Chapter 34 : Bracelet of life and death
Matapos mag usap ng dalawa ,agad na iginaya ni Tagapamahalang Helen si Ean Wo sa silid imbakan ng mga item na ipapasubasta.Pagkarating na pagkarating niya doon inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid.
Namangha si Ean Wo sa kaniyang nakita.Ang buong Lugar ay napapalibutan ng ibat ibang uri ng mga item na ipinapasubasta .May mga aparador,mesa ,upuan at iba pang paglalagyan ng mga item na ipapasubasta.Ang pagkaka ayos at pagkakaorganisa ng mga item ay sadyang kakaiba na siyang nagpapaganda sa buong paligid.Kahit saang angulo niya tingnan ay masasabi niya ang mga item dito ay puro may matataas na kalidad.May iilang item siyang nakita na may mababang kalidad pero kung hindi siya nagkakamali ang mga ito ay mga palamuti at pampaganda sa buong silid.
"Ginoong Ean Wo maaari kang pumili ng mga item na gusto mo",sabi ni tagapamahalang Helen.
Nabalik lamang sa ulirat si Ean Wo ng marinig niya ang boses ni Tagapamahalang Helen.
"O-opo tagapamahalang Helen sa katunayan nga po wala pa akong napipiling item",diretsang tugon ni Ean Wo.
Hindi parin mawala wala ang kaniyang pagkamangha sa Lugar na ito.Sa tanang buhay niya ngayon lamang siya nakarating at nakakita ng ibat ibang item.Pero kung pagbabasehan walang wala ang mga kayamanan at item na narito sa mundong pag aaari ni Ean Wo .Sa katunayan nga ang mga item na narito ay mga basura lamang kung ikokompara sa mga kayamanan tinatamasa ngayon ng angkan ng Wo.
"Kung ganun pumunta tayo sa unahan tiyak akong mayroon kang mapupusuang item doon "nakangiting sambit ng tagapamahala .
Tumango lamang dito si Ean Wo bilang pag tugon.Nang makarating na sila nakita ni Ean Wo ang isang mahabang mesa na natatakpan ng item na tela.Sa isang tinginan palang ni Ean ang mga item na ito ay masasabi niyang mga special sa lahat ng kaniyang nakita.Hindi niya alam kung ano ang mga nasa loob ng natataklubang itim na tela.Dahil sa kyuryosidad ni Ean Wo tinanong niya si tagapamahalang Helen.
"Tagapamahala ano po bang item ang nasa loob ng natataklubang itim na tela?.Maaari ko po bang makita at malaman?",bakas sa mukha ni Ean Wo ang kyuryosidad.
"Maaari naman ginoo",tugon ni Tagapamahalang Helen.Mula dito ay tinanggal ni Tagapamahalang Helen ang tela na tumataklob sa mga item.
Nang tuluyan ng matanggal ang tela tumambad kay Ean Wo ang mga item na minsan na niyang nakita ang ilan sa mga ito sa loob ng kaniyang unitreasery World.May iilan siyang nakitang item na hindi pamilyar sa kanya pero dahil sa tulong ng mga alaala ng guro ni Lolo shin ay nasagot ang kaniyang katanongan.
Ang mga item na ito ay walang halaga sa kasalukuyang lakas ni Ean Wo.Maging sa kaniyang pagsasanay at pagpapalakas ay wala itong maitutulong sa kanya.Naghanap hanap pa si Ean Wo ng mga item na babagay sa kaniyang pagsasanay.Nagbabakasakali siyang may makita siyang kayamanan na makakatulong para sa kaniyang ka angkan.Pero sa kasamaang palad ay wala siyang nakita ni isa man lang kayamanan.
Hindi siya tumigil sa paghahanap ng mga item .Hinalughog niya din ang ibang lugar sa tulong na din ni Tagapamahalang Helen.Tumigil lamang si Ean Wo sa paghahanap ng may mahagilap siyang isang kumikinang na bagay sa bandang gilid ng isang lumang mesa.Ang bagay na ito ang siyang nagbigay interes sa mukha ni Ean Wo.Sa hindi malamang dahilan bigla na lamang siyang naglakad papunta sa pinangyarihan ng bagay na kumikinang kanina.
Ilang saglit pa ay natanaw niya ang isang tela na tumataklob sa kumikinang na bagay na kaniyang nakita.Agad na binuksan niya ito at tumambad sa kanya ang isang kahon na inaalikabok.Gamit ang kaniyang munting kamay inalis niya ang lahat ng alikabok na humaharang sa takip ng kahon.Nang malinis niya na ang kahon ay hindi na siya nag atubili at ka agad niya itong binuksan.
Samantala taimtim naman na nanonood si tagapamahalang Helen sa ginagawa ni Ean Wo.Hindi siya nakaramdam ng inip sa mga pinaggagawa ni Ean Wo,bagkus ay humahanga din siya sa binata.Sapagkat sa dinami dami ng kaniyang nakitang adventurer si Ean Wo ang nabubukod tanging nakita niyang hindi nagkaroon ng interest sa mga item na narito sa loob ng silid imbakan.
Ang tingin niya dito ay parang hindi interesado ang binatang si Ean Wo.Kahit ang mga kalidad ng mga item na ipinapasubasta ay matataas.Kung ang iba ang nasa posisiyon ni Ean Wo tiyak na mas luluwa ang mga mata nila sa mga kayamanan kanilang nakikita. Para sa kanila isa itong malaking prebilihiyo na makita ang ganito karaming kayamanan.
"Kakaiba talaga ang batang ito",sa isip isip ni Tagapamahalang Helen.
Nang mabuksan na ni Ean Wo ang kahon tumambad sa kanya ang isang itim na pulseras.Pagkakuha niya nito parang biglang tumibok ang kaniyang puso na para bang ang pulseras na ito ay konektado na sa kaniyang pagkatao.Bagamat ang itsura ng pulseras na kaniyang hawak ay maihahalintulad sa isang maninipis na pinagtagpitagping bilog na bato.At ginawang pulseras ay hindi ito naging hadlang upang hindi ito magustohan ni Ean Wo.
"Iyan ang pinakaunang item ang naimbak dito sa silid imbakan .Paanong nakita mo iyan itinago ko iyan sa kadahilanang walang pagkakagamitan ang bagay na iyan", sambit ni Tagapamahalang Helen ng makita niya ang pulseras na hawak ni Ean Wo.
Ngumiti lamang dito si Ean Wo at marahang nagwika.
"Tagapamahalang Helen maaari po bang ito nalang ang aking kuning item.At tiyaka maaari po ba ako magtanong ",
"Walang problema ang bagay na iyan ay ibigay ko nalang sa iyo ng libre . Para naman sa iyong katanongan ay malugod ko itong sasagutin sa abot ng aking makakaya",nakangiting sagot ni Tagapamahalang Helen.
Huminga muna ng malalim si Ean Wo bago tumingin kay tagapamahalang Helen.
"Sino po ba ang nagdala ng item na ito ?at saang lugar niya po ito natagpuan?",makikita sa mukha ni Ean Wo ang pagiging interesado sa pinagmulan ng pulseras na ito.
Natahimik sandali si tagapamahalang Helen sa tanong ni Ean Wo.Sa simula't sapul alam na niyang ito ang itatanong ng binata .Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ang pangalan ng taong ito.
"Si Yuro Juda "nag aaalangang sabi ni Tagapamahalang Helen .
"At para sa ikalawang tanong mo ay hindi ko alam kung saan niya ito napulot.Pero maaari mo siyang tanungin kung saan niya ito natagpuan",dagdag pa nito.
Nang makita ni Ean Wo ang pag aalangan ng tagapamahala ay hindi niya nalang itinuloy ang kaniyang itatanong tungkol sa taong ito.Sapat na sa kaniya ang kaniyang nakuhang imporpasyon at nalaman .
Bilang tugon ay tumango lamang si Ean Wo dito.
Ilang sandali pa ay napagpasiyahan ng dalawa na lisanin na ang silid imbakan.Nang makalabas na sila hinatid ulit ni Tagapamahalang Helen si Ean Wo sa ikatlong palapag na kung saan ang mga taong nasa ikatlong palapag ay mga espesyal na bisita ng Barter hall .
Sinabihan din niya si Ean Wo na may dadating na tao para bantayan at utusan niya sa kung ano man ang nais niyang ipa utos.
Nang tuluyan matapos si tagapamahalang Helen sa pag aasikaso kay Ean Wo .Napa buntong hininga na lamang ito bago tumingin sa kawalan.
"Isang pagkakamali ang ginawa ng binatilyong iyon sa pag hanap ng impormasyon sa pagkatao ni Yuro Juda.Hindi niya alam ang mga kapahamakang nakaabang sa kanya sa hinaharap. Sinasayang lang niya ang kaniyang talento .Ean Wo ng angkan ng Wo ikaw ay markada na ni Yuro Juda ang mga humahanap ng impormasyon tungkol sa pagkatao niya ay ka agad na nalalaman niya.",sa isip isip ni Tagapamahalang Helen.
A/N
Sorry ngayon lang ako nakapag ud.Bc kasi ako sa pag answer ng mga module ko.At tiyaka nawalan na ko ng gana pag ud eh kasi kunti lang bumuboto sa story ko.
BINABASA MO ANG
Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]
AdventureSi Ean Wo ay nagmula sa mahirap na angkan.Lagi silang inaalupusta dahil sa pagiging mahirap nila.Hinahamak sila nang mga nakatataas sa kanila .Pinapahirapan ang kanilang angkan ,pinamumuka nang mga nakatataas na isa lamang basura ang mga ordinaryong...