Chapter 1

109 2 6
                                    

Heeyy!!! Ako nga po pala si Annjelaine Almazan. 15 taong gulang.Grade 9 palang ako. Hhmm... ano pa ba? Ah , isa ako sa mga PINAKA makulit sa klase. Kaya palagi akong nasasama sa gulo. Kaya palaging ring stress si Mayor sakin. Ewan ko ba kung anong sumapi sa kanya at ako pa ang piniling Vice Mayor. Pina pili kasi siya ni Ma'am Alejo kung sino ang gusto niya maging Vice Mayor , at ayon nga , ako ang napili niya. Ayoko kasi ma-sali sa Officers eh. In my opinion , parang di ka malaya. Ganon. Charoot .. At meron din akong 3 best friends -- used to be , sina Jullana , Jasmine at Berlly. Ang saya-saya namin noon , kaso lang dahil sakin , nasira din ang Friendship naming apat , akala ko nga FOREVER na kaming friends eh. Kaya silang tatlo na lang ang naging friends. Pwera lang kay Jasmine kasi kahit papaano , nilalapitan pa rin niya ako kahit ayaw nung dalawang halimaw. At noong mag kakaibigan pa kami , meron kaming nag-iisang crush. Si Beboi Joe Tumaque , ang heartthrob ng buong Crosswell High , medyo may pagka-bad boy si Mr. Tumaque eh. Pero putcha . HEARTTHROB SIYA KAYA WALA AKONG PAKEEE !! Okay , medyo naging OA ako don , pero gwapo talaga siya ! Emergeerrd .. Meron siyang messy hair bagay sa kanya pero paminsan-minsan inaayos rin niya yung buhok niya (by the way medyo may pagka blonde yung buhok niya) , bluish eyes -- medyo bilog , tisoy at pusong bato. Meron din siyang 2 friends -- sina Junior Tabanggay tsaka si Philander Labuntog. Hindi masyadong pinagkakaguluhan si Philander katulad nina Beboi kasi wala siyang masyadong itsura at medyo may pagka-Budoy , yung parang clown lang ang pegg. At tungkol naman kay Junior , gwapo rin , medyo makulit nga lang. At alam mo ba na napaka SWERTE ko ??!! Kasi kaklase ko sila !!  Emeegeerrdd ..  Meron din akong iba pang kaibigan. Sina Eddie 'bakla' (bakla si Eddie. Kaya 'bakla' ang tawag ko sa kanya) , Ronabelle , Rose Ann at Eljine -- isa rin sila sa makukulit sa section namin. Kaya kami ang pinaka maingay na section sa buong grade 9. Palagi kaming nag-lalaro lalo na tuwing walang teacher.

3 years na ako dito sa Crosswell High , pero di pa nakakaroon ng love life , at wala akong balak na magkaroon niyan. At sikat na sikat na yung tatlong heartthrob dito simula noong grade 7. Pag papasok sila , lahat ng estudyante nakatitig sa kanila. Para silang anghel na bumaba dito sa lupa. XD . At pag dadaan naman sila , yung mga babae nag bubulungan at yung iba parang mamamatay na. At nagulat ako dahil may isang babae na lumapit kay Junior. Si Jelai , sexy siya , maganda at straight yung buhok niya. Ex girlfriend siya ni Junior. Usap-usapan sa buong school na may nakitang hinahalikan si Jelai na lalaki , at nang nalaman na ito ni Junior ay agad na silang nag-break. Matagal din ang pinagsamahan nila , nohh. Mga 1 year , ganon. Sabi pa ng iba , sinayang lang ni Jelai ang pagsasama nila ni Junior at ang sabi pa ng iba , sadyang malandi lang talaga siya kaya buti na lang nag-break sila agad.  Tsk tsk... Kahit ako nasasayangan din eh.

At nang patuloy ko silang tinitignan , napansin ko na may pumatak na luha galing sa mga mata ni Jelai , gosh! Humihingi siya ng tawad. At aba , wala pa ring pakialam si Junior sa kanya. At ang masaklap don , pinag tatawanan na ng ibang ka-schoolmates namin si Jelai. At nang sinenyasan na ni Beboi si Junior na umalis na , agad naman na silang umalis. Naiwan si Jelai na nakatayo don at medyo naka-nganga pa. Di pa yata siya naka-move on simula nong nag break sila eh. 2 months ago na silang nag break. Nang bumalik na ang senses ni Jelai bigla siyang sumigaw, "SHUT THE FUCK UP,YOU IDIOTS!". Bigla namang tumahimik ang mga taong nasa paligid na nag tatawanan at nag bubulungan.

Nag walk-out si Jelai. Patuloy pa rin siyang humahagulgol sa pag -iyak , dumiretso siya sa ladies' CR. Nagpa-ganda muna at lumabas din siya agad.

Nag-bell na. Kailangan nang pumasok sa classroom. At ang first subject ko ay T.L.E. As usual , napaka-boring. Hindi man lang kasi nagtuturo si Ma'am Orata ng mga lessons dahil bwisit na bwisit siya sa'min palagi. Kaya palagi siyang nag papagawa ng project. At ang malala pa don , hindi pa tapos yung pinapagawa niyang project ay mag papagawa pa siya ulit. Aba , matinde tong teacher na to ah. Bigla akong kinalabit ni Eddie.

The Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon