Binigyan ako nina Mama at Papa ng sino-siya-look. Kinabahan ako. Shet.
"Uhm...Alis na tayo?" sabi ko. Breaking the thick silence.
"Sige. Tara na!" Sabi nina Eddie at ni Rose ann.
Sumakay na kami sa kotse ni Junior. Pumunta kaming lima doon sa likod.
"Hala! Dapat merong isang tao dito sa tabi ko! Ano ako? Driver niyo?!" sabi ni Junior na mukhang galit. Tumingin sina Ronabelle sa akin.
"Ikaw ang girlfriend kaya , ikaw ang uupo diyan." Sabi nila sa akin sabay turo doon sa tabi ng driver's seat. Di na ko nagsalita at umupo na. Ang tahimik. Hindi niya binuksan yung radyo don sa loob ng kotse.
"Okay let's pray. In the name of the--ARAY!!" hindi na natuloy ni Eljine yung sinasabi niya kasi bigla siyang binatukan ni Ronabelle.
"Bakeet??!!" Tanong ni Eljine.
"Ako dapat ang magtatanong niyan. Bakit?"
"Bwisit ka. Ang tahi-tahimik kaya!!"
"Maganda nga yun eh. Tahimik." Sagot ni Ronabelle na parang nangaasar yung tono nung boses niya.
"Edi wow." Sagot ni Eljine tapos tinarayan niya si Ronabelle. Hahaha , nakakatuwa silang tignan. Napansin ko si Junior. Namumuti siya. Parang takot pa rin siya. Di pa ata naka recover. XD . "Junior? Okay ka lang ba?"
"Ha? Uhm. Oo naman. Bakit naman hindi?" Sagot niya.
"Ows?"
"Oo nga okay lang ako." medyo galit na yung tono nung boses niya.
"Sure ka ah?"
"Isa pa pag di ka tumahimik,alam mo na gagawin ko sa'yo" sabi niya sabay smirk. Magsasalita pa sana ako,pero pinili ko na lang na tumahimik. Alam ko na yung gagawin niya eh,hahalikan ako. Yan yung panakot niya sa akin pag gusto niya akong patahimikin. Effective naman.
"Anong gagawin niya,beh?" tanong ni Ronabelle.
"Uhm... Wala." sagot ko agad.
"Wews. Sinungaling." sagot naman ni Eljine. Pa-epal talaga eh, noh?
"Ano nga?!" sabi ni Ronabelle. Gusto niya talagang malaman ah.
"Wag na kayong mag tanong kasi. Ayaw nga niyang sabihin diba?" sabat ni Junior. Tumahimik ulit. Pag katapos ng mga ilang chit-chat,nakarating na kami sa mall. Tuwang-tuwa sina Rose ann at Eddie. First time? First time? Parang ngayon lang sila nakapunta sa mall. Eh , halos sabado't linggo sina Rose ann at Eddie pumupunta dito.
"Happy?" tanong ko sa kanilang dalawa na ang laki-laki ng ngiti sa mukha nila.
"Oo naman. Yes !" Sagot nilang dalawa. Hahaha.
"Bakit?" tanong ko sa kanila.
"Libre kaya!! Susulitin na namin to ni Eddie. Hahaha." sabi ni Rose ann sabay tingin kay Eddie.
"Hahaha! Of course !" sagot agad ni Eddie. Biglang lumapit sina Ronabelle pati si Eljine, pinag gitnaan nila akong dalawa.
"Di mo sinabi sa amin na kasama pala yung isa sa mga heartthrob." sabi ni Ronabelle.
"Oo nga. Awkward tuloy." sabi naman ni Eljine. Ang sama-sama tuloy ng loob ko!!! Di ko kasi nasabi agad eh. :'(
"Sorry na. Natuwa lang kasi ako eh. Nakalimutan ko tuloy siyang banggitin sa inyo." paiyak na ko. Joke.
"Okay lang! Baka naman pwede namin siya maging friend." sabi ni Eljine habang naka ngiti. Tumingin siya kay Ronabelle.
"Haha! Oo nga beh." sabi naman ni Ronabelle.