Chapter 5 (01/18/15)

2K 45 0
                                    

Sandali kaming nabalot ng katahimikan . Nakatingin lang sya sa daan samantalang ako ay medyo ok na . Hindi na ako masyadong nakakaramdam ng takot at kaba . Hindi na rin bumabagsak ang mga luha ko .

Sandali ko syang tiningnan kahit nakaside sya . Sa sandaling 'yon biglang nagbalik sa alaala ko ang nangyari kanina . Maaari kayang may meaning ang nangyari kanina ?

"AJ .. " hindi sya sumasagot .

"AJ ... " tawag ko uli sa kanya pero hindi sya sumasagot .

Naglabas muna ako ng isang buntong hininga . Kaya ko 'to . Maitatanong ko sa kanya . Tiwala lang . "Bakit mo ako hinalikan kanina?"

Dahil sa tanong ko, sandali syang napalingon sakin at pagkatapos ng ilang minuto ay binalik nya ang tingin sa daan . "You just remind me of someone . I love" cold na tugon nya .

Napaisip naman ako . Someone he love . Wow! Akalain mo naman , may pumatol pala sa ugali nya . Grabe ! Eh ke sungit at napaka suplado nyan . Kawawa naman ung babae . Tsk tsk .

At dahil na rin sa gusto ko rin malaman kung sino ung babae nakausi ako . "Who is she?" nakangiti ko pang tanong kaso dahil nga sa masungit at sumplado ito .

"Its better that you don't know her. " Napalitan agad ng simangot ang nakangiti kong mukha . Nakakainis naman . Ang damot !

"Sa lahat ata ng taong makikilala ko , ikaw na ata ung tao na umagang umaga nakasimagot na" sabi ni Hannah at pagkatapos ay nilapitan ako . Sandali ko lang syang tiningnan at pagkatapos ay binalik ko ang tingin sa kawalan habang nakahalumbaba . Pakiradam ko may kulang sakin ngayon .

Pakiramdam ko wala na akong pakiramdam . Pakiramdam ko naging manhid na ako sa lahat . Una , nananatili parin akong nagmamahal kay Mark na dumarating parin ang mga gabi na hindi ako makatulog dahil kada ipipikit ko ang mga mata ko , mukha nya lagi ang nakikita ko . Pangalawa ,si AJ simula ng maging slave nya ako . Pakiramdam ko , hindi na ako tao . Pakiramdam ko wala na akong karapatan maging masaya .

Isang linggo na rin kasi ang lumipas simula nung pangyayari dun sa kotse nya . Intense , nanauwi sa romance na sa huli ay naging drama ang lahat . Pagkatapos ng gabing 'yon parang naging mas malala pa ang turing sakin ni AJ , pinanagutan na nya ang sinabi nya nung nasa kotse nya pa kami na sya ang magdedesisyon ng lahat para sakin .

Kung tratuhin nya ako parang isa lang talaga akong alipin . Ni hindi ko nga maramdaman na contract boyfriend ko eh . Parang sa kontrata na aming pinirmahan , sya lang ang nakikinabang . Bakit ba naman kasi ng mahihila kong lalaki dyan sa tabi tabi si AJ pa ?

Nung akala kong magiging okay na ang lahat sakin , mukhang naging worse pa ata .

"Kung ikaw siguro ang nasa pwesto ko . Siguro mas malala pa ang gagawin mo" nakapangalumbabang sabi ko . Parang gusto ko ng bumigay at magpakalayo layo na lang para makataas ako sa sakit .

"Bakit ano bang nangyayari sayo? At napapansin kong mukhang pumapanget ka ata" walang pakundangang sabi nya . Agad naman akong napalingon sa kanya .

"Salamat ha . Buti naman at napapansin mo" sarcastic kong saad at pagkatapos ay inirapan ko sya. Iniwas ko na lang ang aking paningin at humalumbaba. Wala namang maitutulong sakin kung makikinig ako sa isang 'to .

"Hihi . Pero seryoso , nung nagtatrabaho ka pa hindi ka naman nagkakaganyan . Don't tell me -- OMG!" sabi nya at pagkatapos ay napatakip ng bibig na parang nabigla dahil may nalaman syang kakaiba .

Agad naman akong napatingin sa kanya . Sinamaan ko sya ng tingin . "Alam mo , hindi makakatulong nyang pinagsasabi mo . Huwag kang gumawa ng mga kwento . Mas pipiliin ko pang magtrabaho na lang ako ng night shift araw araw kesa naman sa wala akong trabaho pero grabe naman ako tratuhin ng ibang tao"

Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon