Chapter 9 (02/13/15)

1.3K 25 0
                                    

"Tinatawagan po namin ang lahat ng naka-register para College Prom Night . Maaari po lamang na pumunta po kayo dito sa may covered court" sabi ng babaeng may hawak hawak na microphone na nasa stage .

Sa totoo lang , hindi ko naman 'to kagustuhan . Maski ako nabigla ng bigla na lang akong piniringan ng mata at nung tinanggal na nila ang piring ko sa mata ay nasa covered court na ako . Ayos talaga ! Sinadya nilang gawing biglaan sa pagtawag sa may kasali . Nakakaasar ! Sana pala kaninang umaga hindi na lang ako pumasok para hindi ako nasangkot dito .

"Clare , sorry talaga . Hindi ko naman inaasahan na pagkatapos ng dalawang araw ipapatawag na nila ang mga kasali diba?" Hindi ko na lang pinansin si Hannah at binaling ko na lang ang paningin sa ibang participants na nandito . For sure couples sila , eh mukhang lahat masaya ako lang hindi . Ako lang bitter dito .

Nakakainis . Simula kasi nung nag quit na ako dun sa contract ay nagsimula na rin akong maghanap ng trabaho kaso fail . Kung hindi overqualified , underqualified naman .

"Pasensya ka na Miss , puno na ang company namin . Pasensya na talaga" at marami pang mga ganyan . Ako na lang mag-isip ng masama pero baka si AJ ang may kagagawan ng lahat kung bakit hindi ako mapasok sa trabaho .

Napakuyom na lang ako ng kamao upang remembering his name . Aish ! Nakakaasar lang . Naaasar lang ako .

"Clare . Clare" hindi ko na lang pinansin si Hannah at lumayo na lang ako sa kanya at umupo na lang dito sa bench . Pinanuod ko na lang sila .

"To all participants . We are going to start . Magkakaroon po tayo ng 3 stages . Sa bawat stages may matatangal na couples , matira matibay guys . Ang matira sa last stage sila ang magiging King and Queen para sa College Prom Night . Goodluck guys"

Hindi ko na lang pinansin ang announcer bagkus ay nanatili akong nakaupo dito . Eh , ano naman ngayon kung pumunta ako ? Para namang darating ung lalaking 'yon diba ? Para namang papatol sya sa mga ganitong gimik at kung hindi nyo pa nalilimutan galit nga sya sakin last chapter dahil nakasulat ang pangalan nya .

Kaya naniniwala ako , he won't show up late .

"Mr. Fernandez , you're late . Puntahan mo na ang partner mo para makapagstart na tayo" agad akong napalingon dun sa announcer . Kasasabi ko lang diba na hindi sya darating , eh bat nandito yan ?

"Salamat sa paghihintay" agad naman akong napalingon sa kalapit ko at hindi ko napansin na nilapitan na pala ako ni AJ . Anyare sa lalaking 'to ? Last chapter galit na galit sa idea oh sorry scracth that , galit na galit sya dahil nakasulat ang pangalan nya tapos ano 'to ? Mukhang nagustuhan na nya na nakasulat ang pangalan nya ? Gulo ah !

"As if naman na hinintay kita" masungit kong saad habang iniwas ang tingin sa kanya . Ibinaling ko na lang ang tingin sa mga couple , when suddenly may nahagip ang mga mata ko .

Holding hands while walking pa sila papalapit sa mga participants . Teka , kasali rin ba ang dalawang 'to ?

"Sasali pa ba tayo ?" napalingon naman ako sa kalapit ko na nakatingin din sa pala sa couple na 'yon . Oo ! Yan sila Mark . Ayos lang ang that thing called tadhana diba ! Lagi kang aasarin .

"Bakit ka nagtatanong ng ganyan? " parang any moment may mga luha ng babagsak sa mga mata ko .

Upon seeing them like this , It hurts my heart to the core .

"It doesn't matter kung bakit ako nagtatanong ng ganito . What matter's is are you ready to replace that broken heart of your with a heart that is not broken and is ready to love ?" Inilahad nya ang kanyang mga kamay . Sa sinabi nya unti unti na nitong naantig ang puso ko .

Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon