Chapter 32 :Pagbalik sa Power Academy
Masayang masaya ngayon ang batang si Ean Wo sapagkat nagawa na niya ang kaniyang matagal na ninanais para sa kaniyang minimithing buhay ng kanilang pamilya't kaangkan.
Marami pa siyang dapat gawin para sa ikakaunlad ng kanilang pamilya.
Gusto muna niyang palakasin ang kaniyang pamilya at ang buong angkan nang sa gayon ay masiguro niyang walang mangangahas na apihin sila habang wala siya sa kanilang teritoryo.Sa ngayon naglalakbay na siya patungo sa Power Academy na walang iniisip na balakid o problema sa buhay.Tinatakbo na lamang Niya ang daan papunta sa kanilang paaralan.Total di na man gaano kalayo ang kaniyang tatahakin patungo roon.Kaya mas minabuti niyang takbuhin na lamang ito kesa sasakay pa siya ng mga karwahe o ano pang ginagamit na transportasyon para makarating doon.
Bukod sa nakakatipid ang pagtakbo napagalaaman niya na marami ang benepisyong maibibigay nito sa kaniya.Ito ay ang mas mapapabilis ang kaniyang kilos at hindi madaling mapapagod.Mas magiging malakas ang kaniyang pangangatawan dahil dito.
......
Ilang oras lamang ang kaniyang itinakbo bago marating ang akademiya.Hindi man lamang makikitaan ng kahit kaunting pagod si Ean Wo o pagkaubos ng enerhiya .Bagkus ay kalmado at punong puno pa ng enerhiya ang kaniyang katawan na para bang hindi ito nauubusan.
Huminto lang siya ng nasa tapat na siya ng malaking tarangkahan.Sa sandaling ito agad siyang nakita ng dalawang gwardiya na nagbabantay dito.Ang dalawang ito ay ang dating humarang kay Ean Wo nang siya ay lalabas ng akademiya.
Nang makita ng dalawang ito si Ean Wo agad silang yumuko tanda ng kanilang paggalang.
"Magandang araw po Young master ",nakayukong bati ng dalawang gwardiya.Tumango lamang si Ean Wo dito tsaka nag wika
"Maaari niyo na po bang buksan ang tarangkahan",
Nang marinig ito ng dalawang gwardiya agad silang tumayo ng matuwid tsaka binuksan ang tarangkahan.Hindi parin nila tinitingnan si Ean Wo sapagkat sila'y nahihiya't kinakabahan sa maaaring gawin nito sa kanila.Nang mabuksan na ng dalawang gwardiya ang tarangkahan hindi na nagdalawang isip pa si Ean Wo at agad din siyang pumasok dito.
Nakahinga lamang ng maluwag ang dalawang gwardiya ng tuluyang makaalis si Ean Wo........
Sa isang banda, naglalakad si Ean Wo patungo sa Barter Hall.Hindi muna siya pumunta sa kanilang sektor dahil ninanais niyang puntahan muna ang Barter hall upang ibenta ang ilan sa mga potion na kaniyang nagawa noong siya ay nasa kanilang angkan.Bukod pa dito nais din niyang bisitahin at makita ang mga item na isusubasta dito.
Makalipas ang sampong minutong paglalakad sa wakas ay naratig din niya ang Barter hall .Ang itsura ng Barter hall ay parang isang simpleng bahay lamang kung iyong titingnan sa labas .At kung iyong papasukin naman ay masasabi mong napakalawak nito na kahit ang sampong libong katao ay kasyang kasya dito.May tatlong palapag ang makikita dito at sa gitna ay makikita ang isang napakalawak na entablado .May mga upuan din ang makikita dito na para sa mga manonood o gustong bumili.Sa pagkakaalala niya ang nasa pangalawang palapag ay para sa may mga kaya lamang o ang may mga matataas na katungkulan sa kanilang kaharian tulad nalang ng Heneral,Tanyag na pamilya sa kaharian ,Tanyag na Alchemist,Blacksmith ,at iba pa.At ang pangatlong palapag naman ay para lamang sa mga mahahalagang panauhin tulad ng mga Hari,reyna,prinsipe,prinsesa at ang mga nagpapasubasta ng kakaibang bagay.
Sa labas ng mismong pintuan ng Barter hall ay binabantayan ng dalawang gwardiya.Base sa postura ng dalawang bantay ay masasabi mong malalakas ang mga ito.
Nang makita ng dalawang gwardiya si Ean Wo na papasok sa nasabing hall ay agad din nitong hinarangan tsaka tinanong."Ma walang galang na ginoo maaari mo bang sabihin ang iyong sadya dito sa aming Barter hall?" mapagmataas na sabi ng gwardiya tsaka inilabas ang nakakakilabot na awra kay Ean Wo.
Tiningnan muna ni Ean Wo ang dalawang gwardiya tsaka marahang nagwika hindi alintana ang awrang inilalabas ng gwardiya.
"Mga ginoo ako'y narito upang isubasta ang potion na ito",mula sa bulsa nito ay inilabas ni Ean Wo ang potion tsaka ipinakita sa dalawang gwardiya.
Pinagmasdan muna nito ang potion na hawak ni Ean Wo pagkatapos ay kinuha ito mula sa kamay ni Ean Wo.
"Munting ginoo ipapakita ko muna sa tagapamahala ang potion na ito upang masuri niya kung anong klaseng potion ang iyong hawak.Hintayin mo nalang muna ako sa aking pagbabalik dahil kabilin bilinan ng tagapamahala na wag na wag papapasukin ang mga Bata na katulad mo."may diin na sabi ng gwardiya
"At tsaka hindi ka maaaring makapasok kung wala kang pahintulot ng nakakataas",dagdag na sabi ng isang gwardiya.
Napatango na lamang si Ean Wo sa sinabi ng dalawang gwardiya.Pagkatapos ay naghintay siya makaraan ang ilang minuto ay sa wakas nakabalik na ang gwardiya na hawak hawak parin ang potion na gawa ni Ean Wo.
Lumapit si Ean Wo sa gwardiya at tinanong ito .
"Ginoo ano ang sabi ng tagapamahala sa iyo?",makikita sa mukha ni Ean Wo ang pagiging kalmado.
Huminga muna ng malalim ang gwardiya tsaka marahang nagwika."Munting ginoo ika'y pinapapunta ng tagapamahala sa kaniyang silid.Nais niyang malaman kung anong uri ng potion ang iyong hawak",makikita sa mukha ng gwardiya ang paggalang base sa tono ng kaniyang pananalita.Tila bay naging maamong tupa ang kaninang mala tigreng pagmumukha ng gwardiya.
"Kung ganun tayo na po",kalmadong tugon ni Ean Wo.
"Sumunod po kayo munting ginoo"sambit ng gwardiya tsaka
Iginaya si Ean Wo papasok ng Barter hall.Nang makapasok si Ean Wo hindi niya mapigilan ang kaniyang sariling mamangha sa kaniyang nakikita sa loob ng Barter hall.
"Talagang hindi nakakasawang pagmasdan ang Barter hall na ito kahit pangalawang beses ko palang ito napapasok.At isa pa humahanga din ako sa taglay na lakas ng mga gwardiya dito.Biroin mo ang kanilang lakas ay maihahalintulad na sa mga family head ng artistocrat clan.Ako'y napapaisip kung ano ang lakas na meron ang namumuno dito sa Barter hall talagang napakamisteryoso na kahit ang mismong royal family ay ayaw banggain ito.Ano kaya ang ranggo at antas ng namamahala dito",
Sa isip isip ni Ean WoA/N
Welcome back mga ka lods ako'y nagbabalik.Oo nga pala ako'y mag uupdate pag umabot sa 80 ang vote na ito.Maraming salamat pala sa naghintay at bumoto sa aking kwento.Sana po'y hindi kayo magsawang basahin ito
BINABASA MO ANG
Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]
مغامرةSi Ean Wo ay nagmula sa mahirap na angkan.Lagi silang inaalupusta dahil sa pagiging mahirap nila.Hinahamak sila nang mga nakatataas sa kanila .Pinapahirapan ang kanilang angkan ,pinamumuka nang mga nakatataas na isa lamang basura ang mga ordinaryong...