25

660 13 0
                                    

25

The moon and the stars shines brightly like there is no end.

I hope I am the stars that always shines and never get tired, I am afraid that one day I am not one of those. I'm afraid that one day, I'll give up if I have no light to shine anymore.

"Are you okay?" may nagsalita sa likod ko.

Ngumiti ako ng makita si Mishy na tumabi na ngayon sa akin, naka-indian seat ako kaya ginaya niya din ako. Napatinghala lang ako sa kagandahan ng langit, ang liwanag ng buwan na tumatama sa dagat ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. It was comforting tho.

"You love Kio that much right?" panimula niya kaya nilingon ko siya.

"I love him." pagod kong sabi. "Matagal na, Mish. At nararamdaman ko ang paunti-unti kong pagsuko sa kanya."

"Diba mahal mo? Bakit hindi mo subukan na ipaglaban?" marahan niyang tanong. "Kung mahal mo, gagawin mo ang lahat ng kaya mo para manatili siya."

Gusto ko sanang magbiro sa kanya kung bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin, noong una ay ayaw niya naman na napapalapit ako kay Kylle o hindi kaya ay mahalin ko siya pero ngayon bakit? Gusto ba niya na ipaglaban ko ang nararamdaman ko para sa bestfriend niya?

"Paano ko siya ipaglalaban kung may ipaglalaban naman siyang iba?" paos na sabi ko. "Dapat na ba akong sumuko?"

"Minsan talaga ay napapagod na tayong patunayan ang sarili natin sa mga taong mahal natin, love is sacrifices. Bago ka sumaya, kailangan mo munang masaktan, bago mo marating ang inaasam-asam 'mong happy ending ay dapat ka munang magsakripisyo." tumingin siya sa kawalan. "Nagmahal din ako, Tintin. Mas malala pa sa'yo, alam mo kung ano ang natutunan ko? Kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat kahit madurog ka pa. Kung magiging masaya man siya sa iba at hindi sa'yo, dapat ibigay mo siya sa taong magpapasaya at kokompleto sa kanya. Ang pagmamahal, hindi 'yan selfish. Ang pagmamahal ay nagbibigay, nagpapatawad at nagpapaubaya."

"Ipapaubaya ko na ba talaga siya, Mish?" napayuko ako.

"There are two sides of it before you let go of him, kung nakikita mo na hindi na talaga tama na maging kayo at nagkakasakitan lang kayo ay mas mabuti pa na pakawalan niyo na lang ang isa't isa. Bakit ka pa mananatili kung alam mo naman na sa sarili mo na masasaktan lang kayo? Hindi naman porket nagpalaya ka ay hindi mo na mahal, minsan nagpapalaya tayo hindi dahil hindi na natin sila mahal kundi iyon na lang ang paraan para grow kayo individually." natawa siya pero nakita kong naiyak siya. "Pangalawa... Kapag nakikita mo na may mahal siyang iba at kapag nakikita mo sa mga mata niya kung gaano siya kasaya sa babaeng mahal niya, subukan mo pa rin ang ipaglaban siya pero kung nakikita mo na hindi na talaga pwede at maling-mali na ay 'yon na ang hudyat mo na tumigil ka na."

"Mahal na mahal ko si Kylle, Mish." umiiyak na sabi ko. "Pero ang sakit-sakit na talaga..."

"Shhh, alam ko." pang-aalo niya.

"He married me because he imagined that I am his Lyana." tears are pooling in my eyes. "Ang saya niya no'n, habang ako nadudurog ng paulit-ulit."

"Tahan na, nandito lang kami para sa'yo." niyakap ako ni Mishy. "Naiintindihan kita, pareho tayo ng pinagdadaanan."

"Ang sakit, Mish. Ako ang nasa tabi niya, ako ang kasama niya pero hindi ako 'yong taong bumubuo sa kanya." humikbi ako. "Mahal na mahal niya si Lyana, nakikita ko 'yon. Wala akong laban doon kasi hindi naman niya ako mahal."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya pero bumitaw ako, kailangan ko munang mag-isa. Iniwan ko si Mishy doon at dumiretso sa restobar, agad akong nag-order ng hard liqour at diretsong ininom 'yon. I'm 18 tomorrow, ang saya! Magagawa ko na ang lahat ng gusto ko!

The Rain In Intramuros (Manila Avenue Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon