Chapter 14 (03/24/2015)

1.3K 30 3
                                    

// Jonelle's Note//

Lubos po akong nanghihingi ng paumanhin dahil sa masyadong matagal po akong mag-update . Dahil sa kadahilanang kasalukuyan po akong nanunuod ng 'Fall in love with me' sa viki at isa na rin po kasi akong subtitler sa viki kaya medyo natatagalan ang update . Bare with me guys , minsan din kasi umaatake ang writers block lalo na't nakaharap na ako sa laptop kaya sa smartphone na lang ako nag-a-update. Thanks . God Bless :)

"Lemme guess , lutang na naman yang utak mo ? Tell me , hanggang kelan ka ba mananatiling ganyan ? Si AJ na naman . Clare , maawa ka sa sarili mo . Move on " agad akong napalingon kay Hannah nung nagsalita sya .

"Ha?"

Pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay naglabas lang sya ng isang buntong hininga at napakamot sa kanyang batok .

"Clare, listen It's not the end of the world . So don't focus yourself to AJ . Wag mong hayaang malunod ang sarili mo sa kanya , diba iniwan ka nya , pinaasa at sinaktan" and just like that nagsimula na namang bumagsak ang mga luha 'ko . Akala ko ... akala ko okay na ang lahat . Akala ko nagkapagmove on na ako kaso fail hindi pa pala .

I still have feelings for AJ . Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganito ang puso ko . Kung kelan malayo na ako kay AJ sya pa 'tong mas lalong lumalalim ang nararamdam ko sa kanya .

Kabaliwan na ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya ?

"I get it okay . Alam ko na ang lahat" pagmamaktol ko . Alam ko naman sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat . ALam ko naman na It's all my fault .

"That's my point Clare . You knew everything . Kaya please move on . Move on okay ?" Sabi nya habang pinapat ang balikat ko at pagkatapos ay iniwan na nya ako dito .

Hindi ko alam kung anong gagawin 'ko . Hindi naman ako ganito nung iniwan ako ni Mark . Yes ! Iniwan , sinaktan nya ako pero bakit ganun ? Bakit parang mas masakit itong nararamdaman ko ngayon kaysa nung iniwan ako ni Mark .

"Arggh" halos sabunutan ko na ang sarili ko . Hindi ko alam kung anong gagawin ko . Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kada bawat minutong naiisip o naaalala ko ang pangalan ni AJ , naluluha ako , nasasaktan ako ? Diba dapat maging masaya ako dahil nalaman ko na ang lahat . Diba dapat masaya na ako dahil tapos na ang lahat ng panloloko at panggagamit nya ? Pero bakit ganito ang pakiramdam ko sa sarili ko ? Bakit parang there's still part of my heart shouting his name ?

Bakit hanggang ngayon pilit parin syang hinahanap nitong puso ko kahit na alam na alam kong sinaktan nya lang naman ako ?

Humiga na ako sa higaan para makatulog na pero bakit parang may sariling isip 'tong mga mata ko . Bakit gustong makita ng mga mata ko ang gwapong mukha ni AJ despite the fact na sinaktan nya lang naman ako ?

"The basic fundamental ... " halos ayaw magsink in sa utak ko ang lahat ng sinasabi ng teacher ko habang nagtuturo sya . Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang lahat ng lesson at parang ang gusto nya lang tanggapin ay makita ko ngayon si AJ ?

"Oy, Clare okay ka lang ba ? Mukhang hindi ka mapakali ngayon ah?" Agad naman akong napalingon dito sa katabi ko . Umiling iling muna ako bago ko binalik ang aking mukha na nakaharap sa nagdi-discuss kong teacher .

"Class, be prepeared next meeting we will have a long quiz . Okay , class dismissed" pagkatapos sabihin 'yon ng teacher namin ay agad agad ng nagsitayuan ang mga kaklase ko samantalang ang iba naman ay agad nagsipag unahan sa pinto para lang sila ang unang makaalis .

Samantalang ako , heto tahimik lang na nakatingin sa kanila . Hindi ko alam kung anong mararamdam ko ngayon , kung iiyak ba , tatawa ? Maski sa sarili ko hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko .

Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon