Nag-iisip ako ng ideya kung pano ko siya pasasayahin , pero wala akong maisip eh. Di ko pa kasi siya gaano kakilala. Kaya nalungkot din ako para sa kanya. Pero at the same time , galit pa rin ako sa kanya. So , ganon? Ginamit niya lang ako. Edi wow.
"Sundin mo na lang yung sinabi ni Jelai." Sabi ko.
"Ano?"
"Breakan mo na ko. O di kaya , sabihin mo yung totoo sa kanya."
"Bobo. Kung sinabi ko sa kanya na peke tong relationship natin , siyempre pag kakalat niya yun. Tapos mapapahiya ka lang , pagtatawanan at lalaitin. Ayoko."
"Uhm..." engot ko din. Di ko rin naisip yun ah. Medyo may utak ata to. "Kung ayaw mo. Pwede mag tanong?"
"Basta wag mahirap. Tapos huwag marami."
"Okay. isa lang naman eh."
"Sige". sabi niya sabay ngiti. Haha. Para siyang bata. Ang cute niyang tignan."Tungkol saan ba yung itatanong mo?"
"Tungkol sa ano ... ano.... "
"Daliii!!! Baka di ko sagutin yan."
"Tungkol sa inyong magkakaibigan." Sabi ko agad. Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa kanila. Pero di ko alam kung saan ako kukuha ng information. Buti na lang nakilala ko si Junior.
"Bakit?" tanong niya. Medyo nagulat ako doon sa tono ng boses niya. Parang galit.
"Teka... Galit ka ba?"
"Hindi." Weh? Di nga. Halata kaya. -_-.
"Ows?"
"Hindi nga eh. Isa pa. Hahalikan kita diyan." Napalunok ako ng laway. Hahalikan? Subukan mo lang.
"Uhm , Junior." Tumingin siya sakin. "Napansin ko lang. Nang simulang mag kasama tayo. Hindi na kayo nag papansinan nung mga kaibigan mo. Bakit?"
"Masyado namang personal yang tanong mo. Iba na lang."
"Eeeeeeeee !!!!!! Sagutin mo na lang." pagpipilit ko sa kanya.
"Personal nga eh."
"Ano ba yan. DAMOT." Binigyan niya ako ng death glare. Akala niya siguro matatakot ako. Hindi kaya , konti lang.
"Ako? Madamot?! Hindi kaya!" sabi niya sakin na medyong nabi-bwisit.
"Patunayan mo." sabi ko sabay smirk.
"Sige. Ano ba ngayon?"
"Friday."
"Friday , friday. Alam ko na! Bukas ili-libre kita."
"Ako lang?"
"Oo. Ikaw lang. Bakit? Ayaw mo pa?"
"Ayoko. Gusto ko kasama yung mga kaibigan ko." ang laki ng ngiti ko abot hanggang tenga nung nakita ko siya na naka-nganga." Ili-libre mo din sila. Hahaha."
"Uhm... Ilan ba kayo?" Para siyang kinakabahan.
"Lima!"
"Lima? Lima!!!??? Ang dami niyo. Kami nga tatlo lang eh."
"Hindi naman kayo nagpapansinan. Diba?"
"Sa bagay. O sige. Ili-libre ko kayo bukas."
"Saan?"
"Sa mall."
"Haha! Sige. Magdala ka ng isang milyon , ha?"
"Isang milyon? Anong ibig mong sabihin?"
"Basta." sabi ko sabay wink. "Anong oras?"
"Hhhmmm.... 11:30. Okay lang sayo?"
"O sige! Yung isang milyon ah. Hahaha!!"
"Ang sama-sama mo naman." sabi niya habang naka pout.
"Haha! Alam ko. Matagal na." he just rolled his eyes. Haha. Ang galing ko naman. Kung hindi ko sana sinabi na madamot siya , hindi niya kami ili-libre.
-CANTEEN-
Nakita ko sina Eljine na kumakain. Pumunta ako sa kanila. Mukha silang malungkot. Wala ata silang gana kumain.
"Hoy! Musta na kayo?!" I greeted them so happy.
"Okay lang." Sabi ni Rose ann.
"Anong okay? Hindi kaya." Sabi naman ni Eljine. Ano bang nangyayari sa kanila?
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Wala." Sabi naman ni Eddie.
"Wala? Meron." Sabi ni Eljine.
"Ano ba yan , Jine. Epal much?" Sabi naman ni Ronabelle.
"Hays. Bo-bo-bo-BOOOOORRREEEDD." Sabi ni Eddie. Ang wierd na nila. Umupo na ko sa tabi ni Eddie.
"Oi. Huwag na kayong malungkot." sabi ko with a sad voice.
"Bakit? May magagawa ka ba para pasayahin kami?" Tanong ni Eljine. Sakto. Sasabihin ko na sa kanila eh.
"Oo!! Kaya huwag na kayong malungkot. Please??"
"Ano ba kasi yun?" tanong ni Ronabelle.
"Bukas. May pupuntahan tayo. *wink wink*."
"Ha!!?? May pupuntahan?! Saan?!" natatarantang tanong ni Eddie.
"Sa mall." Sabi ko sabay ngiti.
"Wews. Libre?" Tanong naman ni Rose ann.
"Oo."
"Sige. Sama ako!" sabi ni Eddie.
"Ako din! Basta may pagkain." sabi ni Rose ann.
"Kaya ka tumataba eh." sabi ni Eljine.
"Ulol." sagot sa kanya ni Rose ann.
"Hahaha. Huwag na kayong mag-away. 11:30 bukas. Punta kayo sa bahay ko. Okay?"
"Yes , madam!" sagot nilang apat. Hay, ang saya lang.