Patuloy ang pagdadalawang isip 'ko kung tutuloy pa ba ako . Sa katunayan , ang staff at team ay nasa pilipinas na at ako na lang ang hinihintay pero pakiramdam ko , ayaw ng mga paa kong umalis.
Maaaring ayaw na rin ng mga itong maranasan ang dati pero iba na ngayon . Hindi na ako si Clare na sinaktan ni AJ , hindi na ako ang dating Clare na talunan . Patay na sya . Isang taon na syang nakalibing sa hukay ng nakaraan. At ni minsan , hindi hindi na sya babalik pa .
Hindi na ako si Clare , ako na ngayon si Ria . Si Ria na matapang , si Ria na hindi mahina , si Ria na hindi talunan at si Ria na hindi kagaya ni Clare .
Suppose you're wondering bakit Ria ? Galing din naman ito sa pangalan kong Victoria . Kaya lang dahil nga sa isa na akong model ngayon kinailangan kong baguhin ang pangalan ko para wala ng makakilala sakin from my past life even Hannah and Lance .
Isang taon kong tinago sa kanila . Sa loob ng isang taong 'yon nagmistulan akong patay . Ni minsan hindi ako nagpaparamdam sa kanila .
Sa totoo lang , kaya ayokong magkaroon kami ng communication ay dahil kay AJ , kilalang mayaman ang pamilya ni AJ kaya kahit sa isang iglap maaaring mahagilap at malaman nya kung nasaan ako sa mundo .
// ** subtitle to the conversation . Originally , Japanese ang usapan nila dito pero I will just translate ito sa tagalog para hindi na masyadong kumplikado ** //
"So , bakit hindi ka pa umaalis?" agad akong napalingon dun sa nagsalita . Si Mitsue pala . Boyfriend ko , 5 months pa lang kaming magkarelasyon pero sa maikling panahon na 'yon ay pinaranas nya sakin ang pagmamahal na ni minsan ay hindi pinaranas ni Mark o ni AJ .
"Hindi kasi kita kasama eh" nakangiti kong saad . Nilapitan nya naman ako at niyakap . Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang saya na nandito ang taong mahal mo .
"Alam mo namang susunod ako diba ? 2 weeks mo lang akong hindi makakasama . Alam mo namang may kailangan pa akong ayusin sa company" nakangiti nyang saad sakin at pagkatapos ay hinalikan nya ang ulo ko . Napapikit ako .
"Sige . Hihintayin kita ah" kumalas na ako sa yakap nya at kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa kanya . Kumaway naman sya as a sign na 'sige na' , kaya sinunod ko naman ang sinabi nya at pumasok na sa loob .
Hannah's Pov
"Tell me , bakit tayo nandito?" masungit na tanong sakin ni Lance habang nawawalang pasensyang nakatingin sa wrist watch nya .
Sa totoo lang , wala naman talaga akong balak na pumunta dito sa airport sa katunayan hanggang ngayon ay namumugto parin ang mga mata ko . Kaya para hindi uli ako maluha ay hindi ko na lang sasabihin kung anong nangyari kaya umiyak ako .
Earlier this day kasi , may nagtext sakin nagpakilala itong Mama daw ni Clare ay ang pagkakaalam ko ulila na si Clare at tanging si Lola na lang ang nagpalaki sa kanya kaya at first ay hindi ako naniwala . Pero dahil nga sa makulit ang sender ay napilitan na lang akong maniwala .
Tapos itong si Lance , aaminin ko sa inyo ang totoo , simula nawala si Clare bigla na lang nagbago ang ugali nya . Sa loob ata ng isang taong lumipas , naka-ilang girlfriends na sya at lahat ay nauuwi sa break up .
Hindi ko lang talaga maintindihan kay Lance kung bakit naging ganyan sya ? Heart breaker na sya . Lahat ng babae gusto nyang paiyakin . Lahat ng babae gusto nyang saktan , kaya mismo ako nasaktan na nya .
Marahas kong pinunasan ang mga luha kong nagsimula na namang bumagsak . Siguro'y napansin 'to ni Lance kaya sinita nya ako .
"Ano na namang kaartehan yan Hannah? Umiiyak ka na naman?" may pagkairita sa tono ng pananalita nya kaya kahit gusto kong sabihin ang totoo ay nagawa ko paring magsinungaling dahil kahit sa sarili ko ay hindi ko matanggap ang katotohanan .
BINABASA MO ANG
Love Contract ✔️
Novela JuvenilSometimes love can be felt but it can also felt using a contract Minsan sa buhay kapag hindi mo na kaya kumakapit tayo sa patalim . Pero paano kung ung patalim na 'yon ay nagmistulang lubid palang syang sasakal at papatay sayo. Magagawa mo pa bang k...