Chapter 1

1.7K 140 4
                                    

Chapter 1:Angkan ng Wo

Ang kaharian ng metopolis ay binubuo ng ibat ibang angkan. Ordinaryo,Aristokrat,Noble clan at ang panghuli ay ang Royal clan.Ang Wo family ay isa lamang sa daang daang ordinaryong angkan nananinirahan sa bayan ng luminos.Ang bayan ng luminos ay isa lamang sa maliliit na bayan na matatagpuan sa kaharian ng metopolis bagamat nagkakasya naman ang mga ordinaryong angkan dito sa bayan na ito.Ang bawat angkan dito ay may hindi pagkapantay pantay sa pagtingin ng bawat is a.Bawat angkan ay may hangar in na maahon sa kahirapan katulad nalang ng angkang wo.Ang angkan na ito ay may maliit lamang na teritoryo binubuo ito ng limang daang miyembro ng pamilya.Si family head nicolas ang namumuno rito na may ranggong silver stage at may kakayahang mag katawang hayop,makahanap ng kayaman,at may angking bilis. Kahit ganun lamang ang kakayahan at ranggo ng kanilang family head. Napakabait ,napakatalino at napakamapagmahal na pinuno sa kaniyang nasasakupan na lubos nilang iginagalang.

Si Family head Nicolas ay may dalawang anak ito ay sina Ean WO at Ran Wo .Ang panganay na anak ay si Ean Wo na may misteryosong kakayahan.Sunod na anak ay si Ran Wo kagaya ng kanyang kapatid misteryoso din ang kakayahang tinataglay nito.

Ang angkan ng Wo ay may tatlong kakayahan lamang ito ay ang magkatawang hayop,maka hanap ng kayaman at may angking bilis.Dahil sa ordinaryong angkan lamang sila limitado lamang ang kanilang kaalaman na nakukuha sabayan pa na napakababa ng kanilang cultivation level .Ang angkan na ito ay naiiba sa lahat kumpara sa Artistokrat clan na may iisang kakayahan lamang ito ay ang manipulahin ang hangin.Noble clan na may kakayahang manipulahin ang lupa at panghuli Royal clan na may kakayahang manipulahin ang apoy .

Hindi lamang tatlo ang kakayahang meron ang Wo family.Marami pa ang nakatagong kakayahan nakatago sa bawat miyembro ng WO family .Dahil nga sa nasa mababa lamang silang estado ay nahihirapan silang palakasin at pataasin  ang kani kanilang ranggo maging ang kakayahan  .Ang una kasi nilang pinag tutuunan ng pansin ay ang kanilang pang araw araw na makakain





...........

Ang lahat na naninirahan sa kahariang ito ay tinatawag na adventurer maging sa ibang kaharian ganun din ang tawag sa kanila.Bawat isa sa kanila ay dumadaan  sa pagpapataas ng ranggo.Ang ranggo ay nahahati sa limang antas .Maaaring matulog sila o di kayay mag higop ng enerhiya sa pamamagitan ng pagninilay.Sa paraan na ito hindi sila makakaramdam ng gutom o pagkaantok .Oo nga pala nandito sa baba ang mga ranggo na dapat tahakin ng mga adventurer.

Copper stage
Aluminum stage
Zinc stage
Silver stage
Krystal stage
Black Krystal stage
Red Krystal stage
Apprentice of master stage
Hervana stage
Lighting ray stage

Sa ngayon sa kaharian ng metopolis tanging Hervana stage pinaka mataas na ranggong ang naabot.Sa kasalukuyan ito ay ranggo ng mahal na hari.Ang hari ng boung metopolis Ang haring ito ay napaka mapagmataas at sakim na adventurer.Ang tanging pinapahalagahan ng hari ay ang alchemist master na siyang gumagawa ng mga pills at potion para makatulong sa kaniyang pagpapalakas.

Walang pakialam ang hari sa kaniyang nasasakupan dahil ang tanging pinakikialaman ng hari ay ang kaniyang sariling pagpapalakas .




......

Sa ngayon ang kanilang family head ay tinahak ang daan patungo sa silid ng kanyang dalawang anak.Pagkarating niya sa silid ng kanyang anak ay nakita niya itong masayang naglalaro ang dalawa."Mga anak hali nga kayo ilang araw din tayong hindi nagkausap",napahinto naman ang dalawa sa kanilang paglalaro at agad na napatingin sa kanilang ama.

"Opo ama matagal tagal ding hindi tayo nagka usap" ,patakbong pumunta ang dalawa patungo sa kanilang ama.
"Ngayon ay maaari tayong makapag usap nang matagal aking mga anak",Hinigpitan ang yakap sa mga anak na para bang matagal na panahon na silang hindi nagkasama.

"Ganun po ba ama?" ,tango- tango nalang ang ama isinagot Sa anak bago kumalas sa yakap.Umupo sila sa sa lapag at sinimulang magkwento ang ama sa mga nakaraang araw na nawalay siya sa kanyang dalawang anak.Ilang oras silang nag kwentuhan nang mapagpasiyahan ng family head na lumisan sa silid ng kanyang mga anak.

"Anak babalik na ko sa aking silid",Yumakap ang ama tsaka isinara ang pinto ng silid ng dalawa.

Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon