Chapter 15 (03/25/2015)

1.1K 29 0
                                    

Bigla ko na lang nabitawan ang lumang larawang hawak ko at sabay nito ay ang isa isang pagbagsak ng mga luha ko.

Totoo ang lahat. Totoo ang lahat ng sinabi sakin ni Xander - kapatid ko nga sya . Pero bakit ako niloko ni Lola ? Bakit nilihim nya sakin ang lahat ? Bakit sya nagsinungaling sakin ?

Napapikit ako at napatakip ng bibig habang patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha .

"Lola, b-bakit?" paulit ulit kong sabi. Hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na hindi sinabi sakin ni Lola ang lahat . Ang lahat kung saan, buhay pa pala ang mga magulang ko . Ang katotohanang may mga kamag-anak pa pala ako.

"Lola, bakit ka nagsinungaling sakin ?" tanong ko saking sarili habang patuloy paring umiiyak.

NANG sumunod na araw ay hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit tinawagan ko si Xander at nakipagkita sa kanya . Pakiramdam ko , pagkagising ko nitong umaga ay ibang tao na ako . Ung taong , umaasang makakalimot sa lahat ng sakit ng nakaraan at ung taong handang kalimutan ang nakaraan para lang maibalik ang mga ngiti sa kanyang mga labi .

"So, you've figured it all out by yourself?" tanong sakin ni Xander na may pagkamangha sa kanyang mukha .

Nginitian ko lang sya. Well, let's just say , I faked a smile. A smile that will hide all the pain inside .

"Actually, hindi . Maging ako , hindi ko alam ang sagot dyan sa tanong mo pero maybe God let this happen para mabuksan ang mga mata ko sa katotohanan sa pagkatao ko" formal kong sabi . Nakita ko syang ngiti .

Itong mga oras na 'to . Pakiramdam ko , ito na ang unang hakbang para saking pagbabago . Nagkwentuhan lang kami ni Xander ng tungkol saming childhood memories na hindi ko matandaan dahil masyado pa akong bata nun .

Ikinuwento nya sakin ang lahat lahat hanggang sa kung bakit ako napunta ng pilipinas at kung paano ako naiwan kay Lola .

Matapos kong marinig ang kanyang kwento ay hindi ko mapigilang lumuha . Lumuha dahil sa buong buhay ko , pinaniwala ako ni Lola na ako na lang ang nag-iisa dito sa mundo at tanging sya na lang ang pamilya ko . Sinabi nya rin sakin na wala na akong mga magulang .

Pinalaki ako ni Lola bilang isang mahirap na salungat pala sa tunay na estado ng buhay ko . Bigla ko tuloy naalala , nung bata pa ako may isang batang nagtanong sakin . Ang tanong nya kamag-anak ko raw ba ang mga Ruiz sa tv . Ung mga mayayaman at may-ari ng world class 5 star hotels, Airlines at Restaurants . Ang sagot ko naman 'nun ay hindi dahil hindi ko naman sila kilala pero it turns out na isa pala ako sa Ruiz na hinahangaan ng buong mundo .

"Xander ... " hindi ko napigilan ang sarili ko at isa isa na namang bumagsak ang mga luha ko . Nakita ko namang may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi at dahan dahang pinunasan ang mga luhang patuloy na bumagsak saking mukha .

"Alam ko Clare ,nangungulila ka sa mga magulang natin . I can't blame you . Ilang taon mo rin silang hindi nakita"

Lalo akong napaluha . Atlas, mararamdaman ko na ring ang pagmamahal ng isang ama at ina .

At pinagpatuloy namin ang pagkukuwentuhan hanggang sa sumapit ang oras na kailangan ng umalis ni kuya Xander .

"Bye" pagpapaalam nya sakin . May gumuhit na ngiti dito saking mga labi . Tuwang tuwa ako . Masaya ako at nalaman kong may kuya pala ako at si kuya Xander 'yon .

Nagsimula na ring maglakad si kuya Xander papalayo nung nagwave na ako ng goodbye pero nung hindi pa sya masyadong nakakalayo ay tinawag ko ang pangalan nya dahilan para lingunin nya ako .

"Kuya Xander ... " masaya naman nya akong nilingon . At maaaring dahil na rin sa kasiyahang nandito sa puso ko ay agad akong tumakbo para yakapin si kuya .

Niyakap ko si kuya ng mahigpit . Ganun din sya niyakap nya rin ako . "Kuya , gusto kong makita sina Mama at Papa" mahina kong sabi . Narinig ko naman syang tumawa at saka sinabing ...

"Tyak, matutuwa sila kapag nalaman nilang uuwi ka na"

- After 1 year -


Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon