Chapter 39 : Arriving at the Cloud Arena Palace
Sa labas ng tarangkahan ng Burning tails guild .Matatanaw ang isang napaka eleganteng kalesa na nakaparada sa harap mismo ng tarangkahan.Sa loob nito ay may siyam na katao ang makikita sa loob .Ang siyam na ito ay sina guild master veto,ang dalawang elder na si Elder Agami ,Elder Veno ,ang limang disipulo at panghuli ay ang kasama nilang kutsero na siyang tagamaneho ng kalesa .
Ilang sandali pa ay sinimulan ng kutsero ang pagpapaandar ng kalesa.Marahan lamang ang kanyang pagpapatakbo ng sasakayan sa kadahilanan para makita ng mga disipulo ang Ganda ng tanawin sa paligid , kung saka sakali mang maisipan nilang dumungaw sa labas ng bintana malapit sa kanilang kinaroroonan.
At tsaka hindi din natatakot ang kutsero sa kanyang pagpapatakbo ng sasakayan .Sapagkat alam niyang may malalakas siyang mga kasama kaya hindi siya dapat mangamba sa maaaring mangyari sa kanilang paglalakbay.
Sa loob ng kalesa makikita ang napakalawak na espasyo .Sa magkabilang gilid may matatanaw kang napakahabang upuan na gawa sa malambot na materyales .Sa gitna ay may mesang pabilog na gawa sa mamahaling kagamitan .Hindi mo aakalain na ang ganitong uri ng sasakayang pang transportasyon ay may ganitong katangian na siyang nagugustuhan ng mayayamang tao.Bagamat napaka liit tingnan ang labas ng kalesang ito taliwas naman ito sa loob .
Tahimik
Yan lamang ang makikita mo sa loob ng kalesa.Wala ni Isa sa kanila ang gumawa ng ingay .Tila ba nagpapakiramdaman lamang ang bawat isa kung sino ang mauunang magsalita sa kanila.Mga ilang minuto ang lumipas bago napagpasiyahan ni Oison grey na buwagin ang katahimikang namamayani sa loob ng kalesa.At dahil nga siya ay dakilang maingay sa kanilang grupo ay walang pagdadalawang isip niyang ikinuwento ang kanyang karanasan patungkol sa kanyang pagsasanay at maging sa kanyang pagbisita sa kanilang angkan .
Samantalang taimtim naman na nakikinig ang bawat isa sa kwentong inilalahad ng kanilang kagrupong si Oison grey.Matapos ang pagkwekwento ni Oison grey ay bumalik ulit sa katahimikan ang kanilang paligid.Dahil nga sa ayaw ni Oison grey na maboryo ang kanyang mga kasama ay naisip niya nalang na tanongin ang bawat isa,nang sa gayon ay mas makilala pa niya ang mga ito kahit magkaiba pa sila ng angkang pinanggalingan ,gusto niya na maging kaibigan ang lahat ng kanyang kasama .
"Binibining leianna kamusta ang iyong pagsasanay at pagbisita sa inyong kinabibilangang angkan?naging masaya ba ang iyong pamamalagi roon?"
"Ayos naman ako ginoong Oison sa katunayan nga nagkaroon ng kasiyahan sa amin ng malaman ng aking ka angkan na isa ako sa mga nakapasok na disipulo sa ating sektor ."sagot naman ni binibining lieanna
Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay ibinaling naman ni Oison grey ang kanyang paningin kay fern.Sinenyasan nito na ikaw naman ang sumagot sa tanong.
"Naging maayos naman ang aming pamamalagi roon .Katulad nga ng kay binibining leianna nagkaroon din kami ng munting pagsasalosalo",nang matapos magsalita ni fern ay kaagad na nagsalita si Sainara.Hindi na niya hinintay na magsalita si Oison.
"Gaya ng dalawa ay ganun din ang nangyari sa amin ",matapos na magsalita si sainara ay nabaling ang kanilang atensyon kay ean wo na ngayon ay tahimik lamang na nakatingin sa kanila.Sinenyasan naman ni Oison at lieanna na ikaw na ang susunod.
Nang Makita ito ni Ean Wo ay kaagad itong nag salita.
"Naging maganda ang aking pamamalagi sa aming angkan.Nagkaroon din kami ng mumunting salo salo gaya ng sainyo bagamat ma'y kinakaharap ang aming angkan na problema ay hindi ito naging hadlang upang hindi matuloy ang aming kasiyahan.Bago ako umalis nagbigay ng kaunting regalo ang miyembro ng aming angkan.Sinabihan nila ako na mag ingat palagi ,wag papabayaan ang sarili at higit sa lahat ay maging mabuti sa kapwa."makikita sa mata ni Ean Wo ang pag mamalaki sa ka angkan habang Ina alala la nito ang mga naranasan nito noong naroon pa siya sa kanilang angkan.
BINABASA MO ANG
Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]
AdventureSi Ean Wo ay nagmula sa mahirap na angkan.Lagi silang inaalupusta dahil sa pagiging mahirap nila.Hinahamak sila nang mga nakatataas sa kanila .Pinapahirapan ang kanilang angkan ,pinamumuka nang mga nakatataas na isa lamang basura ang mga ordinaryong...