Prologue

2.9K 41 1
                                    

Nagmamadali akong naglagay ng make-up sa mukha bago kinuha ang isang napakalaking box na may lamang wedding dress, ano ba naman 'yan oh! Nakakabadtrip naman ang theme ngayon, tsk!

Wedding pa talaga? Amp.

"Hoy, nasaan ka na ma dearlet beyutipul alaga me?" sigaw ng manager ko ng nag-voice message siya sa akin sa messenger.

Isa pa 'tong si Mommy Aura e. Ang hindut kong manager in modeling.

Umirap na lang ako habang sinusuot ang offshoulder na wedding gown na maraming nagkikinangang diyamante, may mga jewelries din galing sa mga instagram fans ko at biniling isusuot ko daw!

Goodness!

Pinili ko ang isang briolette diamond necklace at agad inayos ito sa akin. Nagmamadali akong bumaba at doon naabutan ko si Ate Chanel na kinakarga si Zaylee, ang anak nila ni Kuya Rafael.

"Ate? Nasaan si Kuya? Bakit ka niya hinayaang kargahin si Zay? Eh, malaki na 'yang tiyan mo eh." nilapitan ko si Ate Chan na nakangiti naman ngayon.

"Okay lang naman, Tin. Ikaw? Saan ang lakad mo? Kasal mo na ba?" ngumisi siya habang nilalapag si Zay sa sofa.

"No!" I shook my head in disbelieve. "Gosh, Ate! I haven't have prospect yet, sino ba ang papakasalan ko?"

"Uh, your ex?" alanganin siyang ngumiti.

"Hay naku, Ate. Wala akong ex 'no!" tanggi ko pa.

"Ha? Sino 'yong--"

Nabitin ang sasabihin ni Ate Chan ng makita si Kuya Rafa na naglalakad papunta sa kanya, may attachè case na hawak si Kuya at halatang galing pa sa opisina.

"Sinong pinag-uusapan niyo, baby?" singit ni Kuya Rafa.

"Ha?" si Ate Chanel.

"Hi, Kuya!" bati ko at lumapit sa kanya para mayakap siya. "Alis na 'ko, Kuys!"

"Where the hell are you going witch? And why are you fucking wearing a wedding dress for fuck sake?" he raised his brows at me.

"Kuya! Chill! I have a photoshoot now! Ciao!" nagmamadali akong umalis pero natigilan ako ng magsalita si Kuya.

"Don't tell me you'll making some fuss and trouble again, kid? I am tired of fixing your mess!" himutok ni Kuya kaya ngumisi ako.

"Sorry, bro! Bye!" kumaway na ako bago sumakay sa kotse at nagdrive na palayo.

Malapit na ako sa Manila Cathedral Intramuros kung saan kami magkikita ni Mommy Aura. Napahinto ako ng may nagkarambolang kotse dahilan para magkatraffic. Hinampas ko ang manibela sa sobrang inis. Bakit ngayon pa? Walanghiya!

I need to go there immediately!

Bumaba ako sa kotse para makita ko kung pwede ba akong makadaan pero ng makitang masyadong dikitan nga ay wala na akong magawa kundi ang tuluyang kunin ang sling bag ko at binagtas ang daanan papunta sa Intramuros.

I have no choice! Tatakbo na lang siguro ako o maglalakad?

But I'm wearing heels! Baka mapilayan na ako bago pa ako makarating sa shoot. Oh diba? May mindset ako kahit konti? Yieeeee, chour namen.

Hapong-hapo ako habang naglalakad ng makarating na sa Intramuros. Nasaan ba sila Mommy Aura? Mukhang wala sila dito ah? Impossible naman kung nasa La Castellana sila kasi sabi nila sa Cathedral Intramuros 'yong set ng shoot.

Gosh! I'm stress!

Nasaan na kaya sila?

Hmm...

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng mapansin ko na bukas pala ang pintuan ng simbahan. Omgee! Late na nga ako at baka hindi na ako nahintay ni Mommy Aura, malamang pagagalitan ako nito!

"E-Excuse me, Kuya? Nagsimula na po ba?" tanong ko sa mga lalaking nakatayo at nakabantay sa pintuan.

Nagkatinginan sila sabay iling.

Okay. Weirdo.

"Pwede pumasok?" ngiti ko.

Nagkatinginan ulit sila bago nilakihan ang pagbukas ng pintuan. Ngumiti ako ng makapasok na. Agad-agad naman nila itong sinara. Anong trip ng management na 'to?

Nagulat ako ng pumalinlang ang wedding march song. Wow ha! Parang nasa totoo talagang kasal ako ah? Parang kinakasal talaga ako? Ganito pala ang photoshoot nila Mommy Aura?

'Heartbeats past, colors and promises. How to be brave, how can I love when I'm afraid to fall watching you stand alone all of my doubts suddenly goes away somehow... One step closer...'

T-Teka, p-parang may mali ah?

Bakit ang daming tao?

H-Hindi k-kaya...

Shit!

Shit! Maling simbahan ata ang napuntahan ko tangina!

Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko ng makilala ang groom. Oh shit what a freaking freak!? B-Bakit siya nandito---What the hell! Nakakahiya! I need to get my ass off here!

"Christina?" nagulat din siyang nakatingin sa akin.

"Ahm-haha! So-Sorry! H-Hindi ata 'to photoshoot--"

"What the fuck are you doing here?" he asked in a low baritone voice.

"Fuck you too! Sabi ko nga aalis na ako!" gigil na sabi ko at tumalikod na sa kanya.

"What happened anak? Nagmumurahan ba kayo ng groom mo?" tanong ng isang magandang ginang sa akin ng tumalikod ako.

Natigilan ako.

Groom?

The freak?

Namamadali akong tumakbo palabas ng simbahan ng hinarangan ako ng mga lalaking nagbabantay doon. What the freaking hell! What the freak is the meaning of this?!

"M-Ma'am, bumalik po kayo sa groom niyo po." mahinahong pakiusap ng guard.

What the hell?

"He is not my groom for the fudge sake!" gulantang kong sabi.

Napatingin na ako sa mga taong nagkakagulo na at nagbubulungan, halatang napahiya ang groom at ang pamilya niya. Tama lang 'yan sa kanya kung tutuusin, kulang pa nga e!

Bakit ako galit? Back in the past ba tayo self?

"Pagpasensyahan na po ninyo ang pageeskandalo ng mapapangasawa ko, galit po kasi siya sa akin at nagtatampo pa. We're fixing everything. I'm sorry for the trouble." hinila niya ako papunta sa harap ng simbahan.

Nakalapit na pala siya sa akin? Bakit hindi ko 'yon napansin? What the!?

"We will fix everything after this wedding. Wag mo akong ipahiya dito." humigpit ang hawak niya sa pulso ko.

"What the fuck are you thinking? Nasaan ba ang bride mo at bakit ako ha?" matalim ko siyang tiningnan.

"I won't repeat my word, Miss Rama." he rolled his eyes.

Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Sa lahat ng lalaki, bakit siya pa? Pwede namang iba ah? At tsaka I love my freedom! Oh shit!

"And now I pronounced you as man and wife."

Wala ako sa sariling napatingin sa kanya ng siilin niya ako ng halik sa mga labi.

"Maria Christina," marahan niyang tawag sa pangalan ko.

"Kylle Lienzo." mapait na ani ko.

Gusto kong paulit-ulit na itanong sa sarili ko kung bakit nandito siya.

Bakit nangyayari 'to?

Bakit kailangan 'pang bumalik ng lalaking bumasag sa akin ng paulit-ulit at sinaktan ako? Sumuko na ako eh. Matagal na.

Matagal ko ng binaon sa limot ang lahat ng sakit na binigay niya pati ang nararamdaman ko sa kanya.

He's nowehere to be found in my system. Not and never again.

The Rain In Intramuros (Manila Avenue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon