"Sige. Tara na. Baka may sumugod ulit na ipis rito." sabi ni Eddie. Halatang pagod na siya kakatakbo at kakatalon.
______________________________________
Naglibot-libot nanaman kami sa mall. Na-bored ako. Paulit ulit na lang kasi yung mga nakikita ko dun eh. Walang nagbabago.
"Bored beh?" tanong sakin ni Ronabelle habang nakataas yunh isa niyang kilay. Tumingin silang lahat sakin. Pati sina Eddie at Rose ann na kumakain ng ice cream.
"Ice cream gusto mo?" sabi ni Eddie sa akin.
"Akin na lang?"
"Bumili ka don! Hihingin mo pa tong sakin." sagot niya.
"Ang damot mo." Bumili na lang ako ng sarili kong ice cream na chocolate flavor.
"Di ka na nagsawa diyan?" tanong sakin ni Rose ann.
"Masarap kasi eh. Wag na kayong mangialam. Kainin niyo na lang yang sa inyo." sagot ko naman sa kanya. Sinunod naman niya yung sinabi ko at nagpatuloy siya sa pag kain ng kanyang ice cream. Pagkatapos naming kainin yung ice cream namin,lakad ulit.
Lakad..
Lakad..
Lakad..May nadaanan kaming jewelry shop. Bigla akong hinila ni Eddie. Muntikan na niya akong kaladkarin papasok sa loob. Nungbakapasok na kami,nilibot ko yung mata ko sa mga necklace,bracelet, at mga singsing na naka-display roon. Ang gaganda. Kumikinang-kinang pa. May isang necklace na naka agaw ng pansin ko. Ang cute nung necklace. Silver siya tapos may nakalagay na 'her one' tsaka 'his only' halatang pang couples. Tapos doon sa baba non,nakasulat yung anniversary niyo. Tinititigan ko yun. Ang ganda kasi.
Nilapitan ako nung babae. Tinanong niya kung bibilhin ba namin. Namin?. Tumingin ako sa likod ko,nasa likuran ko rin pala si Junior. Nakatingin din dun sa necklace.