"A-aj..." mahina kong bulalas . Hindi ko inaasahan na darating sya . Diba ... diba galit sya sakin ?
"Clare" diretso nyang sabi sakin at pagkatapos ay pinako ng matatalim na tingin si Mark. Ganun din ang ginawa ni Mark , binigyan nya rin ng matalim na tingin si AJ. Nagsusukan na sila ng tingin at parang habang tumatagal ay nagkakaroon na ng kuryente na dumadaloy sa pagitan ng kanilang mga mata .
At the moment , nakakaramdam na ako ng takot . Hindi ko alam sino ang lalapitan ko . Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Umatras ako ng kaunti pero agad nahawakan ni AJ ang pulso ko kaya hindi ako masyadong nakalayo .
"Wag kang aalis . Dito ka lang" diretsong saad nya habang hindi inaalis ang nakapako nyang tingin kay Mark. Sinunod ko na lang si AJ kahit labag sa kalooban ko . At tinungo ko na lang ang ulo 'ko.
Nagpatuloy ang matagal na katahimikan . Walang nagsasalita ni isa sa kanilang dalawa. Tanging paggalaw lang ng kamay ng wall clock ang maririnig mo sa buong silid.
"Bakit ka nandito? Anong balak mo at pinipilit mo ang girlfriend ko?" sabi ni AJ na syang bumasag ng katahimikan . Agad akong napatingin sa kanya , hindi sya nakatingin sakin bagkus ay nananatiling nakapako ang tingin nya kay Mark.
"Siguro naman ay hindi lingin sa kaalaman mo na naging girlfriend ko si Clare at kahit papaano ay may karapatan parin akong maging kaibigan at kausapin sya" sa sobrang tahimik ng silid ay nage-echo na ang mga sinasabi nila . At hindi ko alam sa sarili ko , pero nung sinabi ni Mark 'yon parang biglang lumukso ang puso ko sa saya .
Masaya ako pero ayaw ko ng nararamdaman ko dahil gusto ko ng makalimot sa kanya .
"Sa nakikita ko , hindi mo sya kinakausap . It's more like pinipilit mo sya" matigas na sabi ni AJ at sa tono ng pananalita nya parang naghahamon sya ng away kaya hangga't maaga ay pinigilan ko at hinawakan ko ang braso nya .
"AJ, please tara na . Alis na tayo" there's a pleading sound in my voice hoping na maramdaman nya . Thanks God , nalipat ang tingin nya sakin at unti unting nagbago ang aura ng mukha nya.
"Sige" un lang ang sinabi nya pero naging malaki ang impact sakin . Napangiti naman ako at nagpaalam sa kanya sandali dahil kukunin ko lang ang bag ko at nung nakuha ko ang bag ko at umalis na kami at iniwan namin si Mark duon .
Sa totoo lang , kahit papaano ay mahal ko parin si Mark kaya pinigilan ko si AJ. Kahit naman matagal na kaming hiwalay ayoko namang masaktan sya dahil sakin , okay lang na ako ang masaktan . Okay lang na ako na lang ang masaktan dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakamove on , wag lang sya . Kahit alam ko naman ang totoo na hindi nya ako minahal , nananatili ko parin syang mahal at sa pagmamahal na 'yon kaya kong tanggapin kahit masaktan ako. Para lang akong hangal right ? Oo , siguro ganun na nga ako . Pero anong magagawa ko ? Nakakainis talagaang sarili ko .
Habang sabay kami maglakad ni AJ ay nabigla ako dahil bigla nyang hinawakan ang kamay ko . Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din sya . Nilingon ko sya at nahihiya 'ko syang tinanong .
"AJ, pasensya ka na kung itatanong ko 'to ah pero bakit mo nga pala hawak ang kamay ko?" napakamot pa ako sa batok ko gamit ang free hand ko .
Mukha syang sandaling natigilan at pagkatapos ay nalipat ang tingin nya sa kamay naming magkahawak at mukhang bigla syang natauhan kaya agad syang kumalas at kagaya ng dati nagsungit .
"Kaya mo na ang sarili mo matanda ka ." masungit nyang saad at basta na lang akong iniwan . Napataas ako ng kilay sa nangyari . What was that? Mood swings ? Grabe lang 'te. Parang buntis lang ?
Muli akong napakamot sa batok at napa-ismid at pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad . Ano na naman kayang nangyari dun ? Sweet tapos biglang magsusungit . Galing ah , para lang syang buntis .
BINABASA MO ANG
Love Contract ✔️
Fiksi RemajaSometimes love can be felt but it can also felt using a contract Minsan sa buhay kapag hindi mo na kaya kumakapit tayo sa patalim . Pero paano kung ung patalim na 'yon ay nagmistulang lubid palang syang sasakal at papatay sayo. Magagawa mo pa bang k...