Chapter 19

536 90 8
                                    

Chapter 19 : Laban ng mga baguhan

"Inaanyayahan ang nakakuha sa numero uno na mag tungo sa ating arena upang masimula na ang laban", anunsiyo ng mc.Pumunta naman ang dalawang maglalaban sa harap ng arena.Mapapansing ang dalawang maglalaban ay naglalabas ng kani kanilang awra.Ang awrang inilalabas ng lalaking may asul na buhok at mata ay nasa hangganan ng 5th zinc stage malapit na itong makausad sa susunod na ranggo ,marahil kaunting nilay at pagsasanay nalang ang kanyang gugulin para makatapak sa susunod na ranggo. Ang isa namang lalaking may lilang mata at itim na buhok ay may awrang inilalabas na 4th level zinc stage. Kung iyong ihahambing ang dalawang ito  makikita muna agad ang kalamangan ng isa ,mas dehado ang lalaking may lilang mata at itim na buhok sa kanyang kalaban na nasa ikalimang level  ng zinc stage.

" Unang laban Yufuno Trabi laban kay Ashima Lenco simulan na",

Pumurma naman ang dalawa,unang sumugod ang lalaking may lilang buhok at itim na mata.Ito ay walang iba kundi si Ashima lenco .Gamit ang kanyang kamao pinaulanan niya ng sunod sunod na suntok si Yufuno Trabi.Dahil nga sa mas mataas ang level ni Yufuno madali lamang niya itong naiiwasan.
Walang tigil na nagpapaulan ng mga suntok at sipa si Ashima lenco kay Yufuno Trabi kahit alam nitong madali lamang ilagan ni Yufuno ang kanyang atake hindi parin ito sumuko . Walang kahirap hirap naman na naiiwasan ni Yufuno ang lahat ng atake ni Ashima.Minsan nga sinasalag nang binata ang mga atakeng pinapakawalan ng kanyang kalaban.

"Ano puro kana lang ba iwas at salag,Ano lumaban ka duwag! ",Makikita ang inis sa mukha ni Ashima Lenco habang nakatingin kay Yufuno Trabi.

Dahil sa sinabi ni Ashima nandilim ang mukha ni Yufuno Trabi at napakuyom ng kamao.Walang pagdadalawang isip na sumogod ito.Nagpakawala ka agad ito ng skill na mula pa sa kanilang angkan.

" Dayamante Punch" mula sa kamay nito humulma ang isang hugis kamao at direkta itong tumama sa sikmura ni Ashima.

"Bang"

Tunog ng bumangga ang kamao nanababalotan ng enerhiya sa Tiyan ni Ashima
Dahil sa atakeng iyon napaatras si Ashima Lenco nang ilang metro sa kanyang kinatatayun.Namimilipit naman nanapahawak sa bandang tiyan si Ashima Lenco kung saan tinamaan ng skill ni Yufuno.

"Ahhhhhhhhh"

hindi mapigilang mapasigaw ni ashima lenco sa sakit na kanyang  nararamdaman.Hindi pa man siya tuluyang nakakarecover sa sakit na idinulot ni Yufuno Trabi. Nang biglang lumitaw ito sa kanyang harapan na may madilim na expresyon.Akmang hahakbang na siya paatras nang hawakan ang kwelyo niya tsaka ibinalibag  ito papunta sa pader.

"Bogsh"

Dahil sa pag tama sa pader nakaramdam si Ashima Lenco nang pagkabali ng kanyang buto sa likod.
Pilit na tatayo na sana siya nang bigla na namang nagpakawala si Yufuno Trabi ng atake.Gamit ang kanyang kakayahang manipulahin ang lupa.Gumawa ito ng bato at pinatama ito direkta kay Ashima.Dahil sa hindi makatayo si Ashima Lenco dulot ng pagkabalibag sa kanya at pagkabali ng buto sa kanyang likod,Iniharang nalang niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha upang protektan ito.Makikita mo narin sa mukha ni Ashima Lenco ang mga sugat at galos sa kanyang katawan.Pero hindi mo parin siya makikitaan ng pagsisisi o pagkatakot man lang.

"Bang Bang Bang"

"Ahhh Ahhh Ahhhh"

Humihiyaw na sigaw nito nang tumama ang mga bato sa kanyang katawan.Tanging ang kanyang mukha ang Hindi natamaan ng mga bato.Dahil sa dami ng bato tumama ang mga ito sa ibat ibang parte ng katawan hanngang sa natamaan ang kanyang ulo .Mula dito lumabas ang masaganang dugo  at dahil sa lakas ng impact nang mga batong tumama sa kanyang ulo nawalan siya nang malay.Agad namang rumesponde ang mga alchemist at dali daling kinuha ang katawan ni Ashima tsaka ginamot ito."Inanunsiyo naman ng mc ang nanalo sa unang laban",.Bumaba na si Yufuno Trabe sa arena ng matapos ianunsiyo ang kanyang pagkapanalo.

"Sunod na laban umabante na",

Agad naman pumunta ang dalawang binibini sa harap ng entablado.Makikita sa dalawang ito ang nakangiting expresyon habang nakatingin sa isat isa.

" Handa na ba kayo binibining deverie loro at lessie Mina tama ba?"
Tumango naman ang dalawa bilang pagsagot."Kung ganon simulan na ang laban",matapos sabihin yun nang Mc sabay na sumugod ang dalawang binibini.

Nagpakawala nang sunod sunod na atake ang babaeng nangangalang Lessie Mina .Iniwasan naman ito nang kanyang kalaban na si Deverie Loro sapamamagitan ng pag ilag ,pagtalon,pag atras,pag yuko.Bumwelo naman ang kanyang kalaban at sinipa si Lessie Mina sa mukha gamit ang paa ng kanyang kalaban.Mabuti nalamang at mabilis na na kayuko si Lessie Mina sa sipang tatama sana sa kanyang mukha.Kung hindi niya ito na ilagan malamang na knock out na ito.

Ilang oras silang nagpapalitan ng nga atake.Pero ni isa sa kanila ay wala pang natutumba.Pareho silang may mga sugat , galos at humihingal na .Makikita din sa kanilang mukha ang mga pawis na Tumutulo sa kanilang damit.

Makalipas ang ilang sandali sabay na sumugod ang dalawa at ibibigay na sana nila ang lahat ng kanilang lakas sa huling atake ng biglang pumagitna ang Mc at pinatigil sila.Tumigil naman ang dalawa at nagtatakang napatingin sa Mc.

"Pasensiya na mga kabataan sa paghihinto ng inyong laban,napagutusan lamang ako ng apat na pinuno ng apat na sektor na ipahinto ang laban dahil hindi ibig nilang masahid ang inyong mga enerhiya lalo pat napakita niyo na may potensiyal kayo na maging ka miyembro nila.Kahit ako din ay napasimangot dahil sa pagkakaudlot ng inyong laban,hay nakakapanghinayang Hindi natin makita kong sino ang nanalo sa inyo. Pero Sa huli maganda ang pinakita niyong laban ,pantay lamang ang inyong lakas ,Kaya naman ang inyong laban ay pantay lamang",.napangiti naman ang dalawang binibini sa sinabi ng Mc at naglakad na pabalik sa kanilang upuan.Kahit na kanina ay napasimangot sila dahil sa pagkakaudlot ng kanilang laban.Agad naman silang binigyan tsaka pinakain ng recovery pills ng mga alchemist.

.........

Sa kabilang banda naman naaamuse ang apat na pinuno ng bawat sektor sa akademya sa kanilang panonood na laban.Nakita nila kung gaano ka talentado ang bawat sampung kabataan na baguhan.Hindi na sila makapaghintay  sa susunod na laban .Kahit dalawang laban palang ang kanilang nasaksihan .

"Mga kapwa ko pinuno wag niyo sanang kukunin ang batang may lilang mata at itim na buhok dahil sa akin yan nakitaan ko ng potensiyal ang batang iyon na maging isang alchemist", tahimik naman na tumango ang tatlong Guild Master kay Alchemist Master Rebo.Hindi naman sila maaaring komontra dahil Alam nilang mas maimpluwensiya ang kanilang kaharap kumpara sa kanila.

" kung yun ang gusto mo Guild Master Rebo,sa akin naman yung lalaking nakaasul na mata at may asul na buhok dahil bagay ang isang yan na maging miyembro ng aking sektor,eh ikaw Guild Master Veto wala kabang nakikitaan ng potensiyal sa mga kabataang ito para maging miyembro ng inyong sektor",umiling naman ang pinuno ng Burning Tails Guild bilang sagot sa tanong ni Guild Mistress Hebbie

"Hindi naman sa wala along nakikitaan ng potensiyal sa kanila, ang sa akin lang kung sino ang pipili sa aking pinamumunuang sektor ay malugod ko itong tatanggapin", tumingin naman si Guild Mistress Hebbie sa lalaking katabi ni Guild Master Veto.Bumaling naman sa kanya ang lalaking ito at nakangiting nag wika.

" Ganun din ang aking sagot sa sagot ni Guild Master Veto",

Matapos magtanong ni Guild Mistress Hebbie ay umupo na ito at itinuon na lang ang kanyang atensiyon sa harap.

Ang magiting na Adventurer[Vol 1: The Secret]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon