Chapter 9 : Kasiyahan ng Pamilya Wo
Ang pamilya wo ay abala ngayon sa kani kanilang gawain.Ang bawat isa sa kanila ay may ginagawa tulad ng pag eensayo ng kanilang kakayahan,pagninilay para mapataas ang antas nila.Sa ngayon ang karamihan sa kanila ay nasa ranggong Copper Stage dahil sa kakulangan ng kayamanan at pills kaya ganyan lamang ang naaabot na ranggo sa ngayon.Kahit ganyan lamang kababa ang kanilang mga ranggo maging ang estado nila sa kanilang pamumuhay ay hindi sila nag karoon ng away o sama sa kanilang ka miyembro.Bagkus ay nagtutulong tulong ang bawat isa sa kanila na mapaunlad ang kanilang mga sarili.Sa kanilang angkan ay may tinatawag na rest day o araw ng pahinga dito nila ginagawa ang kanilang nais gawin sa buhay.Nagkakaroon sila ng maliit na kasiyahan sa silid hapagkainan ito'y nakagawian na nilang gawin tuwing araw ng pahinga.
Sa silid ng kanilang family head makikitang nakaupo ito at pawis na pawis sa kaniyang ginagawang pagninilay.Pinipilit ng kanilang family head na makatapak sa susunod na antas.Ilang oras nang ganyan ang kanilang family head pero wala paring senyales na siya ay makakalampas na sa susunod na antas.Ngunit kahit tagaktak na ang kanilang pawis hindi mo parin makikitaan ng pagkabagot o pagkainis ang pagmumukha ng kanilang family head bagkus napaka kalmado ang espresyong makikita sa pagmumukha nito.Makalipas ang Ilang oras umihip ang hangin ng napakalakas at Ilang sandali lang ay napagtagumpayan niyang makalampas sa susunod na antas.
RUMBLE
umalingaw ngaw ang enerhiya sa loob ng kanilang teritoryo.Nagalak naman ang kanilang kababayan sa pagangat ng antas na ranggo ng kanilang family head.Makikita sa mukha ng family head ang labis na kasiyahan .Tumayo ang family head matapos siyang magnilay at umupo sa kanyang upuan.
Mga ilang minuto ang nakalipas ng NAPAGPASIYHAN niyang tumayo at pumunta sa labas .Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid.Iniluwa dito ang kanyang elder na si balan na humihingal.
"F-family head magandang balita po"." At ano naman ang balitang iyon elder balan?",yumuko muna si elder balan at inayos muna ang sarili kanyang sarili bago mag salita."Eh kasi family head may nagbigay ng sulat sakin kanina ang sabi daw galing daw siya sa power academy",tahimik naman ang family head tsaka sinenyasan ang elder na mag patuloy."Binasa ko po ang nakasulat ,ang sabi po dun nakapasok si young master ean sa power academy",nagliwanag naman ang mukha nang family head sa narinig.Inabot naman ni elder balan ang sulat kay family head na nagpapatunay na hindi siya nag sisinungaling.Binasa naman ito nang kanilang family head.
"Sabihin sa lahat ng kababayan na maghanda dahil magkakaroon tayo ng maliit na pagdiriwang dahil sa matagumpay na nakapasok si Ean sa power academy", tumango naman si elder balan at dali daling lumabas sa silid ng family head.Nagtungo siya sa kanyang mga kababayan at pinaalam niya ang nais sabihin ng family head.
Agad na nag sipaghanada ang mga ka miyembro ng angkan ng Wo .Silay nasisisyahan din sa magandang balitang ipinakalat ng kanilang butihing elder na si balan.Hindi mapagsidlan ang kanilang ngiti dahil sa wakas makakaahon na din sila sa pagiging ordinaryong angkan.Ilang oras lang ang kanilang gingulol upang matapos ang kanilang ginagawang paghahanda.
.............
Nagtitipon sila ngayon sa silid hapagkainan na may mga masasayang mukha.Nandito na din ang kanilang family head at hinihintay nila ang hudyat nito upang simulan na ang kainan.Sinenyasan naman sila ng kanilang family head na magsimula nang kumain ." chibugan na",natawa naman ang ilang ka miyembro sa tinuran ni elly .Si elly wo ay ang pinaka kulilat sa kanilang angkan kaedaran lamang ni ean wo si elly wo.Ngunit hindi sila masyadong malapit sa isat isa dahil bihira lang lumabas ng silid si ean wo.Pero kahit ganun magkakilala naman sila si Elly wo ang taga aliw nila sa kanilang angkan.Marami ang natutuwa sa pagiging kulilat nito,pero kahit kulilat si elly isa din siyang maipagmamalaki nang kanilang angkan.Bukod sa pagiging kulilat siya ay napakatalentado nitong bata kanilang angkan.Sumusunod lamang siya kay ean wo na isa sa hinahangaan ng kanilang angkan.Natapos ang kanilang maliit na pagdiriwang na may baon na kasiyahan sa bawat lagi ng mamamayan ng wo family.
BINABASA MO ANG
Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]
PrzygodoweSi Ean Wo ay nagmula sa mahirap na angkan.Lagi silang inaalupusta dahil sa pagiging mahirap nila.Hinahamak sila nang mga nakatataas sa kanila .Pinapahirapan ang kanilang angkan ,pinamumuka nang mga nakatataas na isa lamang basura ang mga ordinaryong...