Chapter 5

28 0 0
                                    

Gising na ko. At ang unang pumasok sa isip ko ay yung mall,yung apat ko pang kaibigan,kung anong oras kami aalis,at siyempre , yung manlilibre. Hahaha.

May nag text sa phone ko. Unknown number.

"Hala. Sino to?" Binasa ko yung text. Sabi niya: "Oi. Gising ka na ba?"

Sabi ko: "Wrong send ka ata. Di kita kilala."

May na-recieve nanaman akong text. Galing ulit don sa unknown number.

Siya: "Kilala mo ko."

Ako: "Hindi."

Siya: "Kilala mo nga ako sabi eh."

Parang kilala ko nga to. Pamilyar siya sakin eh.

Ako: "Junior?"

Siya: "Sabi ko sayo eh. Kilala mo ko. :)."

Ako: "Mamayang 11:30 ah! Huwag mong  kalimutan! :)"

Siya: "Opo , baby."

Ako: "Baby?"

Siya: "Oo. Baby. Bakit? Gusto mo 'Honey'?"

Ako: "Bwisit ka! Ang aga aga eh.

Siya: "Hahaha. I love you."

Ako: "Ang ingay mo!"

Siya: "Mag-I love you,too ka na lang."

Ako: "Bahala ka."

Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bumaba na ako. Nakita ko doon sina Mama. Nag luluto siya ng almusal. Nice one. Omelet. Putcha , isa to sa mga paborito ko! Hinanda ko na yung mga plato pati yung mga kutsara't tinidor. Bumaba na din sina Papa pati si Bella--siya yung kapatid ko. Ginawan ko na ng kape si Papa. Hinanda na ni Mama yung mga pagkain. Umupo na kaming lahat. At pagka upo na pagka upo pa lang ni Bella , aba , halos maubos na niya yung ulam pati yung kanin. Ang dami niya kasing kinuha.

"Hala." yun lang yung nasabi ko habang nakatingin lang sa kanya na kuha ng kuha ng pagkain.

"Bakeet?" tanong niya. Para siyang gulat na gulat na naka tingin sa akin.

"Ang dami mo kayang kinuha."

"Ay. Sorry , ate. Eto. Kunin mo na yung kalahati." sabi niya. Kinuha ko na yung kalahati.

Habang kumakain , napansin ko sina Mama at Papa na nakatingin sa akin. Kinabahan ako. Baka pagalitan ako eh.

"Bakit po? May problema ba?" tanong ko sa kanila. Medyo nanginginig pa yung boses ko habang sinabi ko yun.

"Wala naman anak. Blooming ka lang ngayon." sabi ni Mama habang nakangiti at nakatingin sa akin.

"Oo nga anak. Ano bang meron?" Tanong ni Papa. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko kasi hindi ko naman alam na nag bo-blooming pala ako sa mga mata nila.

"Wala naman po. Excited lang po kasi ako mamaya." Sagot ko.

"Bakit? May pupuntahan ka ba?" tanong agad ni Mama.

"Opo. Pwede po ba?" tanong ko sa kanila. Kinakabahan pa rin ako.

"Saan ba , anak?" tanong ulit ni Mama.

"Sa mall po. Kasama ko po yung mga kaibigan ko." sagot ko sa kanila habang nakangiti.

"O sige basta huwag mag papa-gabi ah."

"Opo , Mama. Thank you po." sabi ko kay Mama habang nakangiti pa rin.

"Ate. Baka may BOYFRIEND ka ah." sabi ni Bella. Nagulat ako sa sinabi niya . Nanlaki yung mga mata ko. Bigla ulit akong kinabahan.

"Ano?" Sabi ni Papa. Patay ako nito.

"Kasi po diba sabi niyo kay Ate na nag bo-blooming siya , kaya naisip ko lang na baka may boyfriend na siya." Explain niya. Tungunung yan. Pinapahamak ako nito palagi eh.

"Rolando , normal lang yan na mag ka love life yung anak natin." sabi ni Mama.

"Wala po akong boyfriend! Kadiri! Ano ba yan Bella!!" Sabi ko sa kanya. Tumawa lang si Bella.

Pagkatapos naming kumain , umakyat ulit ako doon sa kwarto ko. Tinawagan ko sina Eljine.

"Hello?" Sabi ni Eljine.

"Eljine. Ano nang ginagawa mo?"

"Nag-aayos na. Tinawagan ko kanina si Ronabelle. Nag bibihis na siya. Tapos si Eddie , naliligo siguro kasi hindi niya sinagot eh. Tapos si Rose ann , nakahiga pa sa kama niya. Nagising ko ata siya kaninang tumawag ako eh."

"Hahaha! Ang lupet. Sige maliligo na ako ah. Punta kayo dito sa bahay. Okay? Byeee !!!"

Pagkatapos kong kausapin si Eljine ay chinarge ko yung cellphone ko at naligo na , nag bihis , at nag ayos. Pagka-baba ko ,nandon na silang apat.

"O! Nandito na pala kayo."

"Oo. 15 minutes ago." Sabi ni Ronabelle.

"Ano? Tara na?" tanong nina Eddie pati ni Rose ann. Mukhang excited na sila ah.

"Teka , may hihintayin pa tayo eh." sagot ko sa kanila.

"Sino?" tanong nilang apat.

"Si ano... uhm ... siya..."

"Sssiiinnnooo??!!" Sabi ni Eljine.

"Si---" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi may biglang bumusina doon sa labas.

"Huh? Ano yun?" tanong ni Ronabelle

"Malamang kotse." sagot ni Eljine.

"Alam ko!" sabi ni Ronabelle

"Kung ganon , bakit ka pa nag tanong?"

"Letse ka."

"Huwag na kayong mag away." Sita ni Rose ann

Binuksan ni Bella yung pintuan. Nagulat sina Mama at Papa sa kanya. Gagii. Si Junior.

"Siya ba yung hinihintay natin?" tanong nilang apat. Napa nganga na lang ako kasi hindi ko pa nababanggit si Junior sa kanila. At pati kina Papa. Lagot ako nito. Tinignan lang nila akong lahat. Pwera lang kina Papa at kay Junior , nagtititigan lang silang dalawa. Mukhang natatakot si Junior kay Papa. Paano ba naman kasi , pinapatay ni Papa sa tingin si Junior. Bigla kong naalala yung pinag-usapan namin kanina habang kumakain.

"May boyfriend ka nga Ate!!!" Tuwang-tuwa pa si Bella.

"Hindi ko siya Boyfriend. Diba Junior?" Kinakabahan ulit ako. Sesermonan nanaman nila ako nito. Ano ba yan.

"Ah. Hindi no!" mukhang kinakabahan din si Junior. "Magkaibigan lang kami." He forced a smile. Grabe. Ngayon ko lang sita nakita na parang takot na takot. May ganon pala siyang side.

The Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon