Chapter 9

14 0 0
                                        

Pumunta kami sa parking lot para kunin yung first aid kit ni Junior sa kotse niya. Di ko alam may first aid kit pala siya dun. Ginamot niya yung mga sugat ko. Pagkatapos niyang gamutin,nag tanong siya.

"Okay ka na ba?" nagaalala pa rin siya.

"Oo. Okay na ako. Salamat." sabi ko sa kanya. Ngumiti ako.

"Hoy. Lovers,saan ba yung C.R.? Naiihi ako eh." sabi ni Eddie.

"Doon oh." sabi naman ni Junior sabay turo doon sa di ko alam. Kasi hindi naman ako lumingon.

"Ah. Thank you. Hoy mga sabog! Punta tayo sa C.R. mag papaganda uli tayo." sabi ni Eddie. Pumayag naman sina Ronabelle kaya sabay-sabay silang pumunta sa C.R..

Nung napansin kong wala na sila. Naalala ko yung sinabi ni Junior kina Ronabelle. Yung nasa food court kami. Diba nagtanong si Ronabelle kung gaano niya ako kamahal? Diba sumagot rin siya ng 'oo naman' at 'sobra'. Sa totoo lang,kanina ko pa naiisip yun na itanong sa kanya kung totoo eh. Baka nawala na sa isip niya na fake tong relationship namin. Ginamit niya lang ako para magselos si Jelai.

"Uhm...Junior," tumingin siya sakin. "Naaalala mo ba yung sinabi mo kina Ronabelle?" tanong ko sa kanya na medyo kinakabahan ako sa isasagot niya.

"Yung nasa food court tayo? Yung truth or dare?" mabilis na sagot ni Junior. Bigla ring bumilis yung tibok nung puso ko.

"Oo. T-totoo b-ba yun?" tanong ko sa kanya na nauutal pa. Hinihintay ko siya na sumagot. Tinignan ko nang mabuti yung mukha niya,mukha siyang may problema.

"Ah..ano..uhm..." di siya makasagot. Mukha rin kasi siyang kinakabahan. "Ano kasi..." di na niya natuloy yung sinasabi niya kasi narinig namin na sumigaw si Eddie. Bwisit! Panira!! Yan tuloy,di na niya nasagot.

"Uy. Anong pinaguusapan niyo? Pwede makisali?" bungad samin ni Eddie at Rose ann.

"Beh. May problema ba?" tanong sa akin ni Ronabelle.

"Ah. Wala naman." sabi ko. Binigyan ko sila ng fake smile.

"Ay! Oh my gosh!" gulat na gulat si Eddie. Tumatalon-talon siya at tumatakbo. Hahaha. Anchaka. XD.

"Bakit??!! Ano nanaman bang problema mo??!!" sabi ni Rose ann. Napansin naming lahat na tawa ng tawa si Eljine.

"Bakit ka tumatawa Jine? Nahahawa tuloy ako." sabi ni Rose ann. Hindi na niya natiis. Tumawa na rin siya. Napatawa na lang din kaming dalawa ni Junior.

"Putcha! Patayin niyo! HOMAYGAD!!" nag papanic na si Eddie. Tumatalon pa rin si Eddie at tumatakbo. Di ko alam kung bakit. Naka tingin siya doon sa baba. Tumingin din ako sa baba. Kaya pala! Tumawa ako ng pagkalakas lakas! Nag e-echo pa. Buti kami lang yung tao doon.

"Bakit nga kasi??!!" sabi ni Ronabelle. Siya na lang yung hindi tumatawa sa amin.

"Ma-may , hahahaha , da-da-dalawang hahaha!!" hindi na masabi ni Eljine yubg gusto niyang sabihin.

"May iiiippppppiiiiissss!!!" tili ni Eddie. "Patayin mooooo!!!" dagdag pa niya. Dahil hindi matatakutin si Ronabelle,tinapakan na niya yung ipis.

"Ang O.A. mo." sabi ni Ronabelle. "Mas malaki ka kaysa sa ipis. Baka natatakot rin yung dalawang ipis kanina eh." sabi pa niya.

"Letse! Pinagtanggol mo pa yung ipis!" naiinis na sinabi ni Eddie kay Ronabelle. Tumigil na rin kami sa kakatawa.

"Tara balik na tayo." sabi nina Eljine.

The Heartthrob And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon