Chapter 7

18 0 0
                                    

"Junior." tumingin siya sa akin. "Ito si Rose ann tsaka si Eddie." sabi ko sabay turo sa kanilang dalawa. " Sila yung mahilig kumain ng kumain ng kumain.At ito naman sina Ronabelle at Eljine." Sabi ko at tinuro ko rin silang dalawa. "Makulit sila. Promise. I mean , kaming lima , makukulit." sabi ko at bigla akong tumawa. Tumawa rin si Junior. Tumawa rin silang apat , para masaya. XD.

Tapos na kaming kumain. Pero nag stay pa kami ng ilang minutes at nag kwentuhan at nag tawanan. Ansaya lang. Magkakaibigan na rin sila. Hahaha.

"Junior , truth or dare?" sabi ni Ronabelle.

"Ano ba yan Ronabelle! Kailangan pa talagang laruin yan?" sabi ko kay Ronabelle. Nakakainis kasi yang larong yan eh. Di ko alam kung bakit. Basta naiinis ako.

"Truth!" sagot naman agad ni Junior.

"Mahal mo ba talaga yung kaibigan namin?!" nae-excite na tanong ni Ronabelle. Tumingin muna sa akin si Junior habang nakangiti. Tsaka siya sumagot.

"Oo naman." sabi niya na medyo mabagal. "Sobra." dagdag pa niya at hinawakan niya yung kamay ko at bigla niyang hinalikan yung kamay ko. Kinakabahan nanaman ako. Air!! Air !!!

"Putchaaaa!! Nilalanggam ako!" sabi ni Eddie.

"Ang bitter mo." sabi ni Ronabelle.

"Che! Alis na nga tayo! Gusto ko mag shopping!"sabi ni Eddie. Alalalalalanddee? Eme. XD .

"Geh. Tara." sabi naman nina Rose ann at Eljine.

Pumipili silang apat ng damit. Ako. Nakatingin lang sa kanila. Tapos si Junior , nakatayo lang. Tinitignan din sila.

"Ay! Bagay sa akin to! Pramis!" sabi ni Eddie na parang may pagka 'kris aquino' yung voice niya at nakataas din yung left hand niya.

"Patingin." sabi nilang apat.

"Eto oh!" sabi ni Eddie at pinakita niya sa kanila yung dress na kinuha niya. Color blue , simple yet elegant. Mga hanggang tuhod lang yung haba.

"Hindi kaya! Ang tindi mo rin eh no?" sabi ni Eljine. Tumawa kaming dalawa ni Junior sa kanila.

"Akin na yan." sabi ni Junior. Binigay naman ni Eddie yung dress na hawak niya. Tinignan niya muna yung dress ng mabuti. "Sukatin mo." sabi ni Junior sa akin.

"Ayoko nga! Hindi ako nag de-dress no!!" sabi ko sa kanya.

"Sige na. Please?" pagmamakaawa niya. Naawa naman ako sa kanya. Kinuha ko na yung dress. Bigla siyang ngumiti. Pumunta na ako sa fitting room at sinukat yung dress. Kung hindi dahil sa word na 'please' na sinabi niya , hindi ko talaga susukatin yun.

Pumasok na ako sa fitting room. Tinanggal ko yung damit ko tsaka sinukat ko na yung dress. Himala! Nagkasya sakin!

Tinignan ko yung itsura ko dun sa salamin. Feeling ko.... Ang ganda ko. Oh my god. Ngayon ko lang sinabi yun sa sarili ko! Nakatayo lang ako doon sa loob ng fitting room. 10 minutes na akong nandon. Ang ganda talaga nung dress bwisit.

"Hoy babae! Ang tagal mo naman diyan sa loob! Kailan ka ba lalabas?" tanong ni Eddie na naiinip na. Lumabas na ako.

"Hoy bakla! 10 minutes lang naman ako na nandon ha?!" sinabi ko sa kanya. Medyo galit.

Nong lumabas na ako , napa nganga sina Eddie. Tapos si Junior , nakatitig nanaman siya sakin. Pero iba yung tingin niya eh. Parang , parang , ang lagkit tapos , HAY NAKO! DI KO MA EXPLAIN!

"Hoy." sabi ko nang mahina sa kanila. Binatukan ko na sila. Di ako sanay na tinititigan ako ng ganon. Nakakahiya kasi. Pagkatapos ko silang batukan , bumalik na uli yung senses nila. Yes!

"Beh.... Takte!! Ang ganda mo!! Pramis!!" sabi nina Ronabelle na hindi makapaniwala.

"Ows? Palagi niyo nga akong pinagsasabihan ng 'panget' eh. Tapos sasabihin niyo naman ngayon na ang ganda ko? Wag ganon. Isa lang dapat." Page-explain ko.

Nakatitig pa rin sa akin si Junior. Takte! Takte! Takte! Kailan ba siya titigil?! Nilapitan ko siya. Habang lumalapit ako , lumalayo naman siya. Lumapit uli ako sa kanya. Lumayo ulit ang mokong. 'Nak ng?!' sabi ko sa isip ko. Hinawakan ko yung dalawang braso niya para tumigil siya sa paglalakad backwards. Naramdaman ko na lumamig yung katawan niya nung hinawakan ko siya. Tinanong ko siya.

"Hoy. Ayos ka lang ba?"

"Uhm.... Di ko alam. Ay. Oo naman. Bakit?" sagot niya sa akin na medyo nanginginig pa yung boses niya.

"Sure ka?" tanong ko uli sa kanya. "May sakit ka ba?" dagdag ko. Sabay hawak sa leeg niya at sa noo niya kung mainit siya. Hindi naman siya nilalagnat o ano. Ewan ko ba sa kanya.

"Na-starstruck yan beh!!!" sabi ni Eddie habang dinuduro-duro niya si Junior.

"Kanino naman? Sa akin?" Natawa ako. "Imposible." dagdag ko.

"Oo. Sa'yo. Kanino pa ba?" sagot agad ni Eddie sa akin. Napalunok ako ng laway. Bakeet?! Tinignan ko si Junior. Nakatingin pa rin siya sa akin. May gayuma ata tong dress na to.  Pumunta ulit ako sa fitting room at hinubad na yung dress at sinuot ko na ulit yung damit ko. Lumabas na ako ng fitting room.

"Wala nang titingin sa akin ah." sabi ko pagkalabas ko ng fitting room.

"Bakit mo tinanggal?!" sabi ni Eddie.

"Ayoko nun. Panget." sagot ko agad.

"Hindi kaya!" sabay-sabay sinabi nina Eljine,Ronabelle at Rose ann. Tinarayan ko na lang sila.

"Okay ka na?" tanong ko kay Junior. Tumango siya.

May narinig kaming halakhak ng dalawang babae. Tinignan namin. Laking gulat naming lima na nakita namin yung mga halimaw---Jullana and Berlly. Napamura pa si Eljine.

The Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon