30

764 15 1
                                    


30

When the star falls from the night sky, you'll see it. It was beautiful, charismatic and wonderful.

Sana ganoon na lang kadali ang pakawalan ang mga bagay na mahalaga at minahal mo, sana ganoon na lang kadaling bitawan lahat ng pinangarap mo noong una pa lang.

Kapag nahulog ang kumikislap na bituin sa kalangitan ay magandang tanawin ito pero sa likod ng pagkahulog niya ay ang paunti-unti niyang pagkawala ng kanyang tinataglay na liwanag. Ang kanyang kagandahan ay naglaho na habang nahuhulog siya. And just like me, I am the stars shinning above next to the moon. I was one of the stars before but now, I am a lifeless and hopeless star.

I think I won't shine anymore.

"Iniwan mo na siya? Natauhan ka na?" naupo sa tabi ko si Tiara. "Ano? Do you have any plans to fight for your love for him?"

"I don't know." mahinang sabi ko. "Napapagod na ako pero nandito pa rin ako, Tiara. Nandito pa rin ako para sa kanya, nandito pa rin ako para patawarin siya ng paulit-ulit."

"Siguro tama na, Tin." pigil sa akin ni Tiara. "Tama na, pahalagahan mo naman ang sarili mo. Sobrang tanga mo na, tigilan mo na 'to. Nakikita kong nauubos ka na, mahalin mo muna ang sarili mo. Pakawalan mo na lang siya."

Tahimik akong umiiyak habang tinatanaw ang paligid, sa hindi kalayuan ay pinagmamasdan ko sila. They are here pala, kasama niya ang babaeng mahal niya. Nandito rin ako, sinundan ko sila sa restaurant na 'to. As much as I want to let go of him, I was trap at him. But I know I can do it, I just need time.

"Pinakawalan ko na siya, Tiara." suminghot ako. "K-Kahapon ko tinapos ang lahat sa amin, pagod na pagod na kasi akong mahalin at intindihin siya eh. Gusto ko pa sanang sumubok ulit pero alam ko naman sa sarili kong mali na 'to, hindi na 'to tama at alam ko sa sarili ko na kailanman ay hinding-hindi na 'to magiging tama."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Ayos lang 'yan, makakamove-on ka rin sa kanya, I know you can do it. Kakayanin mo 'to lahat, nakaya mo na siyang tiisin diba? Alam kong magagawa mo 'to this time."

"Tia, sandali." nagpunas ako ng luha at tumayo na, nakita ko kasi sila sa hindi kalayuan na lumabas na ng restaurant kaya sinundan ko agad sila.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat ay ang tanga ko pa rin, kahit iniwan at pinalaya ko na siya ay nandito pa rin ako. No! I'm only here because I want to see him happy, iyon na lang 'yon. Hanggang doon na lang ako.

Nakasunod si Tiara sa akin papunta sa parking lot, inunahan na niya akong pumunta sa frontseat at siya na ang nagmaneho kung saan sila Kylle. Sinusundan namin sila.

Mabilis magmaneho si Tiara kaya halos magkasunod lang ang sasakyan namin, medyo traffic din kaya hindi kami nahalata nila. I know that Tiara wants to stop me but she didn't, hinayaan niya lang ako.

Nahinto sila sa UST Hospital kaya huminto rin si Tiara, binuksan ko ang frontseat ng kotse ko para sana puntahan sila pero bago pa ako makaalis ay may humawak ng mahigpit sa balikat ko. Napayuko na lamang ako ng bumuntong-hininga siya. I know how much she wants to stop me but she's afraid that I'll be mad at her.

"Let's go home na lang, Tintin." naiiyak na siya. "Wag mo na kasi siyang habulin!"

"Hindi ko siya hinahabol, Tiara." mapait na tugon ko. "Sinabi niya sa akin kung gaano niya kamahal ang bata, kung paano niya ipinangako sa sarili niya sa mismong harap ko na aalagaan niya ang pamilya niya lalo na ang anak niya. G-Gusto ko lang makita na masaya siya, kahit kailanman ay hindi ako ang magiging dahilan no'n. Gusto ko lang talagang pagmasdan siya kung paano niya pagmamasdan ang anak niya na nasa sinapupunan ng babaeng mahal niya. Alam kong tanga ako, gusto ko lang talaga makita... H-Hindi ako mangugulo."

The Rain In Intramuros (Manila Avenue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon