Jonelle's Note :
Bago po ako magsimula ay nais kong magpasalamat inyong lahat , most especially sa inyong mga silent readers . Kung hindi dahil sa inyong katahimikan at pagbabasa hindi mararating ng storyang ito ang puntong 'to. Salamat po.
PS. May follow-up note pa po ako mamaya sa pinakadulo ng chapter/epilogue na 'to. Thanks . Have a great day and God Bless . :D
~**~
AJ Rafael's Pov
Buong buhay ko, hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang lahat . Ang babaeng nuon lamang ay kinaiinisan ko at halos pag nakikita ko ang kanyang mukha ay sobra akong naiirita ay nandito at handa na akong iharap sya sa altar at sa Diyos at mamahalin ko sya habangbuhay ayon sa pagmamahal ng Panginoong Jesu-Cristo sa kanyang iglesya (church).
"Bro, halatang kinakabahan ka" napatingin naman ako kay Adrian na kinuha kong bestman. Suot suot nya ang ngiting parang nakaplaster sa kanyang mukha nung ikasal sya .
"Hindi mo naman maiiwasan yun diba?" half smile kong saad. Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako. What if I'm not good enough for her ?
"Exactly. Pero bro, wag kang masyadong kabahan dahil baka ikaw ang maging unang runaway groom dahil sa kaba" pagbibiro nya. Natawa naman ako sa kanya at sinabihan sya ng 'Loko' dahil nakukuha nya pang magbiro ngayong sobra na talaga akong kinakabahan.
Hanggang sa narinig kong nandyan na daw ang bride. As soon na narinig ko 'yon lalo akong kinabahan. AJ heto na, after this sya na si Mrs. AJ Rafael Fernandez.
Nagsimula na rin syang maglakad sa may aisle. Tapos habang pinagmamasdan ko syang naglalakad dun parang unti unting nagbabalik saking mga alala ang nakaraan.
"AJ, please samahan mo na ako. Sandali lang naman eh!"
"Hindi ka rin makulit noh? Sinabi ng ayoko"
Napangiti na lang ako nung naalala ko'yon. Sino bang mag-aakala na napasungit ko nun at daig ko pa ang babae pero nung isang taon syang nawala sa buhay ko , pakiramdam ko nawalan ng haligi ang bahay na tinitirhan ko. Pakiramdam ko nung mga panahong' yon kulang na kulang ako. At parang there's a person in my life na nasaktan ko.
"Bro, ingatan mo si bunso ah" napalingon naman ako kay kuya Xander . Napangiti naman ako at sumagot na oo.
This time, nung halos 3 steps na lang ang layo sakin ni Clare . I silently said a little prayer to God.
Lord God, thank you for this amazing girl in front of me right now. I thank you God for everything. Thank you Lord Jesus.
At nung kalapit ko na sya ay napangiti ako. At nagsimula na si Pastor na ikasal kami. Nagkaroon muna kami ng vow sa isa't isa at pagkatapos ay sinindihan namin ang candle na nasa center dun sa may likuran ni Pastor. At pagkatapos nun ay naglead ng prayer si Pastor hanggang sa natira na lang kaming dalawa ni Clare ang nagpe-pray habang magkahawak kami.
Hindi ko mapaliwang ung pakiramdam na , alam mo sa sarili mo na alam mo sa puso mo na habang kinakasal kayo ay kasama nyo ang espiritu ng Lord at kinakausap nya kayo .
Pagkatapos ng panalanging 'yon ay muli kaming humarap kay Pastor . Nakita namin ni Clare na nakangiti si Pastor at pagkatapos nun ay pinasuot na samin ang mga singsing at pagkatapos ay ideclare na ni Pastor na kasal na kami.
"You may now kiss your bride" nakatinginan kami ni Clare at nakita ko syang nakangiti. Napangiti na rin ako habang itinataas ko ang veil at pagkatapos nun ay hinalikan ko na sya habang pumapalakpak ang mga tao.
BINABASA MO ANG
Love Contract ✔️
Teen FictionSometimes love can be felt but it can also felt using a contract Minsan sa buhay kapag hindi mo na kaya kumakapit tayo sa patalim . Pero paano kung ung patalim na 'yon ay nagmistulang lubid palang syang sasakal at papatay sayo. Magagawa mo pa bang k...