Jonelle's Note :
This chapter is all about Mitsue and his feelings . I want you guys to know his unheard feelings . So this is it.
-**-
Mitsue's Pov
Binitawan ko sya . Kahit masakit , binitiwan ko ang babaeng mahal na mahal ko . Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko kakayanin pilit kong kakayanin para lang mapasaya ko sya.
Naaalala ko pa nung niligawan ko sya nun. Umiiyak lang sya sa isang park at saktong naglalakad ako ng oras na 'yon. Nilapitan ko sya at tinanong.
"Miss, okay ka lang?" umiling iling lang sya nun at nagpatuloy ang kanyang pagluha. Pinagmasdan ko sya, napakaganda nya. Un bang parang bigla ko syang naging crush kahit ito ang unang beses na makita sya.
"Tell me, why are you crying?" umiling iling lang sya at nag-iwas ng tingin.
"What's the use kung sasabihin ko sayo? Maiintindihan mo ba ako?" nakita ko pa syang tumawa ng sarcastic.
"Maybe , maybe not . Pero , alam mo ba makakapagpagaan ng loob kung sabihin mo sa isang tao ang nararamdaman mo para kahit papaano ay makahinga ka naman"
"What's the purpose? I'm not going to meet you in the future anyway" at pagkatapos nun ay iniwan na nya ako. Sandali akong nabalot ng katahimikan.
Napaangat ako ng ulo sa kalangitan.
Panginoon, kumusta na kaya si Clare? Nawa'y masaya sya sa desisyong ginawa ko. Huwag nyo po sana syang pabayaan . Alam ko pong hindi po sya naging masaya sakin kaya sana Panginoon, sa desisyong ginawa kong palayain sya ay makapagpabigay sa kanya ng kasiyahang ni minsan ay hindi nya naranasan sa piling ko.
Napapikit ako. At pagkatapos ay tumungo ako .
Siguro, ito na ang huling pagkakataon na nakita ko sya and I'll cherish the moment i have with her forever.
Good bye Clare Victoria Ruiz
Clare's Pov
Weeks have passed after our break up. Maybe, naging selfish ako dahil pinabayaan kong may ibang taong masaktan. Pinabayaan kong, may taong magtiis .
"Clare ..." agad akong napalingon dun sa tanong tumawag sakin.
Nung nakita ko ang kanyang mukha ay bigla akong natigilan. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya dito.
"B-bakit ka nandito?" nakita ko naman syang ngumiti at may hawak syang isang bouget ng flowers. Nilapitan nya naman ako pero nilayuan ko na lang sya.
"To court you" umiling iling lang ako sa sinabi nya .
"Just go home. Mas kailangan ka ng pilipinas . Umalis ka na dito sa Japan" pagtataboy ko sa kanya . Tinalikuran ko na rin sya at hahakbang na sana ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para lingunin ko sya.
"How can i do that kung mismong puso ko ang nagpupumilit pumunta dito sa Japan para sundan ang babaeng mahal na mahal ko"
Sarcastic akong natawa sa sinabi nya at inirapan ko lang sya. "You're kidding, right? Sinong maniniwala sayo?" at tinalikuran ko na sya .
"Maybe wala . Pero umaasa ang puso ko na maniniwala ka" pagkasabi nya nun parang may biglang kumurot sa puso ko . Napakagat lang ako sa lower lip ko para kahit papaano ay mapigilan ko ang pagbagsak ng mga luha ko .
"Paano kung sabihin ko sayong hinding hindi na ako maniniwala dyan sa mga kasinungalingan mo?" nanatili parin akong nakatalikod habang sinasabi 'yon. Ayaw kong makita nyang pinipigilan kong bumagsak ang mga luha ko.
"Hindi parin ako susuko. Gagawin ko lahat para lang maging akin ka muli" sarcastic naman akong natawa sa sinabi nya. Hinarap ko sya at binigyan ng isang malakas na sampal sa kanang pisngi nya at sinigurado kong magmamarka 'yon .
"Nahihibang ka na ba? Ni minsan, hindi naging tayo . Kung ang sasabihin mo ay ung sa kontrata , walang kwenta 'yon kagaya mo" pakiramdam ko nag-iinit na ang mga mata ko.
"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin?" malumanay nyang tanong . Hindi ko alam kung umaarte lang ba sya o sadyang pinipigilan lang nyang bumagsak ang mga luha nya .
"Bakit? Hindi ba? Ni minsan ba? Pinahalagahan mo ako? Diba hindi?"
"Alam ko, nasaktan kita. Pero alam mo isang taon akong nagdusa .Isang taon akong nagulila dahil nawala ka. Akala ko si Annika na ang sagot kaso nagkamali ako . Hindi ko man lang nakita ang taong nasa harapan ko na pala kaya nung hinanap ko sya hindi ko sya mahagilap" this time isa isa ng bumagsak ang mga luha nya. Kaya maski ako ay hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko .
Sinampal ko sya at pinagsusuntok ang dibdib nya. Pilit lang nyang hinahawakan ang kamay ko. Hanggang sa nung tumigil ako sa pagsuntok sa dibdib nya ay bigla nya akong niyakap.
"Wala kang kwenta AJ. Wala kang kwenta . Minahal kita, alam mo ba 'yun? Dumating na ako sa puntong umaasang magiging tayo na talaga , ung totoong tayo kaso nagkamali ako. Manhid ka"
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang sya naman ay nananatiling nakayakap sakin at hinahalikan ang buhok ko.
"I'm sorry. I'm sorry" un na lang ang sinasabi nya.
"Wa-wala kang kwenta. Sana hindi na lang ikaw ung lalaking minahal ko"
Alam kong nasasaktan ko sya pero ano naman ngayon ? Kasalanan nya lahat ng ito kaya kahit masasaktan sya ay kailangan nyang malaman.
"Tahan na Clare, mahal kita" parang bigla akong natauhan sa sinabi nya. Kaya agad akong lumayo sa kanya at marahas na pinunasan ang mga luha ko . Nakita ko naman ang pagkabigla sa kanyang mukha dahil bigla na lang akong lumayo sakanya.
"Tapos na ang lahat. Tapos na ang lahat para satin AJ. You've already lose your chance" at pagkatapos nun ay iniwan ko na sya.
Alam ko sa sarili kong hindi ko pa kayang magmove on pero i know in time makakalimot din ako.
Malilimutan din kita AJ .
BINABASA MO ANG
Love Contract ✔️
Novela JuvenilSometimes love can be felt but it can also felt using a contract Minsan sa buhay kapag hindi mo na kaya kumakapit tayo sa patalim . Pero paano kung ung patalim na 'yon ay nagmistulang lubid palang syang sasakal at papatay sayo. Magagawa mo pa bang k...