[Akala ko ba, nakapagmove on ka na?] tanong sakin ni Hannah. Pagkaalis ko kasi kanina ay agad ko syang tinawagan . Hindi ko lang talaga kayang wala akong masabihan ng nararamdaman ko ngayon.
"Yun din ang akala ko. Pero, I guess niloko ko lang ang sarili ko" hindi ko na pinigilan ang pagbagsak nitong mga luha ko. What's the use,diba ?
[So, ngayon napagtanto mo na ang totoo. Eh, anong plano mo ngayon?] sandali akong napaisip sa katanungan nyang 'yan. Ano nga bang plano ko ? Hindi ko alam .
Parang biglang bumaliktad ang mundo . Nuon, ayaw na ayaw nya sakin at parang bawat mangyari kapag magkasama kami napipilitan lang sya tapos ngayon - . Napasabunot ako sa ulo ko .Nalilito na ako.
[Nandyan ka ba pa?] agad lang akong napabalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses ni Hannah.
"O-oo, nandito pa ako"
[Okay, siguro nahihirapan ka ngayon kung anong magiging desisyon mo, right ? Isang tip lang , kung ano ang sinasabi ng puso mo sundin mo pero minsan bigyan mo rin ng pagkakataon magsalita ang utak mo ah]
ILANG mga araw ang lumipas at talagang hindi talaga tumigil sa panliligaw daw itong si AJ. Naaawa at napapahiya ako sa ginagawa nya .
"Oh, anak may bisita ka pala?" agad akong napalingon dun sa nagsalita . Si Mama pala. Pababa pa lang sya ng hagdan at saktong nakita nya si AJ na nakaupo dito sa sofa . Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa inis . Ito ang iniiwasan ko sa lahat eh.
Akala ko nung mga naunang araw hindi mangyayari ang araw na 'to. Nakakainis .Sana pala nagplano ako para hindi nangyari ang ganito . Nakita pa ni Mama si AJ.
Umiling iling lang ako at nagsimula ng pagtulakan si AJ papalabas . "No, Ma, aalis na rin sya . Diba maga-alas sais na"
Pero kung nang-aasar pa talaga ang tadhana dahil niyaya pa talaga ni Mama si AJ na dito na kumain ng hapunan . Napasabunot na lang ako sa ulo ko pero wrong move napansin pala 'to ni Mama.
"May problema ba , Clare?" umiling at ngumiti na lang ako kay Mama . Kahit sa loob loob ko sadyang naiinis na talaga ako. Nakakainis kase .
Umalis naman si Mama at mukhang pumunta sa kusina. Sinamantala ko na ang pagkakataon para samaan ng tingin si AJ.
"Oh! Bakit ka ganyan makatingin sakin?" pa-inosente nya pang tanong . Hindi nya ba alam, lalo akong nangigigil sa asta nyang 'yan ? Asar lang ne !
"Hoy! ikaw AJ Rafael Fernandez, wag kang umasta ng ganyan dahil hindi ako natutuwa" pero imbis na matuwa ako dahil pinagalitan ko sya ay talagang nang-asar ang loko dahil nginitian pa talaga ako . Pigilan nyo ako . Sasampalin ko na 'to.
"Nako naman ang girlfriend ko. Ang cute cute magalit" at kinurot nya pa ang pisngi ko. Hinampas ko lang ang kamay nya.
"Oi, hindi mo ako girlfriend at hinding hindi mo ako magiging girlfriend" pagsusungit ko sa kanya at tinalikuran ko na sya. Aalis na sana ako kaso nagsalita na naman sya dahilan para mas lalo akong naasar.
"Actually , naging girlfriend na kita kung nalilimutan mo" hinarap ko sya . Grabe talaga ang isang 'to.
"Oo nga pala , hindi ko malilimutan 'yun. Alam mo ba kung bakit halos patayin mo na ako nun diba" sarcastic pa akong tumawa para kahit papaano naman ay maasar sya .
Pero imbis na tumugon sya sa sinabi ko ay agad nagbago ang expression nya. Naging parang alam mo yun parang mukhang nagsisisi na 'yung mukha nya . Un bang parang nagpapaawa. Nakakairita lang diba ?
"Sorry. Kahit ilang sorry , sasambitin ko para lang mapatawad mo ako" at nakita ko ring isa isa ng bumagsak ang mga luha nya. Tell me, ano na namang kaartehan yan AJ ?
"Hinding hindi na kita--" naputol ang sinasabi ko dahil biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si kuya Xander .
"Oh! AJ, bro musta na?" tapos nakipag bro-handshake pa si kuya dito sa lalaking 'to . Magkakilala sila ?
*-*-*
"WHAT?" sigaw ko saking isip. Nakakainis naman kase eh ! Sino ba namang magaakala na kaibigan pala ng kuya ko ang lalaking 'to. Alam mo yun, ung parang ikaw lang ang hindi belong dahil ung kuya mo at ung lalaking kinaiinisan mo nagkakaintindihan plus ung tatay mo pa natutuwa dahil besides daw kay Mitsue may pinakilala daw akong lalaki sa kanila . Asar lang diba ?
Tapos si Mama , ayun hindi mapigilang ngumiti sa tatlong 'to . Akala siguro ni Mama ay anak nya rin si AJ. Aish ! Nakakainis . Naiinis na talaga ako . At alam mo ba ung sobrang nakakaasar . Hinayaan pang magdinner ni Mama itong si AJ dito sa bahay . Kesyo, minsan lang daw ako magkabisita at minsan lang daw may makakwentuhan si Papa at si kuya Xander.
Naku ! Ang sabihin nila , botong boto sila sa lalaking 'yan para sakin. Which is nakakainis . Ayaw ko ng ganito .
"Talaga po?" nakangiti pang tanong ni AJ habang nagtatanong sa Papa ko. Nakakainis . Para lang silang tropa ah .
Kaya kahit sobra na akong naiinis ay tinahimik ko na lang ang bibig ko at baka may masabi pa akong against kay AJ at baka masermonan pa ako ni Papa .
"Yeah. AJ , you really are a nice young man. I wonder kung bakit hindi ka pa nag-aasawa ? Wala ka bang girlfriend ngayon?" hindi ko alam sa sarili kung bakit nung narinig ko ang sinabi ni Mama na 'girlfriend' ay agad akong nagreact . Akalain mo ba namang muntikan ko ng madura sa mukha ni kuya Xander ang pineapple juice na iniinom ko.
At syempre napansin ako ni Papa kaya nalipat sakin ang spotlight - i mean ang atensyon pala ng lahat.
"Ija, are you okay?' nginitian ko lang si Papa . At sinabing okay lang ako at pinagpatuloy ko ang aking pagkain dahil para mabalik muli ang atensyon nila sa lalaking 'yan . Nakakaasar !
"No Sir, wala po akong girlfriend ngayon. Sa katunayan , may nililigawan nga po akong babae dito sa japan ang kaso nga lang mukha ayaw nya sakin sobra po kasi akong ipagtabuyan eh" alam mo ung pakiramdam na , alam mo sa sarili mong ikaw ung pinapatamaan nung taong kinaiinisan mo . Asar lang ne noh !
At alam mo rin ba ung feeling na nakatingin sya sayo. Nakakaasar . Ung nakatingin sya sayo habang sinasabi nya ang mga salitang 'yon at habang suot suot sa kanyang mukha ang mukhang asong ngising 'yon.
"Bro, sino si bunso ba?" makulit pang tanong ni kuya Xander kay AJ habang ginugulo ang maayos kong buhok .
"Kuya, ano ba ! ung buhok ko" pag-iinarte ko . Pero sinamaan lang ako ng tingin ni kuya .
"Alam mo sa kaartehan mong 'yan , walang tatagal sayong lalaki maski si AJ pa" para akong kinalabutan sa sinabing 'yon ni kuya Xander . Ano ba 'yan ?
Tapos kung mang-aasar pa talaga ang tadhana . Nakita ko pang ngumisi si AJ.
Natapos ang dinner na 'yon ng puro sila sila lang ang nag-uusap . Ayoko ng makisali pa. Naiinis lang ako . Pagkatapos din ng dinner ay sapilitan ko ng pinauwi si AJ , mahirap na baka magkwento pa 'to ng magkwento .
"Oh! Anong nangyare sayo Clare, bakit ganun mong itrato ang bisita mo?" malumanay na tanong sakin ni Mama .
"Ma, hindi ko po sya bisita . Isa lang po syang epal na mahilig na magpaepal" at aakyat na sana ako ng hadgan papunta sa kwarto ko nung nagsalita muli si Mama dahilan para matigilan ako.
"By the way AJ looks at you dear, his eyes shows how much he likes you and i believe you also have that feeling towards AJ, why not let that feelings go and be happy?"
BINABASA MO ANG
Love Contract ✔️
Novela JuvenilSometimes love can be felt but it can also felt using a contract Minsan sa buhay kapag hindi mo na kaya kumakapit tayo sa patalim . Pero paano kung ung patalim na 'yon ay nagmistulang lubid palang syang sasakal at papatay sayo. Magagawa mo pa bang k...