Antagal din naming tinitigan yun.
kaso lang..
"Pfffft... Ambaduy niyan Annjelaine." sabi ni Junior. -_-.
baduy daw. Nagagandahan nga ako eh.
Tumingin agad ako sa kanya ng masama
"Anong baduy?" tapos tinaasan ko siya ng kilay.
"Yung necklace na tinitignan mo. Ambaduy! Hahahaha!"
Ansarap niyang sapakin! Pramis! -_-.
Lumapit siya sa tenga ko tapos,
"Mas maganda kung singsing. :). Teka, gusto mo ngayon na ako mag propose sa'yo?" bulong niya. Propose? Propose mo your face! Di ako magpapakasal sa lalaking BOYFRIEND KO DAW tapos sa lalaking magnanakaw ng first kiss!
"Heh! Diyan ka na nga!" sabi ko sa kanya tapos pumunta na ako kina Eddie.
"Uy. Grabe naman yan. Nagalit agad yung Baby ko." sabi niya sa akin sabay yakap sa likod ko.
Uminit agad yung mukha ko. Bwisit! Ayoko ng gantong feeling!!! Nakakadiri.
"Bi-bitawan mo nga ako Junior! Ano ba naman yan! Andaming tao eh! Bitaw!" sabi ko habang nagpupumiglas.
Pero ayaw niya akong bitawan. -_-
"Ayaw! Akin ka!" tapos hinigpitan pa niya yung pagkakayakap niya sakin.
Pinagtitinginan na kami. Ow, shoot. -_-
Anong akin?! kailan pa?! Di ba niya naaalala na FAKE lang yun. -_-
Todo yakap siya dito oh! Ginawa akong unan. Pati sina Eddie,mukhang kinikilig din. Nakakairita. Nakakasuka.
Sinaway ko nga,
"Hoy!Anong tinitingin tingin niyo diyan? Ronabelle oh! Ayaw akong bitawan! Bitaw na kasi Junior! Bitaw! Bitaw! Bitaw!"
Pupunta na sana si Ronabelle eh. Pinigilan lang nung mga MABABAIT KONG KAIBIGAN. Bwisit
Kaya wala na akong magawa. Hinayaan ko na lang si Junior.
Hanggang paglabas namin nung Jewelry Shop. Naka yakap pa rin yung mokong . -_- .
Nag mumukha tuloy kaming tanga dito. Habang yung MABABAIT KONG KAIBIGAN di man lang ako tulungan. huhu . :'( . Grabeng pagto-torture na to.
"Junior." bulong ko.
"Bakit?"
"Bitaw."
"Ayaw nga sabi eh. Bat ba ang kulit kulit mo?"
"Ayokong may yumayakap sakin. Kaya bitawan mo na ako."
"Eh sa ayaw ko nga."
"Ugh! Ano ba yan."
"Haha. :)" nakuha pa niyang tumawa.
"Bwisit."
*kiss
"HUMAYGAD! WWWAAAAHHHHH !!!!! HUMAYGAD!" sabi ni Eddie habang pinapaypayan niya yung sarili niya gamit yung kamay niya. "Eddie,sa pisngi lang yun. Mas maganda kung sa lips." sabi ni Rose ann then she wiggled her eyeborws.
Kung gusto nila akong pahalikan sa mayak na to. Sila na lang, wag na nila akong idamay. -_- . Ninakaw na nga niya yung first kiss ko ee. Yung second kiss ko pa ulit? XD . Che!
Si Eljine at Ronabelle. Wagas kung maka ngiti.
Tapos binitawan na ako ni Junior. YEESSS!!! Sa wakas!