38I woke up in the right side of the bed and not feeling good, I run towards to the bathroom and vomit. Pakiramdam ko ay masusuka ko na talaga ang lahat ng kinain ko kagabi pati ang mga intestines ko.
Nagsusuka pa rin ako kaya sa sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil sa pagsusuka ay nanghina ako. Nahihilo ako na tila parang anytime ay mawawalan talaga ako ng malay ng biglang may humawak sa likod ko.
"Are you okay?" masuyo niyang tanong at pinunasan ng wet wipes ang pisngi ko na napuno ng pawis.
"Hindi maganda 'yong pakiramdam ko pero ayos lang ako." mahinang tugon ko. "Ganito lang talaga 'to tuwing umaga."
"Let's go to the hospital now." masuyo niyang pakiusap sa akin habang inalalayan akong makatayo.
"Hindi." umiling ako. "Magtratrabaho ako ngayon, siguro bukas na lang ako magpapa-check up."
Napabuntong-hininga siya at sumuko na sa panguguilt sa akin, tinignan ko ang gwapo niyang mukha. Goodness, Kylle! Bakit ba kahit anong galit ko sa'yo eh ang gwapo mo pa rin sa paningin ko? Bakit ganoon? Sobrang unfair ah!
"Susunduin kita mamaya sa opisina para sabay na tayong pumunta kina Avi." hinalikan niya ang pisngi ko. "Please extra careful, wag na wag kang tumakbo at baka kung ano pa ang mangyari sa'yo."
Inirapan ko siya bago ako umalis doon, minsan talaga ang weird ng lalaking 'yon. What's his point ba? Bakit palagi siyang nagpapaalala sa akin sa mga anong dapat kung gawin? Hindi na naman ako bata e, no need for his concerns!
Nagbihis na ako at nag-ayos ng sarili bago dumiretso sa hospital. Mamaya pa talaga ako papasok dahil magpapacheck-up muna ako, I just want to confirm something if am I okay?
"Gamitin mo muna 'to, Miss Rama." inabot ng nurse sa akin ang pregnancy test.
Kumunot ang noo ko bago kinuha 'yon at pumasok sa restroom, pinatakan ko ito ng konting ihi at hinintay ang resulta. Napapikit ako sa sobrang kaba, shit naman! Sobrang kaba ko!
Lumipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan ko ng tingnan ito, halos manginig ako ng makita ang resulta. Shit! OMG!
"Positive." wala sa sariling nasabi ko habang nakatingin sa dalawang guhit ng pregnancy test.
Agad akong lumabas sa restroom at pinakita 'yon sa nurse, I can't believe this! I'm pregnant with a child! There's a baby in my womb!
"Hi! I'm Doctora Ariesa Lim, I'm an obgyne. Check muna kita at si baby ah? Sige, higa ka muna dito." utos sa akin ni Doc. Ariesa at pinahiga ako sa bed.
May nakalagay na gel at inikot-ikot ni Doctora ang transducer sa may tiyan ko, ngumiti siya sa akin at tinuro ang monitor at doon nga ay nakita ko ang parang may maliit na bean sa monitor.
"Nakikita mo 'yan? That's the baby." marahan na paliwanag ni Doctora Ariesa. "Ang healthy ni baby at halata nga na hindi mo siya pinapabayaan, iyon nga lang ay madalas ka 'bang mag-spotting?"
Napatikhim ako sa tanong ni Doctora bago sumagot. "Akala ko po ay may dugo ako last week kaya po pinabayaan ko lang, konti lang naman po siya."
"That's not the menstruation blood, Miss Rama." umiling si Doctora. "It was the sign of miscarraige."
Kinakabahan akong napahawak sa tiyan ko, so if nagpatuloy ba ang spotting ay posible na mawala ang batang dinadala ko? What if shit!
"Avoid stress and please avoid work first, Miss Rama. Hindi kasi nakakabuti sa bata na nasa sinapupunan mo ang pagdalas ng stress mo sa trabaho at sa kung ano pa ang mga emotional na nararamdaman mo, nakakasama 'yon. I'm telling you this now that even if the baby is healthy, I can say that you are sensitive. Maselan ang pagbubuntis mo lalo na't muntikan ka na pa lang makunan noong nag-spotting ka." advice naman sa akin ni Doctora. "This is your first trimester right? Maselan nga, I suggest that you'll do the bed rest."
BINABASA MO ANG
The Rain In Intramuros (Manila Avenue Series #4)
RomanceManila Avenue Series #4 Christina, the student who's very persistent and very adorable partygirl from Ateneo Engineering who haven't have dreams. She just wanted to party and go wild until her party life changes in just a snapped. In the other hand...