Chapter 8

15 0 0
                                        

"'Nak ng teteng??!!" sabi ko habang tinitignan yung mga halimaw. Nag away kasi kami noon dahil noong nag pa-group project yung teacher namin,hindi nila akong dalawa tinulungan. Nag se-selfie lang sila. Yung totoo? Nandon kami sa eskwelahan para mag aral. Hindi para mag selfie. Tungunung yan.

"Beh. Alis na tayo." sabi ni Ronabelle. Pumayag naman si Rose ann. Hinihila na nila ako palabas,pero,paano kami lalabas kung malapit lang sila doon sa may pintuan palabas?

"Mamaya na siguro." sagot ko. Halatang kinakabahan ako.

"Anong mamaya? Baka mamaya mag ka riot nanaman dito ah. Pagkakaguluhan tayo." sagot naman ni Eddie at Eljine.

"Tara na nga. Huwag mo na lang silang pansinin,baby." sabi naman sa akin ni Junior. Inakbayan niya ako palabas nung botique. Sumunod na lang yung apat na kaibigan ko , nasa likuran namin sila.

Habang palabas kami , napansin kong ang sama-sama ng tingin nila sa akin ,sino pa ba,edi yung dalawang haliparot na yun.

"Tinitingin-tingin niyo diyan?!" sabi ko sa kanila. Hindi ko nasunod yung utos ni Junior sa akin na huwag silang pansinin. Di kasi ako makatiis.

"Pakialam mo ba? Tsaka,bakit ka nandito? Hindi ka kaya pwede dito. Hindi ka bagat dito." sabi ni Berlly.

"At bakit naman hindi?" tanong ni Ronabelle na parang naghahamon yung tono nunh boses niya.

"Tignan mo naman kasi siya," sabi ni naman ni Jullana sabay tinignan niya ako , mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. "Hindi siya halatang babae.Hindi naka-extention yung hair tapos no make up. In short, panget." dagdag nito sabay tumawa siya ng malakas. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nanaray pa siya. Akala mo maganda eh noh. Make up lang nagdala teh!! Make up lang! Kung wala siguro yang make up,nako,sinasabi ko! Mag mumuka yang zombie na pinatay nang tatlong beses.

Hindi na ako umimik. Totoo naman kasi eh. Hindi ako marunong gumalaw na parang babae. Yung pa-girl,ganon. Nahihirapan kasi ako. Feeling ko kasi,masyadong maarte.

"Bakit?" bulong sa akin ni Junior. Tumingin ako sa kanya. "Ang tahimik mo ah. Bakit di ka lumalaban?" dagdag pa nito.

"Hay. Totoo naman kasi yung sinasabi nila eh. Hindi ako mukhang babae. Mukha akong avatar na pinasabugan ng dynamite sa mukha." sinubukan niyang i-imagine yung sinabi ko,pero,di niya nagawa. Hinawakan na lang niya yung kamay ko.

"Ang ganda mo kaya. Huwag kang maniniwala sa kanila." sabi niya sakin.

"Hindi pa ba kayo aalis?" sabi nung dalawang halimaw sabay taas ng kilay.

"Bakit hindi na lang kayo ang umalis? Dagdag polusyon kayo eh." sabi naman nina Eddie at Eljine.

"Kayo na lang. Kung ayaw niyong masaktan." sabi ni Jullana na tila parang naghahamon. Nanggigigil na si Eddie. Gusto na niyang sampalin tsaka sabunutan silang dalawa. Ganon din yung  tatlo kong kaibigan. Nagtititigan lang silang anim. Biglang lumingon sa akin yung dalawang haliparot.

"Ang sarap mong sabunutan,alam mo ba yon?" sabi sa akin ni Berlly.

"True." sabi naman ni Jullana. Nag-apir pa silang dalawa.

"Ang landi niyo noh. Di bale,pareho tayo ng nararamdaman. Ang sarap niyo ring sabunutan. Ay hindi pala,masarap din pala kayong patayin." sabi ko with a evil smirk.

Nagtititigan pa kami saglit. At nung napikon na silang dalawa sa inaasta ko,bigla nilang hinablot yung buhok ko. Sinabunutan nila ako. Sabay pa sila. Hindi naman ako nagpatalo,sinabunutan ko rin silang dalawa. Nakisabay na rin si Eljine,Rose ann at Eddie sa aming tatlo na nagsasabunutan. Ang dami nang nakatingin pero wala kaming pake. Sina Ronabelle at Junior naman inaawat kami.

"Hoy tama na yan mga putang ina niyo!!!" bwisit na bwisit na si Ronabelle habang hinihila niya ako palayo sa kanila. Pero kahit anong gawin niya,nahahablot pa rin nila yung buhok. Bwisit,ang haba kasi. Ganon din si Junior,inaawat rin niya kami. Pero hindi pa rin kami tumitigil.

"Tama na yan! Ano ba kayo!!" sumigaw na rin si Junior. Bakas ang takot sa tono ng boses niya. Di ko alam kung bakit. At di nagtagal,may dumating na ring tatlong gwardya. Inawat nila kami. Tumigil na kaming mga nagsasabubutan. Ang gulo ng buhok ko! Buti na lang hindi ako nag me-make up. Buhok lang at damit ang nagulo sa akin. May konting kalmot ako sa kamay,ang hahaba kasi ng mga kuko nila eh. Ganon din ang itsura nung mga kaibigan ko. Puro kalmot at ang gugulo ng buhok. Yung dalawang halimaw naman, hahaha. Ang panget na tuloy nila---gulo-gulo yung buhok , ang gulo din nung damit at ang dumi na rin nung mukha nila. Make up pa more!

Nagmura yung dalawang halimaw. Kung anu-ano yung mga pinagsasasabi nila na hindi ko na maintindihan kasi pinalabas na ng mall yung dalawang haliparot. Buti na lang pinalabas na sila. Buti na lang hindi ako pinalabas. Tinignan ako ni Junior. Mukha siyang takot na takot at nagaalala. Tinignan niya yung mga sugat ko , at bigla niya akong niyakap. Ang higpit pa nga eh. Kumalas ako sa yakap.

"Junior,okay lang ako." sabi ko na nakangiti. Tinitignan niya pa rin ako , nagaalala pa rin siya.

"Sure ka? Parang hindi eh." sabi niya.

"Oo naman. Bakit naman hindi. Mga walang binatbat yung mga yun eh. Puro magpaganda lang ang alam." sabi ko sa kanya. Niyakap niya uli ako. "Junior. Ano bang problema mo?" dagdag ko. Nagaalala na tuloy ako.

"Natatakot ako." simpleng sagot niya. Sabi ko sa kanya na bitawan na niya ako kasi ang dami nang nakatingin sa amin. Pati sina Eddie. Pag tumingin ka sa mga mata nila,halatang nangaasar na sila. Pero ayaw ng mokong. Ang sarap batukan! Pero di ko kaya. Kasi naman. Eeeeee!!! Ang sweet niya.

The Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon