4

29.1K 461 5
                                    

Ngayon na alam niya na ang buong storya ni Samantha, sisimulan niya na pustahan nila ni Calvin. He will make Samantha fall for him. 5 million ang pustahan nila. Barya lang para sa kanila ni Calvin. They are both billionaires modesty aside.

Andito siya ngayon sa bar at pinagmamasdan si Samantha. May problema ata dahil ang lalim ng mga buntong hiningang pinakakawalan nito. Madalas din na nasa malayo ang tingin nito.

Napansin niyang lumapit dito si Max na bading pala. Ngumiti ito kay Samantha na tila sinasabing okay lang ang lahat at naiinis siya dito.

Nasa ospital si Erika ang kapatid niya.

Kasama ang bestfriend niya si Anne. Hindi na naman ito makahinga. May sakit sa puso ang kapatid niya. Madalas na hindi ito makahinga. Kumplikasyon ng sakit nito. Pinoproblema niya ang pambayad ng ospital. Kinse mil. Limang libo pa lang ang pera niya. Hay, malalim niyang buntonghininga.

Nagpaalam siya na mag brebreak lang. Gusto niyang tawagan si Anne para makamusta ang kapatid niya.

Hindi niya napansin na may sumunod sa kanya.

"Hello, Anne? Kamusta na si Ericka? Mabuti naman kung ganun. Kumain ka na ba? Wag ka magpagutom ha. Salamat sa pagbabantay sa kapatid ko. Hindi pa nga eh. Limang libo pa lang ang nahiram ko kay Max. Lalapit pa lang ako kay manager mamaya. Kinse mil yung bill di ba? Sige na. Tapos na yung break ko"

Bumalik siya sa loob na hindi pa rin napapansin ang lalaking sumusunod sa kanya.

"Hello, Calvin? Alam ba ng tao mo kung saang ospital nakaconfine ang kapatid ni Samantha? Good. Text me the details" sumakay na ng kotse si Daniel.

Sa may ospital. Isang matandang lalaki ang kausap ni Ericka.

"Ganun kabait ang ate mo?" tanong ni lolo.

"Opo. Akala niya hindi ko alam na hindi kami magkapatid sa ina. Iniwan kasi ako sa kanya ng totoo kong nanay. At ngayon hirap na hirap na siya dahil sa akin" kwento naman ni Ericka

"Mahal na mahal mo siguro si ate mo"

"Opo naman. Matalino yun. Valedictorian nung highschool. Hindi nga lang ho nakapag college kasi wala kami pera."

"Paano na yung bill niyo dito sa ospital?"

"Siguro uutang na naman si ate. Pero dala ko naman yung alkansya ko."

"Nagaaral ka ba?"

"Opo. Sa public school. Sabi ni ate pag magaling na magaling na ako ililipat niya na ako sa private. Sayang daw kasi yung talino ko."

"Ang daldal mo pala"

Pumasok naman si Anne at naabutan na nagtatawan yung matanda at si Ericka.

"Ericka, baka naman kung ano ano ang kinekwento mo dyan kay Lolo" saway niya kay Ericka

"Lolo siya yung bestfriend ni ate. Si ate Anne."

"Goodevening po, pasensya na kayo dito madaldal talaga ito."

"Naku natutuwa nga ako kasi wala na akong apong bata. Puro binata na."

"Wala pa pong nag aasawa?"

"Wala pa. Mga babaero kasi"

"Baka nagmana sa inyo lolo" sabi ni Ericka.

"Shh" saway ni Anne

Ngumiti lang ang matanda at sabay paalam dahil may aayusin pa siya.

Nang dumating si Daniel sa ospital ay nagulat pa ito at bayad na ang bill ng kapatid ni Samantha. Nakahiram na siguro. Sayang ang plano niya na maging Knight in shining armour nito.

Tutal nandito naman na siya eh sisilipin niya na ang kapatid ni Samantha.

Takbo lakad ang ginawa ni Samantha para makarating sa ospital. Kailangan niya na mabayaran yun baka madagdagan pa eh wala na siyang maidadagdag. Mabuti na lang may nagtip sa kanya ng malaki. Hinanap niya ito pero nakaalis na daw sabi ni Max. Ang alam lang ni Max eh gwapo yung nagtip.

Laking gulat niya ng malaman na bayad na ang bill nila hanggang bukas. Isang pilantropo ang sumagot nito. Nagiwan naman ito ng card at napagpasiyahan niya na dalawin ito sa day off niya.

Pagdating niya sa charity ward, natutulog ang kapatid niya habang kumakain si Anne.

"Oy, andyan ka na pala. Kain na" alok nito sa kanya.

"Saan mo binili yan?" tanong niya.

"May nagabigay. Gwapo. Wala na daw yung dadalawin niya kaya binigay sa akin"

"Hindi mo man lang naisip na may lason yan"

"Ospital ito. Kung may lason magagamot ako. Wag na nga maarte alam ko naman gutom ka. Kamusta na nga pala ang bill?"

"Bayad na. May pilantropong nagmagandang loob. Iniwan nga ang card. Sa sabado, puntahan natin."

One of these days, nararamdaman niya may bibisita sa kanya. And that will change the life of his grandson

billionaire's questTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon