03
I wake up in the other side of bed, my head hurts like hell. I closed my eyes and sighed before I massage my head, I didn't remember anything last night.
Suminghap ako at tumayo na para mag-ayos. Anong nangyari? Bakit wala akong naalala kagabi? Sinong naghatid sa akin?
"Christina!" rinig kong tawag ni Kuya sa akin.
Matapos kong magbihis ay kinuha ko na 'yong bag ko at mga libro, may exam pala kami ngayon sa Science at ang mas masaklap pa ay hindi ako nakapagreview dahil ngayon ko lang naalala! Shit!
"Saan ka nangaling kagabi?" tinaasan ako ng kilay ni Kuya. "Are you partying all night, kid!?! You came home late and very drunk!"
Ngumisi ako. "Kuya, chill! Kita mo ako ngayon? I'm still alive!"
"You are still alive kid, I know! I was so worried of you! What if you accidentally drink a liqour with a party drugs on it huh!?" he said furstratedly.
Natawa na ako, hindi ko alam na ganito na pala siya ka-oa ngayon. Paano ba naman kasi, palagi naman siyang wala eh kaya hindi na siya nasasanay sa akin.
"Wala, Kuya." malamya kong sagot. "I'm sorry, dito ako dinala ng kalasingan ko."
Napahilot siya sa kanyang sentido at napabuntong-hininga. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon, gusto kong maiyak pero walang luhang gustong kumawala sa mata ko.
"I know you still hurt because of the tragedy, I understand you. Nasasaktan din ako para sa'yo at sa sarili ko." suminghap si Kuya. "Nag-aalala ako para sa'yo, Tin. Sana naman bunso, magtino ka na ha?"
"Matino naman ako, Kuya." umirap ako bago kumain.
"Alis na ako, ingat ka." tinapos na niya ang pagkain at iniwan na niya ako.
As usual.
Walang nagbago, nag-iisa pa rin ako.
Wala akong ganang pumasok sa school ng makabangga ako ng isang estudyante, natapon lahat ng dala kong libro kaya agad ko itong pinulot. Narinig ko pa na nagalit siya.
"Ano ba!?! Bulag ka ba ha? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo!" bulyaw nito sa akin.
"Sorry naman." walang ganang sagot ko. "Alis na 'ko bye."
"Sandali nga!" hinablot niya ang buhok ko.
Gusto ko siyang sampalin pero hindi ako tumingin sa kanya. Wala kasi ako sa mood na tingnan siya at makipag-away pa. Masakit 'yong ulo ko ngayon.
"What?" I raised my brows. "Stop pulling my hair!"
"Bakit aangal ka?" galit na siya.
"Avi right?" ngumiti ako ng makilala ko siya, nakalimutan ko na hinila niya ang buhok ko.
"Bakit?" maldita niyang tanong at binitawan na niya ang buhok ko. "May kailangan ka?"
Napangisi ako ng may maalala, aha! I'm sure Avi will give me this favor! I really hope so!
"Kailangan ko ang tulong mo, Av. Pwede ba 'yon?" ngumiti ako. "Please?"
"Anong tulong?" ngumiwi siya. "At close ba tayo?"
Suminghap ako, ang hirap naman niyang pakiusapan eh! Kung hindi ko lang talaga siya kailangan para mapalapit kay Kylle baka sapakin ko 'to, ang arte eh! At saka maldita amp!
"Hay naku, Avi. Please tulungan mo ako kay Kylle, crush na crush ko siya!" pakiusap ko pa. "Please, Aviegail?"
"Si Kio? Eh may girlfriend 'yon eh, akala ko ba maghihintay ka kung sakaling malaman 'mong may girlfriend siya? Surprise!?!" sarkastikong sabi niya bago ngumisi.
BINABASA MO ANG
The Rain In Intramuros (Manila Avenue Series #4)
RomanceManila Avenue Series #4 Christina, the student who's very persistent and very adorable partygirl from Ateneo Engineering who haven't have dreams. She just wanted to party and go wild until her party life changes in just a snapped. In the other hand...