Chapter 1 (01/16/2015) **Edited**

4.7K 66 1
                                    

Hindi ako makapaniwala na , na pinirmahan ko ang isang kontrata na maaari daw magpabago sa buhay ko o maaaring lalong magpagulo nito . Hindi ko alam pero iisa lang ang alam ko ngayon , umaasa na itong kontrata na ito ang magiging sagot sa matagal ko ng panalangin sa Diyos na nawa'y dumating ang isang araw na darating ang isang tao na babaguhin ang papanaw ko sa pag-ibig.

Sana , si AJ na ang sagot dito sa problema ko.

"We'll start the contract tomorrow . " tumango na lang ako sa sinabi nya at nagpaalam ng umalis at pagkatapos nun ay lumabas na ako ng mala-mansion nyang bahay . Well , sa totoo lang . Mansion naman talaga ang bahay ni Aj . Pumara na ako ng taxi , may tumigil namang isa at sumakay na ako sa passanger's seat . Grabe ! sino bang mag-aakala na 2 weeks ago , hindi naman ganito ang takbo ng buhay ko .

"Bakit mo ako sinaktan ng ganito Mark? Bakit ? Bakit in the first place hindi mo man lang kinonsider ang feelings ko para sayo. Bakit?" Maluha luha kong sabi habang pinaghahampas ang dibdib nya . Hindi nya ako tinitingnan . At sa ibang direksyon sya nakatingin dahilan para mas lalo akong masaktan .

"Hindi pa ba malinaw ang lahat Clare? Ayoko sayo . " sabi nya na parang nagpipigil ng inis .

"A-anu ? Anong sabi mo ? Ayaw mo sakin ? Eeh , bakit naging tayo kung ayaw mo naman pala sakin?" patuloy lang na bumabagsak ang mga luha ko na kahit anong pigil ay patuloy lang ito sa pagbagsak.

"Ginamit lang kita . Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat ? Gusto ko lang makaganti sa ex ko kaya naging tayo . Lahat ng sweetness at pagmamahal na pinaramdam ko sayo ay peke . It's all fake Clare . Sa relasyong 'yun lahat dun kasinungalingan kaya pati yang pagmamahal mong sinasabi sakin . Hindi yan totoo Clare , dahil in the first place kaya mo sinasabi na mahal mo ako dahil umaasa kang susuklian ko ang pagmamahal mo . Sorry Clare , Welcome to the real world . The real world where the truth is I don't love you , I will never love you . Thanks for loving me but I don't need love to earn money" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya . Pinagsasampal ko sya . Wala na akong pakialam kung magmarka pa ito sa mukha . Mukha lang naman ang masusugatan at masasaktan sa kanya , well sakin mas malala . Puso ko ang sinaktan nya . Sa pinakita nya ngayon sakin . Pinakita nya lang na wala pala talaga syang puso . Ang sama sama ng ugali nya .

Hindi na sya naawa sakin . Ulila na ako sa mga magulang . At tanging si Lola na lang ang nag-alaga sakin nung bata pa ako kaso iniwam nya rin ako nung 16 years old ako . Dalawang taon na ang nakalilipas simula ng iwan nya ako . Parang sa dalawang taong 'yun , nakahanap ako ng pag-asa at pag-ibig dahil dumating sa buhay ko nun si Mark kaso nagkamali ako . Ginamit lang nya ako .

Sa ginawa nya , binalik nya ang buhay ko 2 years ago .

"Clarita , ano bang nangyayari sa'yo ? Tulala ka naman ? Ano ba 'to dejavu lang ang arte te?" Hindi ko na lang pinansin ang kaibigan ko .

Ibinaling ko na lang ang aking paningin sa may bintana dito sa may lecture room . Ano namang magbabago sa buhay ko kung kakausapin ko si Hannah ? Maibabalik ba nito ang nakalipas ? Maibabalik ba nito si Mark sa buhay ko ? Magiging kami ba muli ni Mark ? Mamahalin na nya ba ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya ?

Kahit maingay ang buong silid ay parang hindi ito marinig ng aking pandinig dahil sa sakit dito sa puso ko . Grabe lang talaga , hindi na sya naawa sakin . Dinurog na nga nya ang puso ko , inapak apakan pa . Ang sarap nun diba ?

"Clara , ano ba ? Alam naman nating lahat na hindi lang si Mark ang lalaki sa buong mundo diba?" This time , mabilis kong binaling ang aking paningin sa kanya . Matalim 'ko syang tiningnan .

Bumakas sa kanyang mukha ang kaba at takot at meron naring namumuong maliliit na kabutil ng pawis sa kanyang noo . "C-clare , wa-wala naman akong sinabing masama d-diba?" Nanginginig nyang tanong .

Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon