Nagpunta si Samantha sa bahay nunh pilantropo. Nagluto pa siya ng famous adobo niya. Nagbihis pa siya ng maayos pero ngayon na makita niya ang bahay, feeling niya dapat nag gown siya. Parang palasyo ang bahay nito.
"Mr. Arturo Sarmiento please" sabi niya sa guard.
"Ay kayo po ba si Ms. Samantha Sarmiento?" tanong nito
"Opo. " sagot niya
"Pumasok na po kayo. Hinihintay niya kayo sa may pintuan"
Lumakad siya papunta sa malaking bahay. Manghang mangha siya sa laki nito. Nahiya tuloy siya sa ayos niya at sa dala niyang adobo. Hindi siguro kumakain ng simpleng pagkain. Nang dumating siya sa malaking bahay ay hingal na hingal siya. Ang haba naman kasi nang nilakad niya.
"Goodmorning po sir Sarmiento" bati niya sa matandang sumalubong sa kanya.
"Goodmorning iha. Ikaw ang kapatid ni Ericka?" tanong nito sa kanya.
"Opo. Magpapasalamat lang ho ako. May dala nga po pala akong adobo. "
"Paborito yan ng apo ko. Pasok tayo sa loob. Doon tayo magkwentuhan."
Mas lalo siyang namangha sa loob ng bahay. Lalo siyang nahiya.
"Dito tayo sa may veranda" aya sa kanya.
Agad naman siyang sumunod.
"Sir, maraming salamat ho talaga sa inyo" sabi niya.
"Walang anuman." tugon nito.
"Naku, sana ho dumami pa ang mga katulad ninyo"
"Iha, wag kang magagalit sa itatanong ko, may nobyo ka ba?"
"Wala po. Kay Ericka pa lang ho at sa trabaho kulang na ang oras ko"
"Kung may hihingin ba akong pabor eh hindi mo ako tatanggihan?"
"Depende ho sa pabor. Kung hindi ko ikakasama at ng kapatid ko bakit hindi. Pero kung ikapapahamak namin, babayaran ko na lang ang nagastos ninyo"
"Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkamali ng pagkakilala sa iyo. Hindi ninyo ikapapahamak. Pag pinagbigyan mo ako eh, titira kayo sa isa sa mga bahay dito sa mansion. Ipapagamot at pag aaralin ang kapatid mo. Maaari din kitang bigyan nang business"
" ano naman ho ang kapalit? Puri ko? Pakakasalan ko kayo? Hindi ho ako nagbebenta ng laman. Binabawi ko na ang sinabi kong sana dumami pa ang tulad ninyo"
"Wag kang magalit. Hindi yun ang kapalit. Ang gusto ko lamang ay baguhin mo ang pananaw ng apo ko sa babae"
"Bakit po?"
"Mula nang mawala ang ina niya ay laruan ang tingin niya sa mga babae. Natatakot ako para sa kanya."
"Hindi ko ata kakayanin ang gusto niyong pabor. Mahirap baguhin ang pananaw ng tao"
" hindi kung matututuhan niyan magmahal"
"Ang gusto niyo ba ay paibigin ko siya"
"Ang gusto ko ay kaibiganin mo siya. Kung ma iinlove kayo ay wala akong tutol"
"Kung hindi ko ho magawang baguhin siya?"
"Tuloy pa rin ang kasunduan natin. Pag aaralin ko si Ericka at bibigyan kita ng business."
"Pwede ko bang pag isipan yan?"
"Sana sa makalawa ay matanggap ko na ang sagot mo"
Tumango lang siya. Nagkwentuhan pa sila ni Lolo Arturo. Pinahatid siya nito hanggang bahay nila at buong magdamag siyang nag isip.
Samantala sa may mansion ng mga Sarmiento ay kumakain ng hapunan ang maglolo.
"Lo, nagbago ba kayo ng cook?"
"Hindi. Bakit?"
"Masarap na kasi ang adobo ni Manang Lumeng pag ganito ng ganito aayain ko nang magpakasal si Manang."
Lihim naman napangiti si Lolo Arturo.
BINABASA MO ANG
billionaire's quest
Randoma quest for the perfect mate parental guidance for the vulgar words