Chapter 17

550 108 5
                                    

Chapter 17 : Ang nalalapit na laban

Sa loob ng training ground mapapansing ang siyam na kabataan na puspusan sa pag eensayo.Ang ilan sa kanila ay nagninilay ,may lumalaban sa mga magical beast at mayroon namang nakikipag esparing sa kapwa niya.Bawat isa sa kanila ay nagpupursiging mapahanga ang bawat Pinuno ng apat na sektor.Sa nagdaan na mga buwan malaki ang pinagbago ng bawat kabataan .Makikita ang mga awra at ranggo na inilalabas ng bawat isa sa kanila.

.......

Sa loob naman ng Forest of Secret makikita ang isang binata na kalmadong naglalakad palabas ng gubat.Mararamdaman ang awrang inalalabas nito ay nasa 4th level zinc stage.Ang kanyang mga mata ay walang emosyon kung tumingin .Ang binatang ito ay walang iba kundi si Ean Wo.Nilalakad lamang niya daan  hanggang sa marating niya ang kanyang pansamantalang silid.Pagkapasok niya ,agad niyang isinara at ikinandado ang pinto ng kanyang silid.Sa loob ng silid ay taimtim itong pumikit hanggang sa unti unting humulma ang isang bilog na portal.Walang pagdadalawang isip na pumasok si Ean Wo sa loob ng kanyang Unitreasery World taimtim siyang nagninilay at nageensayo gamit ang mga skill book na kanyang nakuha.Mga dalawang linggo nalang ang natitira sa kanila kaya naman puspusang ang kanyang pag eensayo at pagpapataas ng kanyang kabuoang lakas.Sa ngayon ay nagensayo siya gamit ang skill na kanyang itinabi kamakailan lang.

"Hand of God " sigaw niya.lumabas ang isang hugis kamay na nababalotan ng kakaibang enerhiya.Dahil sa lakas nito agad na naglikha ng munting pagsabog dulot nang pagtama nito sa mga kayamanan.

"Dragon Breath" mula sa kanyang bunganga lumabas ang rumaragasang pinaghalong itim at asul na enerhiya at direkta itong tumama ito sa kumpol kumpol na kayamanan.Nang dahil sa lakas ng impact nagkaroon ng malalim na hukay ang lugar na pinagbagsakan ng skill na iyon.
Naghahabol hiningang napaupo si Ean Wo sa lupa.
"Grabe di ko akalain na napakalakas pala nang mga skill na iyon, ang kailangan ko nalang gawin ay ang hasain ang lahat ng skill nang mga librong iyon ",sa isip ni Ean Wo


Lumipas ang mga araw patuloy parin si Ean Wo sa pag ninilay at pag eensayo ng ibat ibang skill.Sa mga nagdaan na araw tumaas na naman ang pangkabuang lakas ni Ean Wo ,ang kanyang kakayahang mag teleport ay mas nahasa pa niya ng sobra.Sa kanyang pag eensayo gumagamit din siya nang ibat ibang taktika para matalo nang madalian ang kanyang kalaban.Sa mga natitira niyang araw pinag aralan niya kung paano gumawa ng pambihirang pills.Hindi naman siya nabigo dahil madali lamang niya natutunan kong paano gumawa ng ibat ibang potion at pills lalo pat mayroon siyang alchemy flame.

Napag alaman ni Ean Wo na ang kanyang taglay na Alchemy Flame ay may mataas na kalidad kumpara sa ibang alchemy flame.Ayon sa alaala nang yumaong master ni lolo shin ang alchemy flame nataglay ni Ean Wo ay nag iisa lamang at pinakakaiba sa lahat.Bukod sa alamat lamang ito may kakayahan itong makapag pagaling ng sugat na hindi gumagamit ng pills at potion.

Napagpasiyahan ni Ean Wo na gumawa nalang siya nang isang tier 1 potion pagkatapos ng laban.Balak niyang isubasta ito sa Barter Hall at pag naibenta niya na ito ibibigay niya ang mga ito sa kanyang kaangkan at ama pag pinayagan na sila lumabas sa akademiya kasabay nito ang mga inilaan niyang magic ring na may laman na mga daan daang at milyong milyong salapi pills,potion, armament at skill books.

Sa ganoong paraan hindi mag hinala ang mga tao kung saan nakakuha ng ganito karaming salapi si Ean Wo.Habang siya ay nasa akademiya mag hahanap siya nang pansamantalang magbabantay sa kanyang boung angkan nang sa gayon masiguro niya ang kaligtasan ng kanyang angkan laban sa mga mapang api at mapang abusong angkan.

Isang araw nalamang ang natitira ni Ean WO kung kaya sinulit niya ang boung araw sa paggamit ng ibat ibang mga sandata.Pinagtuonan niya talaga ng pansin ang bagay na ito dahil lubos na makakatulong ito sa kanyang pakikipagsapalaran.Limang oras ang nilaan niya bago matutunan kung paano gumamit ng espada  at sibat.Pumorma na si Ean WO na parang handa na siyang makidigma .Ganito ang kanyang ginagawa  Wasiwas doon, wasiwas dito,sangga doon sangga dito na animoy may kalaban na hinaharap ,pero ang totoo wala naman talaga. Tatalon ,tatakbo,aatras na naman pagkatapos gugulong ,wawasiwas na naman ng espada  ganyan  ang ginagawang pag eensayo ni Ean Wo (parang tanga lang no?).

Humihingal naman na napasandal si Ean Wo pagkatapos niyang mag ensayo gamit ang dalawang sandata."Hah!Hah! nakakapagod palang pag aralan ang mga sandata lalo pat walang nagtuturo sa iyo ,Hay buhay nga naman",sa isip ni Ean Wo.

Matapos makapagpahinga at mabawi ni Ean WO ang lakas na nawala sa kaniya.Tumayo na ito tsaka kinuha ang espada at sibat pagkatapos ay inilagay ito sa kanyang magic ring.Ipinikit  ni Ean WO ang kanyang mga mata at iniisip ang lugar ng kanyang silid.Ilang saglit lang ay humulma ang isang bilog na portal.Kasabay ng pagmulat ni Ean WO ang tuluyang pagkabuo ng portal.Pumasok agad si Ean Wo dito ilang minuto lang ang itinagalal niya sa loob ng portal .Hindi na siya nakakaramdam ng pag ikot ng paligid ,siguro na sanay na ito sa palagiang paggamit ng portal.
Sandali lamang ang kanyang itinagal ng iluwa siya bigla ng portal sa kanyang silid.
Dahil sa sobrang napagod si Ean Wo sa kanyang pagsasanay nahiga siya sa kanyang kama at makalipas lamang ang sampung minuto ay nakatulog ito.Hindi na ito nag abala pang maligo o magbihis dahil sa sobra itong napagod sa kanyang walang tigil na pageensayo at pagpapalakas.

A/N
Hanggang bukas nalang ata ang update ko.Maaaring 3 days pako makapag update makapaghintay panaman kayo hindi ba?

Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon