Chapter 7

636 94 0
                                    

Chapter 7:Ang loob ng Power Academy

Nagising si Ean WO sa sikat ng araw
na tumatama sa kaniyang balat agad nagtungo si Ean WO sa palikuran .Hinubad ni Ean WO ang kanyang damit at pantalon pagkatapos ay ibinabad niya ang kanyang sarili sa maligamgam na tubing.Nag matapos si ean wo maligo agad siyang nagbihis at dali daling nag tungo sa entablado kung sana doon ang kanilang tagpuan.
Sa harap ng entablado tanaw na tanaw ni Ean WO ang siyam na kabataan kasama ang dalawang elder.

"Handa na ba kayo mga bata?",
Tanging tango lamang ang  iginawad na sagot ng mga kabataan" kung ganun tayo na",
habang binabagtas nang mga kabataan ang daan patungo sa Power academiya.Panay kwento at paalala ang elder sa kanila.
Ikinuwento ng elder ang mga sektor na mayron ang akademya.

Ang sektor ng akademiya ay binubuo ng apat na grupo ito ay ang Alchemist Association, Krystal Water Guild,Puppet Guild ,at Burning tails Guild.Bawat sektor ay may tinatawag na Guild Master/Guild Mistress sila ang itinalagang mamuno sa grupo kaagapay ng kanilang pagpapatakbo ng guild ay ang mga elder.

Ang Alchemist Association ay napakaimpluwensiyang sektor sa aging akademiya maging sa boung kaharian natin ay napakaimpluwensiya nito.Si Association Master Rebo Rampan ang namumuno rito.Ang Alchemist Association ang gumagawa ng pills at potion na ginagamit ng adventurers para sa kanilang pagpapalakas .Kung kayat iginagalang nila ito imaging ang hari ay iginagalang ang Alchemist Association Master na si Rebo Rampan

Puppet Guild ito ang pinakanakakatakot na sektor sa boung kaharian.Ang mga bangkay ng magiac beast maging ang bangkay ng tao ay maaaring gawing puppet ng isang puppet master.Mahirap kalabanin ang ganitong uri ng adventurer na may kasamang puppet sa kaniyang pakikipaglaban.Ang namumuno dito ay si Puppet Guild Master Karim Yusaf.

Krystal Water Guild ito ang pinakamalakas na sektor sa boung kaharian ng metopolis. Pumapangalawa lamang ang Alchemist Association kung lakas ang pag babasehan .Ang sektor na ito ay nakapukos lamang sa ibat ibang sandata na naayon sa bawat miyembro dito.Kaya malalakas ang bawat miyembro dito dahil iisa lamang ang kanilang pinagtutuonan .Ito ay pinamumunuan ni Guild Mistress Hebbie Lory.

Ang huli at pinakamahina sa apat na sektor ito ay ang Burning Tails .Ito ay pinamumunoan ni Guild Master Veto Flame .Ang sektor na ito ang pinakanaiiba sa lahat ng sektor .Hindi sila nakapukos sa iisang katangian lang.Malaya ang bawat miyembro na pumili ng kanilang nais,maaari silang maging sword man,alchemist, puppet at iba pa.
Ipinaliwang din sa kanila ang mga arena,mga laban na ginaganap,training ground at ang panghuli ay ang Forest of Secret.

Sa kakawento ng elder ay hindi nila namalayan na narito na pala sila sa harap ng tarangkahan ng power academy.May nagbabantay ding mga gwardya sa labas ng Akademiya.Nang makita ng gwardya ang mga elder agad silang yumuko at pinagbukasan ang tarangkan.
Nang makapasok sila sa loob ay iginala nila ang kanilang mga paningin .
Tumambad sa kanila ang nagtataasang   at nag gagandahang gusali sa loob ng Akademiya na ngayon lang nila nakita sa tanang buhay nila.

Namamangha at nanlalaking mga mata ang rumehistro sa kanilang mga mukha .
Pinutol  ni elder rin ang pagkaka inganyo ng bawat isa."Maligayang pagdating mga bagong mag aaral ng Power academy ,nais ko lang sabihin sa inyo na kaylangan niyong  mag ensayo ng maigi dahil magkakaroon ng pagpipili ang bawat sektor upang kanilang maging opisyal na estudyante."

"At dahil mga bagohan lamang kayo itutuor muna namin kayo sa loob ng Akademiyang ito upang makabisa din niyo ang mga lugar na inyong pupuntahan,Sa ngayon ihahatid muna namin kayo sa inyong mga silid at bukas na bukas ay magsisimula ang pag papasyal namin sa inyo dito", tumango lamang ang mga kabataan.

Gaya nga ng sabi ng dalawang elder .Iginaya nila ito sa kanilang pansamantalang silid  naka hiwalay ang bawat isa ,Ganun parin ang sistema dito sa akademiya.

Nakahiwalay ang noble clan sa mga aritokrat clan .Ganun din sa aristokrat clan nakahiwalay din ito sa mga ordinaryong angkan.
Sa ngayon ang bawat isa sa kanila ay naroroon na sa loob Nang kani kanilang dormitoryo.
May nagninilay nilay at may iba namang natutulog kagaya nalang ng binatang si ean wo na payapang natutulog sa kanyang bagong silid may pahilik hilik pa itong nalalaman.

Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon