Kahit sa mga kwento ng mga kasama nila sa bahay ay mabait ito. Playboy nga lang. Happy go lucky. Napukaw ang paglalayag ng isip niya ng kausapin siya ni Adrian. Ang partner niya dito sa culinary school.

"Hey, nagdaydream ka na naman" sabi nito sa kanya.
"Hindi. Iniisip ko lang yung pinapagawa ni chef" pagdadahilan niya.
"Madali lang yun. Yung favorite dish lang naman ng special someone mo ang iluluto mo eh"
"Yun na nga ang mahirap, kasi wala naman akong special someone"
"Sinigang ang favorite ko." Sabay ngiting sabi nito.
"Kahit kelan talaga lagi mo akong binibiro" sagot niya
"Hindi naman kita binibiro na sinigang ang favorite ko eh. Bakit ano ba akala mo?"
"Wala" tila napahiya niyang sagot.
"Eh bat parang nahihiya ka?"
"Hindi ah"
"Ang gusto ko lang naman sabihin, habang wala ka pang special someone, ako muna, pwedeng pwede ako"
" hay naku puro biro ka talaga. Mauna na ako ayan na ang sundo ko."

Ngumiti si Adrian habang kumakaway kay Sam. Pag alis nito ay kumuyom ang mga kamay niya at napatiimbagang tumalikod.
Sam is his. Hindi pwedeng mapunta ito kay Daniel. Not again. Hindi na siya patatalo dito.

Hindi mawala sa isip ni Daniel ang lalaking nakita niya. He looks like his cousin. Pero ang alam niya ay wala sa Pilipinas ang pinsan niya. But he cant shake the feeling of uneasiness.
They used to be close pero dahil sa isang pangyayari, their relationship became cold. The last thing his cousin told him is, he will have his hell. Kung ano man ang ibig sabihin nun ay hindi niya alam but he remember how cold the stare his cousin gave him. It seems that his cousin has no soul.

billionaire's questTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon