Chapter 2 (01/16/2015)

3.1K 52 0
                                    

"Kuya, dito na lang po" nagbayad na ako sa driver at bumaba na ako ng taxi . Naglabas na lang ako ng isang buntong hininga bago ako pumasok sa loob ng bahay . 2 years ago masaya pa ako dahil kasama ko si Lola . 2 years ago naging maingay ang bahay na ito dahil sa kantanan namin . Kaso ngayon wala na .

Ito na lang bahay na 'to ang tanging alaala na iniwan sakin ni Lola . Naupo ako sa sofa at unti unting pinikit ang aking mga mata . Kailangan ko munang magpahinga dahil mamayang alas syete papasok pa ako sa trabaho tapos ang uwi ko pa ay alas dose na ng madaling araw . Mahirap man ngunit kailangan kong kayanin dahil nag-iisa na lang ako .

Hindi ko na namalayan na natulog na pala ako at hindi ko na napansin na tumatawag pala sa phone ko si Hannah . 5:30 pm ko na nakita na nagmissed call si Hannah . At dahilan siguro sa naiinip sya ay nagtext na lang sya .

'Clare, agahan mo ang pasok mo ah . Baka mangyari na naman ang nangyari 2 years ago'

Natawa muna ako bago ako nakapagreply ng 'oo' . 2 years ago dahil sa sobrang kalungkutan ko hindi ko na namalayan na nalagyan ko pala ng maraming chili pepper ang order ng customer kahit hindi naman sya umorder na lagyan ng chili pepper. Muntikan na akong matanggal sa trabaho pero salamat kay Hannah at nakiusap sya sa manager na hindi ako tanggalin kaya heto thanks God nasa 'akin parin ang trabaho .

6:30 pm akong pumasok para naman kahit papaano ay may konting dagdag sa sweldo ko . Naging okay naman ang trabaho ko ngayon dito sa fast food chain . Hindi naman ganung karaming tao dahil karamiham ay may mga pasok sila kinabukasan . Pumatak ang alas dose ng madaling araw at sabay na kami ni Hannah na umuwi . Konting distansya rin lang naman kasi ang bahay ko sa bahay nya .

At habang nasa byahe kami , naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari . Hindi sya makapaniwala na pumirma ako sa isang kontrata na mula sa isang taong hindi ko naman gaanong kakilala . Well , ako rin , hindi rin ako makapaniwala pero nangibabaw dito sa puso ko ang pag-asa na makakalimot at mababago nito ang pananaw ko sa buhay .

Mababago nito ang pananaw ko sa pag-ibig .

"Clare. Clare . Clare . Ano ba ? Natutulog ka na naman ba? May bisita ka?" Nagising ako dahil sa pagyugyog ni Hannah sa ulo ko . Nasa university ako ngayon at dahil nga sa wala namang tao ay naisipan ko munang umidlip kaso dahil na rin siguro sa sobrang antok ko dahil sa gabi ang trabaho ko ay tuluyan na akong natulog .

"Ha? Hannah? Ano ba nakita mo namang natutulog ang tao" tanong ko habang nagkakamot ng ulo . Nakatingin lang ako kay Hannah kaso she's pointing at someone . At nung naaninag ko kung sino un . Gosh ! Si Aj pala . Agad kong inayos ang sarili ko .

"Ah . A-aj , anong ginagawa mo dito?" Pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay basta basta na lang syang pumasok ng lecture room at may papel na inabot sakin . Kahit gulong gulo ay tinanggap ko ang papel at binasa ang nakasulat dun .

"The duration of the contract is within 5 months . Sa loob limang buwan. We will act like a romantic couple infront of everyone including infront of that pathetic ex of yours and nasa akin din ang desisyon kung gusto kong ituloy ang kontrata o hindi" at nagcross arms sya na paring walang gana sa kanyang sinasabi . Ang kaso nga lang, hindi ko masyadong narinig ung huling sinabi nya.

"Kung may tanong ka don't hesistate to ask !" Tiningnan ko sya at suot suot nya ang parang wala syang ganang makipag-usap mode nya . Grabe lang .

"May tanong ako ... " nalipat naman ang tingin nya sakin nung sinabi ko 'un .

"Yeah . Pero sa ibang pagkakataon ko na lang 'un sasabihin sayo" at pagkatapos nyang sabihin 'yon ay basta na lang syang lumabas ng lecture room without saying another word . Napatingin muli ako sa papel na binigay nya .

Love Contract ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon