Habang kinokopya ni Junior yung mga sagot ko,napansin ko sina Eddie. Aba,ang ganda ng tingin samin. Abot langit ang ngiti.
Binatuhan ko sila ng papel. May nakasulat doon na: "Ano?? Happy kayo??"
At nung binato ko yung papel,sapol sa ulo ni Eddie. Nagalit siya nung nasapol ko siya sa ulo. Hahaha.
Binuksan niya yung naka-crumpled na papel. Binasa nilang apat ito. Biglang pumunit si Rose Ann ng papel at may sinulat din don. Agad rin niya itong binato sa akin nang tapos na niyang isulat ang dapat niyang isulat.
Nainis ako doon sa nakasulat. Paano ba naman , yung nakalagay dun ay: "Pakasal na kayo!! Daliii!! Kami yung ninang ah."
Nung binasa ko yun,medyo nag blush ako. Eh kasi ee, heartthrob din kaya siya dito sa Crosswell High. Pero napalitan din ito agad ng galit kasi bigla kong naalala yung nagyari kani-kanina lang. Pumunit din ako ng papel,may sinulat din ako don. Tinadtad ko ng bad words yung papel at binato ko sakanila yung papel. Tuloy-tuloy kong ginawa yun. Punit ,sulat ng bad word , tapos ibato sa kanila , then repeat!! Halos maubos ko yung papel ko dahil sa kanila. Tawa lang sila ng tawa.
Nang napansin ni Ma'am Daing na tumatawa sila,napagalitan sila. Ang sarap sa pakiramdam. Hahaha. Nakayuko yung ulo nilang apat.
At nung nag-bell na,pinanasa na namin yung Batikan namin at umalis na rin si Ma'am. Nag party-party nanaman yung mga classmates namin. Nagmumukang club na yung classroom. Lumapit ako kina Eljine.
"Hahaha!! Napagalitan ni Ma'am Daing! Ang iingay kasi!!" panlalait ko sa kanila.
"Okay lang! At least hindi pinalabas ng classroom!" sabi ni Eljine.
"Oo nga! At least magiging Ninang na ko!" Sabi naman ni Ronabelle.
"Hahaha. Nakakatawa." sabi ko sa kanila. Tinarayan ko sila.
"Hala nanaray!!! KABOG!!" sabi ni Eddie habang tumatawa silang apat.
"Lumayas nga kayo dito!!" sabi ko sa kanila. "Nakakainis na kayo!!"
"Eh , clasaroom din namin to eh." sabi ni Eljine sakin. Tumawa nanaman siya ng malakas.
"Anong nakakatawa don?" tanong ko.
"Ewan. Masama bang tumawa?" Tanong ni Eljine.
"Oo. Napakasama. Lalo na kung wala namang nakakatawa."
"Yan kasiii. Sabog eh noh?" Sabi ni Ronabelle.
Pagkatapos ng 2 remaining subjects namin ay agad na kaming umuwi. Habang nag lalakad pa-uwi,di ko sila pinansin. Inaalala yung mga nangyari kanina. Ang malas ko naman pag time ni Ma'am Daing. Napansin nanaman nina Rose Ann na ang tahi-tahimik ko.
"Problemmmoooo?" tanong ni Bakla.
"Assignment." sagot ko.
"Diba sabi mo mangongopya ka na lang kay Jasmine?"
"Gagawa na lang ako ng akin."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Kasi,NEVER as in,NEVER pa ko gumawa ng sarili kong assignment.
"Uy guys,may himala!" sabi ni Bakla kina Eljine.
"Himala? Wala kayang himala." sagot ni Eljine habang kumakain ng street food.
"Meron!" sabi ni Bakla.
"Patunayan mo."
"May gagawa na daw ng kanyang sariling assignment." sabi ni Eddie sabay kindat.
"Weh?! Sino?" tanong niya.
"Eto oh!!" sagot ni Eddie sabay turo sakin. Nabulunan si Eljine. Takaw kasi eeyy.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!" tawa ng tawa sina Ronabelle tsaka si Rose ann.
"Paano ba yan Eljine,walang tubig. HAHAHAHA!!!" sabi ni Ronabelle.
"Oh!" Sabi ko sabay abot kay Eljine nung natitirang tubig ko. Biglang sumimangot si Ronabelle.
"Bakit??!!" tanong niya with a sad voice. Awe .. XD.
"Ano?" tanong ko. Ay. Oo nga pala. Ipapahiya sana ni Ronabelle si Eljine,kaso lang. Hay nako. Engot. Okay lang. Halos mamamatay na si Eljine eh. Hahaha.
"Ay. Sorry beh." sabi ko. Binigyan ko siya ng peace sign. With a smile na rin,siyempre *wink* haha.
"Uy! Ngumiti na siya!" sabi ni Bakla na tuwang-tuwa.
At nang naka uwi na kami. Dumiretso ako sa kwarto ko. Humilata agad sa kama. Nakatulala sa kisame.
"Anyare?" tanong ko sa sarili ko. "Ba't ganon? Ang wierd. Gagawa na lang ako ng assigmment ko." Tumayo ako mula sa kama at kinuha ulit yung bag ko. Ginawa ko yung assignment ko sa Science. Pati na rin yung project ko sa T.L.E kahit ayokong gawin pero ginawa ko para matanggal sa utak ko yung mga nangyari kanina sa school.
Nakakaloka. Shitness dre. Pagkatapos kong gawin yung assignment tsaka project ko. Nag patugtog na lang ako. Hanggang sa nakatulog na ko. At nung nagising ako,nagulat ako nung tinignan ko kung anong oras na. Putcha. 3:45 am. Mga ilang minutes na lang bago mag 4:15 am. Kaya nag almusal na lang ako mag-isa. Tumunganga ako ng mga ilang minuto at nag pakulo na ng tubig. Pagkatapos makulo nung tubig, naligo na ko,nagbihis,ginawa na lahat-lahat para makapasok.
Time check: 5:30 am .
Sakto. Aalis na ko. Nag paalam na ko kina Mama at umalis na ko.
